Lunch Daw

5.7K 145 1
                                    

"KINAKAIN ko na ang lahat ng mga pagdududang sinabi ko sa isip tungkol sa'yo." Hindi na kailangan pang lumingon ni Melanie upang malaman kung sino ang nagsalita. Sigurado siyang si Gabe iyon. Kaya nagpatuloy na lang siya sa pagtatanggal ng kanyang sapatos.

"Is that a good thing?"

"Totally," pagkatapos ay tumabi ito sa kanya doon sa bench. "Wow! Hindi pa rin ako makapaniwala."

"Ano ang hindi mo mapaniwalaan?" natatawang tanong niya saka inalis naman ang mga suot na knee pads.

"Na ganoon ka kagaling maglaro." Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Seriously, akala ko ay hanggang salita lang iyong sinabi mo tungkol sa pagiging varsity player."

"Hindi ko ugali ang magsinungaling."

"Hindi ko naman inisip na nagsisinungaling ka. Tipong exaggerated lang siguro. And now I totally feel like a jerk for even thinking that way."

Nagkibit lang siya ng balikat at saka inayos ang kanyang mga gamit sa dalang sports bag. "That's okay. Anyway, salamat sa pagchi-cheer."

"Aalis ka na?"

Tumango siya saka nagsimula nang maglakad palabas ng gym. Nang nasa bukana na siya ay nakasalubong niya sina Coleen at Tracy. "Hey, nice game," bati niya sa mga ito. Ngunit tumango lang ang mga ito sa kanya saka lumagpas ang tingin patungo sa kanyang likod.

Napailing siya nang makita si Gabe na nakasunod sa kanya. "Teka lang, Mel, saan na ang punta mo niyan?"

"Maghahanap ng makakainan."

"Samahan na kita." Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Tara, may alam akong masarap na kainan diyan sa Dapitan."


Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon