PAIRAP na inagaw ni Melanie mula kay Gabe ang kanyang boots nang makapasok sila sa kanyang townhouse. "Do you mind telling me what that was all about?" mataray na tanong niya.
"What was what all about?" painosenteng tanong ni Gabe na dumiretso na sa kanyang sofa.
"Gabe, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo."
"Good, dahil hindi din ako nakikipagbiruan sa'yo."
Naiinis na tumayo siya sa harap nito habang nakapamewang. "Damn it, Gabe! Halos kaladkarin mo na ako kanina sa Jas Café tapos 'yan lang ang sasabihin mo?"
"Your doctor specifically told you not to overexert your injuries," mahina ngunit seryosong sagot ni Gabe.
"Naman, Gabe, paano ba ako mao-overexert doon sa Jas Café eh ang ginagawa ko lang naman ay mag-abot ng mga inumin."
"Habang nakatayo," maagap na dagdag nito. "And god knows how long you'll be standing there until the bar closes."
"Sino naman ang nagsabi sa'yong mananatili ako doon hanggang sa magsara ang bar?"
Gabe just gave here another one of those long, hard looks again. "Knowing you? I'd say, hindi ka titigil hangga't hindi nagsasara ang bar or at least hanggang sa kumonti ang mga tao. Which is mostly just a few minutes before closing time."
"Kahit na, hindi pa rin iyon sapat na dahilan para kaladkarin mo ako palabas ng bar."
"Hindi ko naman gagawin 'yon kung sumama ka na sa akin agad nung umpisa pa lang," tila inis na sagot nito. "It's either that or I carry you out of there," nagkibit pa ito ng mga balikat na lalo lang niyang ikinainis.
"What the hell is wrong with you?" naniningkit ang mga matang tanong niya. "You've been ignoring and avoiding me. Tapos kung kailan may naisipan akong gawin para kahit paano ay mabawasan ang boredom ko ay saka ka na lang biglang susulpot at makikialam?" she stomped her foot. "No, I will not allow you to do this to me. You may be my bestfriend, but that doesn't give you the right to manhandle me."
"I wasn't trying to manhandle you, Mel."
"Eh ano ang tawag doon sa ginawa mo kanina? You literally forced me—"
"Alright, I'm sorry, hindi naman iyon ang intensiyon kong gawin. Masyado lang akong nag-alala para sa kalagayan mo."
Napapailing na lumayo siya dito. "Really? That's your excuse?"
"Mel, it's not an excuse. Nag-alala talaga ako para sa'yo." Pagkatapos ay tila hindi na din ito nakatiis na hindi tumayo. "I'm sorry, okay? Sa lahat. Hindi lang doon sa pagpupumilit kong iuwi ka kanina kundi pati na din doon sa..." bahagyang tumigil ito na para bang nahihirapan itong sabihin ang mga susunod na sasabihin. "Doon sa pag-iwas ko sa'yo nitong mga nakaraang linggo. I didn't mean to ignore you nor avoid you. I swear, Mel, that wasn't my intention."
"I called you so many times, Gabe. Pero palagi mo na lang akong tinatanggihan. Kung hindi lang ako natatakot na magdrive dahil sa mga injuries ko ay pinuntahan na kita. You know I'm not good at staying at one place. But you just left me here," may pag-aakusang wika niya. "Hindi mo lang alam kung ilang beses kong hiniling na sa tuwing may paparadang sasakyan sa tapat ng bahay ay ikaw na ang dumating. I've missed you, you know?"
Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga ni Gabe saka lumapit sa kanya. "Alam ko, and I've missed you, too."
Tipid na ngumiti siya nang ipatong ni Gabe ang kamay sa kanyang balikat. She really missed him so much. "Dito ka na lang matulog, kwentuhan tayo."
"Mel—"
"What? Sasabihin mo nanamang you can't?"
"I really can't, Mel."
Pinaikot ni Melanie ang mga mata saka humalukipkip. "Okay, give me one good reason why you can't stay here." Pero nanatili lang na tahimik si Gabe habang nakatingin sa sahig. "Well?"
Nagulat siya nang bigla na lang itong tumalikod at naglakad palayo. Nang muli itong humarap sa kanya ay mababanaag ang tila paghihirap sa mga mata nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagkakaganyan. She remembered seeing that same expression on his face when she slept in his room. Siguro ay masyado lang siyang inaantok para pansinin iyon noon. Pero hindi na siya inaantok ngayon at malinaw na malinaw sa kanyang mga mata ang kakaibang ekspresyon nito.
"Gabe?" sinubukan niyang lumapit dito ngunit humakbang lang itong muli palayo.
"Mel, please, just let it go." Pagkasabi niyon ay naglakad na ito palapit sa pinto. "Tatawagan na lang kita pagdating ko sa condo."
"But—"
"Please, 'wag ka nang aalis ngayong gabi."
"No!" Galit na nagmartsa siya palapit sa pinto at iniharang ang sarili doon. "Kakaladkarin mo ako pauwi dito tapos iiwan mo din pala ako." Umiiling na itinaas niya ang kamay ay itinuro ito. "You can't do this to me, Gabe."
"This is for your own good, for Pete's sake!"
"For my own good?"
"Yes, damn it!" Ikinagulat niya ang pagtataas ni Gabe ng boses. Then she found herself watching him as he rake a hand through his hair. And then there was that intense look on his face again. "I'm trying to do the right thing here. Please, Mel, 'wag mo na itong gawing mas mahirap pa."
"For once, Gabe, stop treating me like a kid. Hindi mo na ako kailangan pang alagaan. And you can stop doing the right thing or whatever you want to call it. Hindi ko kailangan ng isa pang tatay o kuya. Kaibigan kita, Gabe. And I want you to continue acting like one." Habang sinasabi iyon, pakiramdam niya ay parang may mali. Para bang hindi na iyon ang ibinubulong ng kanyang puso.
"Damn it to hell, Melanie!" Napasinghap siya nang marinig ang malakas na pagmumura nito. Sa unang pagkakataon simula nang makilala niya si Gabe, nakaramdam siya ng takot sa kakaibang intensidad na makikita sa mga mata nito.
Actually, kung ilalarawan talaga niya ang nararamdaman, para iyong takot na may kahalong excitement. "Stop cursing!" sigaw din niya dito. Ngunit agad ding umurong ang lahat ng tapang niya nang marahas na ipatong nito ang dalawang kamay sa pinto. Napaatras tuloy siya at tuluyan nang nakulong sa pagitan nito at ng pinto.
"I'm trying to do the right thing here but you just make it so impossible," lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. Ngunit wala na iyong kiliting tulad ng naramdaman niya kanina. All she could feel was awareness of his strong presence. Nang eksaktong oras na iyon, pakiramdam niya ay parang may naalis na imaginary blindfold sa kanyang mga mata. It was like she was seeing Gabe for the very first time. "Wala ka ba talagang ideya kung bakit ako lumalayo sa'yo nitong mga nakaraang linggo?" Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha upang salubungin ang mga mata nito.
"Gabe..." Hindi napigilan ni Melanie ang mapalunok. So this was the man that Gabe had turned out to be. He was no longer the boy she had met all those years ago. He was all male.
"That's all you're going to say now?"
Ibinuka niya ang bibig upang magsalita ngunit wala namang lumabas doon. Ang tanging nagawa niya ay mapasinghap nang maramdaman ang masuyong paghaplos nito sa kanyang baba.
"Hindi mo alam kung gaano kahirap, Mel. I keep reaching for my phone so I could call you and hear your voice, only to stop myself before the call gets through. And every night, kulang na lang ay i-flush ko sa toilet ang susi ng kotse ko para lang hindi kita puntahan."
"P-pero bakit? Hindi ko maintindihan, Gabe."
Pagak na natawa si Gabe habang umiiling. "Hindi mo pa rin maiintindihan kahit na ipaliwanag ko."
"Please, Gabe, I want to understand." Pagkasabi niyon ay hindi na niya napigilan ang sarili at masuyong hinawakan ang pisngi nito. Ngunit agad din niyang binawi ang kamay nang makaramdam ng kakaibang kilabot sa simpleng haplos na iyon. She felt burned.
"Damn it, Melanie," Gabe cursed under his breath. But Melanie didn't have time for anything else because he was suddenly kissing her.
BINABASA MO ANG
Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceMagkalayong-magkalayo ang mga hilig nina Melanie at Gabe pero hindi naging hadlang iyon sa kanilang pagkakaibigan. Since the first time they met, they immediately hit it off and became friends. Kahit nang magkaroon na sila ng kanya-kanyang career sa...