Chapter Three

54.6K 1.4K 23
                                        

Chapter Three


ISANG MALAKAS na katok ang pumukaw sa kanyang magandang panaginip, umungol siya at tinakip sa teynga niya ang unan na nahawakan ng kanyang palad. Kaya lang ayaw talagang huminto ng pagkatok kaya naririndi na siya, hinintay niyang huminto iyon dahil bubuksan iyon ni 'Nay Ason, kaya lang hindi eh... saka lang niya naalala na umuwi pala sa probinsya ang nanay Ason niya dahil sa may aasikasuhin ito doon.

Sinulyapan niya si Chrome na natutulog sa tabi niya at dahil ayaw niyang magising ito kaya tumayo na siya, hinablot niya ang robe na nasa tabi ng kama at saka pabara-barang sinuot iyon. Kung sinuman ang kumatok ngayon wala siyang kwenta sobrang aga niya para mambulabog. Masakit ang ulo niya dahil sa pagkatapos niyang uminom noong isang gabi ay hindi agad siya nakatulog,

She opened the door only to find Third outside her door, agad na tumikwas ang kilay niya ng mapansin niya ang hitsura nito. Pabara-bara yatang nasuot nito ang polo nito dahil saw ala sa tamang butas ang mga butones nito. Wala na rin sa ayos ang buhok nitong hindi na yata nito nasuklay, one thing she can describe him... he looks disheveled... and infairness he looks so damn hot.

"What are you doing here?"

Nag-isang linya ang mga kilay nito, if looks can kill she'll be dead by now, nagtagis ang mga ngipin nito sa kanya.

"Ano ang sinabi mo kay--." Saglit itong nag-isip at saka kunot-noong tumingin uli sa kanya. "Kay Sweetie?"

She rolled her eyes at him and slam the door but he stopped it on time, she sigh and boredly look at him. "Bago ka sumugod dito siguraduhin mo munang kilala mo ang babaeng kasiping mo noong isang gabi okay? At pwede ba huwag kang mambulabog ng mga tao ng sobrang aga wala kang manners at right conduct." Itinulak niya ito pero hindi ito natinag dahil ito pa ang nagawang manulak sa kanya papasok ng bahay niya.

"I don't have time with your games Crescent alam mo ba ang ginawa sa akin ng babaeng iyon? She tied me!"

Dapat sana ay magalit siya dahil sa panghihimasok nito sa bahay niya pero hindi niya napigilan ang sariling matawa sa sinabi nito, she can't just imagine him being tied by a woman. Mukhang nagulat ito sa pagtawa niya dahil sa totoo lang naging involuntary na iyon hindi na niya makontrol ang sariling pagtawa. It took her minutes before she finally stopped habang ito naman ay nakatitig lang sa kanya.

"That's damn funny talagang sinunod niya ang payo ko sa kanya? My goodness anong klaseng babae ba ang kinakama mo Third mga tanga naman." Usal niya para mang-asar lang talaga.

"Ikaw nga ang nagpayo sa kanya." Hinawakan siya nito sa braso. "Hindi mo ba alam kung ano ang kailangan kong gawin para makalabas sa lungga niya?" gigil na gigil ito sa kanya and she can feel it.

"Malay ko bang susundin niya?"

"What the hell did you just-." Napangiwi siya ng napadiin ang hawak nito sa braso niya.

"Tita," agad siyang nabitawan ni Third dahil sa pamangkin nila. "Why are you awake pa po you've just slept, sleep ka pa po 'ta." Agad niyang dinaluhan ang pamangkin niya na bumababa ng hagdanan, she still looks so sleepy.

"Tita will sleep once she's done ridding off some pesky insects okay?"

Chrome opened her eyes and saw their pesky insects. "Uncle Third?"

"Hi baby." Lumapit ito kay Chrome at hinalikan ito sa pisngi, sa ilang taon na pagpupumilit nito na makuha ang bata ay visitation rights lang ang nakuha nito. Hindi naman talaga niya pinagdadamot ang bata ayaw lang niyang makuha ito sa kanya. "Good morning."

To Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon