Chapter Nine

71.1K 1.7K 73
                                    

Chapter Nine



SABI nila kapag may nawala sa buhay mo ay may darating na panibago, napatingin siya sa papel na nasa kanyang mga kamay. Noong nalaman niya ang balita ay agad siyang kinabahan pero agad din iyong napalitan ng hindi ma-explain na saya. Sinapo niya ang impis na tiyan.

"Ate, naramdaman mo ba ito ng malaman mong buntis si Chrome? Nakakatuwa na nakakakaba." Lihim niyang usal sa kapatid niya. Right now isa lang ang gusto niya, she doesn't want be hurt anymore at ayaw din niyang malaman ng ama ng anak niya na may nabuo ito ng isang beses na may nangyari sa kanila. Ayaw niyang malaman dahil selfish si Third, kung nagawa nitong pahirapan siya sa loob ng limang taon para makuha si Chrome ay siguradong buong buhay ang pahihirapan nito.

Kung nagawa nitong makuha si Chrome, hindi ito, hindi ang anak niya dahil patayan ang mangyayari kapag nagtangka itong kunin ang anak niya sa kanya. Kaya nga naisip niya ang isang bagay na dapat niyang gawin at iyon ay ang tuluyan ng lumayo. Hindi siya makakapayag na malaman ni Third ang tungkol sa bata, siguro kapag malaki na ang anak niya okay na sa kanya na muli silang magkita na hindi nito makikilala na anak nito ang anak niya. Ayaw din niyang mangyari ang isang bagay na pinakakakatakutan niya na pwedeng-pwede nitong gawin.

Kung ilang beses na siya nitong nasaktan because he really hates her hindi rin impossible na saktan nito ang anak niya dahil nga... anak niya ito, anak ng babaeng kahit kailan ay hindi nito magugustuhan. He may know what love is pero sigurado siyang hindi sa kanya iyon.

Papaliko na siya sa pasilyo ng hospital ng makita niya si Keesha, Keesh is glowing and she knew the reason why. Ayaw sana niyang abalahin pa ang kaibigan pero siguro dapat lang din nitong malaman ang plano niya.

"Keesha." Tawag niya ito, agad itong napalingon sa kanya.

"Cres, anong ginagawa mo dito?" halata ang gulat sa magandang mukha nito.

"Busy ka ba? May sasasbihin lang akong importante."

Bumaling muna ito sa mga kasamahan nito para magpaalam. Pagkatapos ay naglakad na sila palayo sa nurse station ng bigla itong napasinghap at inagaw ang papel mula sa kanyang mga kamay.

"Crescent, don't tell me you are pregnant?" gulat ang rumehistro sa mukha nito na para bang hindi makapaniwala sa balitang iyon, ayaw na sana niyang umiyak pero ngayon na nakahanap siya ng kausap at ng kakampi ay saka lang lumabas ang sama ng loob niya, she sob and hugged her friend so tight. "Oh my God, buntis ka nga. Sino ang ama? Kilala ko ba?" kumalas siya sa yakap niya dito at saka tinitigan ito pero hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan niya. Sapat ng malaman nito na buntis siya pero hindi na ang makilala ang tatay ng anak niya lalo pa at ka-close pa ng manliligaw nito. "Crescent-."

"Isinuko ko na si Chrome sa pamilya ng tatay niya. They are right, he is right. Hindi ko mabibigyan ng buong pamilya ang pamangkin ko." Inalala niya ang mga tao at ngiti nito habang kasama ang tunay nitong ama. "I can't give Chrome the happiness they can provide. Doon s Chrome may lolo at lola siya, may mga tito at tita. Samantalang sa akin ako lang ang pamilya niya, wala ng mga magulang at wala ng kamag-anak." Mapait na ngumiti siya. "I don't want to be selfish, kapatid lang ako ng nana niya samantalang buhay pa ang tatay niya."

"What did Chrome said?"

"She's happy with her father right now," kahit hindi niya ito nakikita. "Nakita ko iyon sa mga mata niya. She is five and she is smart maiintindihan niya rin ang ginawa kong pagpapaubaya and besides, it's her decision too." Nagpunas siya ng ilang butil ng luha sa kanyang mga mata.

To Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon