Chapter Ten

80.3K 1.7K 144
                                    

Chapter Ten


"BAKIT hindi mo labasin si Third kausapin mo siya kaninang umaga pa siya diyan hindi ba?"

"Bahala siyang mabulok sa labas ng bahay Nay Ason, ayoko siyang makita." Humalukipkip siya pero g makita niya ito kanina pagbukas ng pintuan ay sobrang kaba ang nararamdaman niya. Takot at kaba, hindi niya alam kung paano nalaman ni Third na doon siya nakatira. Alam niyang hindi sasabihin ni Keesha kay Third kung saan siya nakatira.

Sinabi na ni Keesha ang lahat sa kanya, she didn't spare any information pati na rin ang sinabi ni Third na mahal siya nito. Nalaman daw ni Third accidentally na buntis siya kaya hinahanap siya nito. Hindi siya galit kay Keesha dahil nalaman ni Third na buntis siya it was an accident. Sinabi din nito sa kanya na hinanap siya ni Third sa kung saang-saang panig ng mundo and she doesn't care... but when she saw him a while ago she started to care. Dahil ang puso niya ay tumitibok pa rin pala pero sabi nga niya hindi na ito mananalo, gagawa siya ng paraan para hindi siya malapitan ni Third.

"Hindi ba sinabi ni Keesha na mahal ka ng binata?"

"Nay naman sasabihin ni Third iyon upang maging kampante ako sa kanya hindi po marunong magmahal sii Third." She insisted.

Muli na naman siyang nakarinig ng mga katok. "Crescent, mag-usap naman tayo." Sigaw nito sa labas. "Hindi kita sasaktan gusto ko lang makausap ka. Babawi ako hindi ko aagawin sa iyo ang anak natin please kausapin mo ako."

Hindi pa rin siya natinag sa kinauupuan niya.

"Malayo pa ang pasko sa susunod na kayo mangaroling." Inis na sambit niya kanina pa kasi ito sigaw ng sigaw. "Nay bigyan mo nga ng piso at ng umalis na." naiinis siya kasi ayaw niyang marinig ang boses ni Third. Kahit pumasok siya sa silid niya sa taas ay naririnig pa rin niya iyon.

"I know you are mad at me hayaan mo naman akong makausap ka."

"Bumalik ka sa susunod na isang milenyo walang pera ngayon." Pabalik na sigaw niya tumayo siya para lang mapaupo dahil sa biglaang pagkahilo. Agad siyang inaalalayan ng Nay Ason dahil madalas nangyayari sa kanya iyon.

"Nay nahihilo ako naistress yata si baby dahil sa lalaking nasa labas." Pumanhik sila sa silid niya at pinahiga siya nito.

"Kakausapin ko si Third para umalis na ha?"

"Salamat Nay Ason." Lumabas na ito habang siya ay nag-iisip ng kung ano ang tamang gawin kaya lang ay dinaig na naman siya ng pagod kaya natulog na lamang siya at saka na niya iisipin ang kung anuman ang mangyari sa kanilang dalawa ng anak niya.

Nang magising na siya ay wala na si Third, hindi niya alam kung totoo ba ang nangyari kanina o panaginip lang at kahit na ayaw niya sa lalaki ay nakaramdaman siya ng inis at disappointment na dapat ay hindi na niya nararamdaman sa ngayon dahil ayaw na niya hinid ba? Pero bakit kahit gaano mo pa kaayaw sa isang tao may mga instances talaga na nakakaramdaman pa rin siya ng kakaiba kagaya nalang ngayon?

Nang gumabi na ay tumitingin-tingin siya sa labas ng bahay, nakamasid lang siya habang hinahaplos-haplos ang limang buwan na tiyan niya.

"Gusto mong magshopping bukas baby? May naipon na si mommy kaya pwede na tayong bumili ng things mo."

Nagtatrabaho pa rin siya bilang English online teacher hindi naman niya pwedeng i-asa ang buhay niya kay Keesha. Inaalagaan siya nito at pinatira sa bahay nito sapat na iyon hindi pwedeng pati ang mga pangangailangan niya ay i-aasa pa rin niya dito. Sinabihan siya nitong magpahinga nakakapagpahinga naman siya, nag-aabot din siya na hindi naman nito tinatanggap kaya iyong inaabot niya kay Keesha ay pinanggo-grocery nalang niya para sa kanilang tatlo ni Nay Ason.

To Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon