Start of Something

6.8K 181 3
                                    

PANGITI-NGITING lumapit si Gabe sa pila ng mga lalaki pero sa totoo lang ay kanina pa niya gustong ngumiwi. Folk dance? What the hell was he thinking?

Napatigil siya sa tapat ng isang may katabaang lalaki at agad na sumama ang kanyang mukha nang malanghap ang hindi kanais-nais na amoy na inilalabas nito. Pagkatapos ay lumagpas dito ang kanyang paningin patungo sa isang maamong mukha ng babaeng titig na titig sa kanya. And for the first time ever, he wanted to blush under someone's gaze. Umangat ang isang sulok ng kanyang labi sa naisip. Kailan pa nagkaroon ng babaeng nakagawa niyon? The answer was never.

Tumikhim siya at saka bumaling sa matabang lalaki sa harap niya. "I think mas matangkad ka sa akin."

"Ha? Eh," may pag-aalangang sinipat nito ang taas niya.

"It's just my hair," ipinatong pa niya sa ulo ang isang palad para i-demonstrate ang sinasabi. And he might have slouched a little bit in the process. Nang tapunan niya ng tingin ang babaeng nasa tabi nito ay hindi niya maiwasang isipin na tila humihingi ito ng saklolo sa kanya. Ang ekspresyon ng mukha nito ay tila pinagsama-samang desperasyon, pagmamakaawa, at relief. Tumikhim siya at saka muling bumaling sa may katabaang lalaki upang lalong i-intimidate ito.

"Ahm, o-okay," wika nito saka bigla na lang umatras.

Malapad na ngumiti na siya saka buong tikas na sumingit sa pila pagkatapos ay nakangiting kumindat siya sa babaeng nasa tabi na niya ngayon. Pero 'di tulad ng ibang babaeng nakikilala niya, ni hindi man lang nagblush ang babae o kaya naman ay umiwas ng tingin. She just continued looking at him straight in the eyes. He immediately liked her.

"Hi, ako si Gabe," inilahad niya ang kamay sa harap nito.

"Alam ko." Napangiti siya ng malapad. "Narinig ko lang kila Anna."

Bahagyang nabura ang kanyang ngiti. "Anna?"

Tumango ang babae pagkatapos ay itinuro ang dalawang babaeng nasa harap nito. "Sila ang nagsabi sa akin."

"So, you don't really know me?"

Umiling ito. "First year pa lang ako."

"Ah," nakangiting tumango siya. Hindi nga siya nito kilala sa paraang inaakala niya pero kilala pa rin siya nito. It was obvious because of that comment. Itatanong na sana niya ang pangalan nito nang bigla namang magsalita si Mrs. Paez.

"Tingnan niyo ng mabuti kung sino ang mga katapat ninyo. Sila na ang magiging permanente ninyong partner sa buong sem." Pagkatapos ay bigla na lang nitong hinampas ang gilid ng board gamit ang isang baton. "Okay, simulan na natin ang pagsasayaw ng Kinaransa."

"Kina-what?" hindi napigilang komento ni Gabe. Napatutok ang mga mata niya sa mukha ng kapartner niya nang humagikgik ito. "I'm glad you find that amusing."

Tila nagpipigil na tuluyang matawa ito dahil tinakpan pa nito ng mga kamay ang bibig. But she obviously couldn't help it. "Sorry, natawa lang ako kasi pareho tayo ng reaksiyon nang marinig ko ang title ng sayaw."

Ang kung anumang isasagot niya ay natabunan na ng muling paghampas ni Mrs. Paez sa gilid ng board. "Let's move to the first position," malakas na wika nito. "The music introduction, count one," kasabay ng pagbibilang nito ay ang paghampas nito sa board. Nang lumaon ay hindi na ito nagbibilang at tuloy-tuloy na hinahampas na lamang ang board. So 'yun pala ang purpose ng baton na iyon.

"I expect you to practice because you'll have your first practical exam on the second hour next meeting," wika ni Mrs. Paez nang matapos sila. "I suggest na mag-usap na kayo ng mga partners ninyo kung gusto ninyong magpractice ng sabay. Pero kung confident na kayo sa ginawa ninyo ngayon, bahala kayo. Makakapagpractice parin naman kayo next meeting. We'll have a review of all the steps from nine to ten. Then the exam will immediately follow from ten to eleven. Any questions?"

"Ma'am, by row po ba ang pagtatawag para sa exam?" tanong ng isa nilang kaklase.

"Hindi, draw lots. Bubunot kayo ng number kung pang-ilan kayo sa magpeperform," sagot ni Mrs. Paez. "Kung wala na kayong tanong, sige na mag-usap na kayo. Then pwede na kayong umalis pagkatapos."

"So," nakangiting hinarap ni Gabe ang kanyang partner. "I still don't know your name."

"Melanie," mahinang sagot ng babae.

"So, Mel, when are you availa—"

"It's Melanie," putol nito sa kanyang pagsasalita.

"Kung magiging magkapartner tayo buong sem, mas mabuti siguro kung magiging komportable tayo sa isa't isa. That means I can call you Mel."

"Don't get too attached. Baka next week ay iba na ang maging partner mo."

Napakunot ang kanyang noo sa tinuran nito. "Ha? Bakit?"

"Basta," tanging sagot nito saka siya iniwan.

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo. Ngayon lang yata may babaeng basta na lang umiwan sa kanya.  


Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon