Prologue

88.4K 1.6K 57
                                        

PROLOGUE


"Ate Cynthia." Wala siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng mga tao sa hospital pagpasok niya, she's still wearing the dress she wore in a fashion event when someone called her and told her that her sister was in the hospital. Ilang buwan na rin niyang hindi nakikita ang kapatid niya dahil sa palagi itong wala, her sister was a freelance photographer.

"Miss-."

Sinamaan niya ng tingin ang nurse na pumigil sa kanya, she stood inches higher than her plus her high heels too kaya agad itong napaatras. Everyone in the fashion industry are fascinated with her Asian beauty, they said she's an epitome an Asian woman, long black hair, bangs that frames her cute face and her chinky eyes, pointed nose and small lips. What makes her unique is she's really tall. Ibang-iba ang ganda niya sa ganda ng kapatid niya dahil sa magkaiba ang kanilang mga ama.

Ang tatay ng ate niya ay isang Spanish national habang sa kanya ay isang Hapones kaya madalas siyang tinatawag na Japanese doll ng mga tao.

"Where's my sister?"

"Ano pong pangalan?"

"Cynthia Sandoval."

Pumunta sila sa information habang tinitingnan ng babaeng nurse ang records na nasa computer nito.

"Nasa delivery room pa po ang pasyente ma'am."

Mabilis niyang iniwan ito at hinanap kung saan ang sinasabi nitong delivery room. Lakad-takbo ang ginawa niya and she doesn't care if she'll broke her ankle ang mahalaga sa kanya ay mahanap ang kanyang kapatid. Thanks God nahanap naman niya agad ang emergency room at gaya ng inaasahan wala ni isang tao sa labas dahil wala naman silang pamilya. Tamang-tama naman na may lumabas na doctor kaya agad niyang nilapitan ito.

"Where's my sister?" she ambushed the poor doctor, napakurap ito sa kanya.

"Iyon po bang buntis?"

Kumunot ang noo niya, hindi niya masagot ito dahil hindi rin siya sigurado. Before her sister leave biniro siya nitong buntis ito pero hindi siya naniwala dahil madalas naman itong nagsasabi na buntis daw ito.

"Cynthia Sandoval."

"Nasa labor room na po siya ma'am malapit na siyang manganak."

"Where the hell is that labor room?"

Mukhang alam ng nurse na nasa bingit na siya ng pagsabog kaya sinama siya nito sa delivery room. Mahilo-hilo na siya sa kakatayo at kakalakad niya, dapat ay nasa victory party pa siya ngayon at kumakain ng marami. For goodness sake halos ilang linggo din siyang hindi kumain dahil sa letseng fashion show na iyan. Kung hindi lang talaga siya binabayaran ng malaki para maging payat at maganda nungkang hindi siya kakain ng marami.

Iniwan siya ng nurse doon pero sinigurado niyang doon nga ang kapatid niya, umupo na siya sa bench habang nanginginig ng husto ng may maramdamang tumapik sa kanya.

"Hey."

Napahikbi siya ng makilala niya ang tumabi sa kanya na may dalang mamon at kape na agad naman niyang kinuha. Right now kahit anong nakakabusog ay papatusin na niya dahil gutom na gutom na talaga siya.

"Salamat Keesha." Tumawa ito sa kanya, Keesha is her bestfriend. Nagkakilala sila sa isang bar few years ago and then they clicked kahit na magkaibang-magkaiba sila, Keesha is like a very cold ice while she on the other hand is a different thing. She's a medical drop-out kaya pinagpatuloy nalang nito ang pagnunurse nito, habang siya naman ay ipinagpatuloy ang pagiging modelo. Nag-iipon pa siya ng pera para magpatayo ng kanyang maliit na business kaya hindi siya pwedeng umalis kaagad-agad kahit gusto na niya.

To Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon