First Game

4.8K 143 3
                                    

"BILISAN niyo naman, kanina pa yata nagsimula ang game eh," aburidong wika ni Gabe sa mga kaklase at ka-housemante niyang nagpumilit na sumama sa panonood ng laro ni Melanie. Nakapasok na kasi ito sa team A at ngayon ang una nitong laro. In the course of more than a year, she had become one of his closest friends.

"Alin ba diyan ang UST?" tanong ni Cody nang makapwesto sila.

"Malamang 'yung mga naka-yellow," nang-aasar na sagot naman ni Kiel. Black at yellow kasi ang opsiyal na kulay ng kanilang paaralan.

"Ang gulo niyo," reklamo ni Gabe habang hinahanap ng kanyang mga mata si Mel. Hindi naman siya nahirapang gawin iyon dahil ito ang kasalukuyang nagseserve.

"Wow, ang galing ni Mel," komento ng katabi niyang si Jessie nang habulin ni Melanie ang bolang hindi naharangan ng mga nagba-block na players sa harap ng net.

Proud na ngumiti siya. "Wait 'till you see her up in the air. Ang galing, pare, parang nafi-freeze siya sa ere kapag nag-i-spike ng bola."

"Really?"

Pagkasabi niyon ay sakto namang ginawa ni Mel ang sinasabi niya. Hindi iyon na-block ng kalabang team kaya nakapuntos sila. He couldn't be more proud.

"Nice," komento ni Kiel.

Nang muling maka-score ang kanilang team ay hindi na napigilan ni Gabe ang mapapito ng malakas. Mabilis na nagsigaya naman ang kanyang mga kaibigan kaya tuloy ay nakuha nila ang atensiyon ng ibang mga nanonood at pati na ng mga players. Nagtama ang mga mata nila ni Melanie kaya lalo lang lumapad ang kanyang ngiti. And then she winked at them with so much attitude that they were all thrown into amazed silence as she deliver another perfect serve.

"Whew!" malakas na wika ni Cody habang exaggerated na nagpupunas ng imaginary pawis sa noo. "That was totally hot."

"Oo nga, 'tol, hindi ko alam na masaya pala ang manood ng women's volleyball."

"Ang sesexy pala ng varsity team natin."

"Gabe, isama mo uli kami next time ha?"

"Oo ba," malapad na ang ngiting ipinagpatuloy niya ang panonood at pagchi-cheer. At iyon na ang naging simula ng pagiging unofficial cheerleader nila sa mga laro ng women's volleyball team.


Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon