Epilogue

104K 2.2K 133
                                        

Epilogue


"ALIS." Pinatid niya si Third ng magtangka itong sumampa sa side niya sa hinihigaan niyang kama. Kanina pa siya namimilipit sa sakit dahil sa labor niya, for the past four months ay hindi ito umalis sa tabi niya. Hindi siya umuwi sa bahay nito kahit gaano pa ito nagmakaaawa sa kanya kulang nalang ay doon na ito sa bahay ni Keesha matulog. Sa bahay ng kaibigan na siya na ang umuukopa dahil sa bahay na ito ng asawa nito nakatira. Keesha and Avery were married for almost two months now and they are a very happy and lovely couple and she's happy for her bestfriend.

"Mahal naman tutulungan kita para maibsan ang sakit." Sumampa ulit ito sa hinihigaan niya.

Kung tatanungin niyo kung sinagot na niya ito ay hindi pa, pabebe na kung pabebe pero hindi pa niya ito sinasagot akala nga niya ay maaasar na ito sa kanya pero hindi, he sticked to her and he never fails to gave her everything.

Kagaya na lang ng trip niyang pahirapan ito nasa trabaho ito pero gusto niya itong makita kaya tinatawagan niya ito sa kalagitnaan ng meeting nito at pinapapunta sa kanya. Hindi ito nagrereklamo bagkos ay masaya pa nga itong nagpapakita sa kanya na may dala-dalang kung anu-anong pagkain.

At kagaya ng kanina, nagising siya ng alas onse ng gabi dahil sumasakit ang tiyan niya. Kasama lang niya si Third ilang oras niyon at nagpumilit na doon nalang ito matulog dahil nga kabuwanan niya dahil ayaw niiya kaya wala itong nagawa. Tumawag siya para sabihin na manganganak na yata siya bigla itong nawala sa linya at hindi niya alam kung nakatulog ba ito o ano basta siya ay ginising si Nay Ason at sinabing manganganak na siya. Tumawag ito ng taxi pero hindi na pala kailangan dahil nandoon na agad si Third na agad niyang sinermunan dahil wala man lang itong ibang suot kundi ang boxers nito. Ayaw pa nga nitong magbihis pero sinabi niyang kapag hindi ito nagbihis at ibabalandra lang nito ang katawan nito sa buong mundo mas mabuti pang hindi nalang ito sumama. May mga damit naman ito sa loob ng bahay dahil nga minsan itong natutulog doon para bantayan siya.

"Aww." Mahinang hiyaw niya. "Alis sabi." At itinulak niya si Third at sisipain sana kaya lang humilab na ng husto ang tiyan niya.

"Doc! Doc!" sigaw ni Third na mas malakas pa sa sigaw niya. "Ano pa ba ang hinihintay niyo ang mahal ko manganganak na!" napasigaw siya sa sakit pero natawa naman siya sa pulang-pulang hitsura nito. Talaga namang manganganak na siya hinihintay lang nila ang doctor niya pati na rin ang delivery room, ice-ceasarian section siya ng sabihin niya iyon kay Third ay isa lang ang tanong nito.

Kung alin ang mas masakit ang ceasarian o ang normal delivery.

Pareho naman silang masakit iyon nga lang gusto niyang safe ang anak niya, baka kasi hindi niya kayanin ang panganganak niya. The doctor said she's capable of natural birth pero siya na mismo ang umayaw, ayaw niyang irisk ang buhay nga anak niya lalo pa at namatay ang ate niya sa panganganak nito kay Chrome. Hindi naman tumutol si Third ang sabi nito kung saan mas safe siya ay okay lang dito.

"Malapit na ang doctor mahal hintay lang."

"Don't touch me masakit ang tiyan ko kasalanan mo ito." Hikbi niya. "Kasalanan mo talaga ito damn it Third ang sakit na talaga." Kumapit siya dito.

"Anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng magpakamatay ngayon iba nalang." Agad na sansala nito.

"Just make this pain stop damn it!" napatili na naman siya ng humalab na uli ang tiyan niya, pabiling-biling siya sa hinihigaan niya habang ito naman ang tagapunas niya. dumampi ang palad nito sa tiyan niya kasabay naman ng muling paghilab kaya kinagat niya ang braso nito. Nang magsubside na naman ang sakit ay naluha na naman siya natatakot siya sa susunod na sakit na pwede niyang maramdaman.

To Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon