The PE Savior

7.8K 165 2
                                    

MABIBIGAT ang mga paang nagtungo si Melanie sa pwesto niya sa tabi ni Marlon at sa kasamaang palad ay umabot sa kanyang ilong ang hindi kanais-nais na amoy na nagmumula dito. Ngayon ang second meeting nila sa PE. Natuloy ang pagta-tryout niya para sa volleyball team ng kanilang unibersidad noong nakaraang linggo pero mayroon pang second screening kaya hindi pa siya pwedeng magpakasaya.

"Mukhang madaming bagong mukha ngayon ah," komento ni Mrs. Paez pagkatapos magcheck ng attendance. "'Yung mga wala last meeting, kumopya na lang kayo sa mga kaklase ninyo. At dahil madami ang wala last week, uulitin natin ang pag-a-assign ng mga partners."

Nahigit niya ang hininga sa narinig. Parang gusto niyang itaas ang dalawang kamay habang sumisigaw ng "may himala!"

"Form a straight line according to height."

Hindi na napigilan ni Melanie ang mapangiti ng malapad nang isa-isang sumingit sa linya iyong mga kaklase niyang absent nung nakaraang linggo. May pag-asa pang mapalitan ang partner niya. Thank goodness! Kung sakali mang hindi siya matanggap sa volleyball team ng unibersidad ay okay lang. She could always join in the volleyball team of their college.

"First ten pairs, move over to the leftmost side."

Hindi na niya napigilan ang makisabay sa pagbibilang ng mga pares hanggang sa makarating siya sa kanyang bilang at biglang natigilan. Naman, Lord. Is this your idea of a joke? Seriously? Si Marlon parin talaga ang partner ko? Hindi na magtataka si Melanie kung somewhere sa isang bahagi ng kalangitan ay nagsisitawanan na ang mga pilyong anghel. The joke was definitely on her.

Natigil lang ang kanyang pagseself-pity nang bigla na lang may isang matangkad na lalaking humahangos na pumasok sa kanilang classroom. Nine to eleven ang schedule ng PE nila pero mukhang kagigising lang nito. Halatang-halata iyon dahil sa itsura nitong mukhang mabilisang nagbihis pagkatapos maligo. Medyo basa pa ang may kahabaang buhok nito at hindi pa naitatali ng maayos ang suot na PE shoes. Natigil ang pagmamasid niya dito nang makarinig ng bulung-bulungan sa kanyang paligid.

"Siya nga, si Gabe Ancheta," bulong ng nasa unahan niyang babae. Ano na nga ba ang pangalan nito? Anna yata.

"Sino 'yun?" hindi niya napigilang itanong.

"Siya 'yung Mr. Engineering last year," sagot naman ng isa pang babaeng nasa harap ni Anna.

"Ha?" Was that supposed to mean anything to her?

"First year pa lang si Melanie kaya hindi niya alam," wika ni Anna sa babaeng nasa harap nito. Nakakuwentuhan kasi niya ito ng kaunti last meeting. "Si Gabe iyong representative ng Faculty of Engineering sa Mr. and Ms. Thomasian Personality last year," paliwanag naman nito sa kanya.

"Ah," tumango na lang si Melanie na kunwari ay naiintindihan niya ang ibig sabihin ng mga ito.

"University wide ang pageant na 'yun," dugtong pa ng babaeng nasa harap ni Anna.

Tumahimik na lang siya dahil wala naman siyang alam sa mga sinasabi ng mga ito. Pero ayon sa mga narinig niya ay runner up lang daw ang Gabe na iyon sa naturang kompetisyon. Ngunit marami ang nagsasabi na ito daw dapat ang nanalo. Siguro daw ay dahil third year pa lang ito noon kaya ibinigay na lang ang title doon sa isang graduating na contestant.

Nag-e-enjoy na siya sa pakikinig sa pag-uusap ng dalawa nang bigla na lang silang tumigil. Nang ibaling niya ang paningin sa mga ito ay gusto niyang matawa sa itsura nilang tila namatanda na sa kinatatayuan. Curious na sinundan niya ng tingin ang direksiyong tinitingnan ng dalawa. And she was greeted with a surprisingly striking face of a boy. No, he couldn't be a boy. He looked like a man already.

"Mr. Ancheta, masyadong mahaba 'yang buhok mo saka bawal ang may goatee sa klase ko," malakas na putol ni Mrs. Paez sa pag-i-inspeksiyon niya sa bagong dating nilang kaklase.

"Sorry, Ma'am, may hangover pa ng summer break."

"Pangalawang linggo na ito ng klase, Mr. Ancheta."

But the guy just grinned. Pagkatapos ay hinimas pa nito ang baba nitong may goatee. "'Wag kang mag-alala, Ma'am. Next week wala na 'to."

"Alright, sumali ka na sa pila, Mr. Ancheta," nakangiting utos ni Mrs. Paez.

Matagal ng naririnig ni Melanie na ginagamit ang salitang "smooth" upang ilarawan ang isang tao. But she never really understood why until now. Smooth was definitely the perfect word to describe how this guy just maneuvered his way around the room.

Noon naman niya narealize kung ano ang ibig sabihin niyon. May pag-asa pang mapalitan ang kapartner niya. Kung sa medyo harap sisingit ang Gabe na iyon ay maia-adjust ang pila ng mga boys. But he seemed a little taller than Marlon. Pero wala namang masama kung ipagdadasal niyang sana ay sumingit ito sa bandang harap, 'di ba?

Gabe Ancheta or whoever you are, please save me, parang dasal na paulit-ulit na ibinubulong niya iyon sa sarili habang pinanood ang dahan-dahang paglalakad nito. And then he stopped right beside Marlon.

Yes!


Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon