Chapter Five
PANG-ILANG call center na ba ang inapplyan niya na hindi siya natatanggap, ewan ba niya hindi niya maintindihan kung bakit samantalang experience wise ay ilang taon na rin naman siya. Napapagod na siya actually pero hindi siya pwedeng sumuko not now when she needs her job the most right now dahil sa kagagawan ni Third.
Kumakain siya sa isang pinakamalapit na fast food restaurant dahil sa nagugutom na rin siya, uuwi na rin siya after she eats dahil gusto na niyang matulog. Kung hindi siya makakahanap ng trabaho sa mga kompanya hindi naman iyon kawalan niya. Nag-iba na rin siya ng phone number na ang tanging nakakaalam lang ay ang malalapit na mga kaibigan niya which is so few... si Keesha at si Seere lang yata.
Kung gusto niya ng trabaho pwede naman siyang humingi ng tulong kay Seere pero hindi muna niya gagawin iyon lalo pa at si Keesha ang hiningan niya ng tulong para makahanap sila ng pansamantalang matutuluyan ngayon. Kinuha niya ang cellphone niya at nagbrowse ng pwedeng ma-aapplyan pa na trabaho, unfortunately most of them were English online tutors, hindi niya bet ang trabahong iyon pero kapag hindi siya makahanap ay papatulan na rin niya iyon. May mga homebased naman which is quite good since pwede niyang mabantayan si Chrome habang nasa bahay sila.
Habang kumakain ay biglang dumaan sa isip niya si Third, ilang linggo na rin niya itong hindi nakikita at walang bakas na nagsasabing alam na nito kung saan siya nakatira. Tahimik ang buhay niya sana ay ganoon nalang palagi.
"Hey!" napapitlag siya ng may marinig na panlalaking boses sa likod niya kasabay ng malakas na pagbundol ng puso niya sa kanyang dibdib. Sunod-sunod ang naging paghinga niya at ng tingnan niya kung sino iyon ay ganoon nalang ang pagkadismaya niyang ibang mukha pala ang nandoon. She pouted... nababaliw na yata siyang patago-tago siya pero may bahagi naman sa kanya na hinahanap ito, kabaliwan man kung maituturing pero baliw na nga siya. Mabilis niyang inubos ang kanyang makakain at saka nagpasyang umuwi nalang, mukhang hindi na talaga siya makakahanap ng trabaho sa mga kompanya.
Mukhang nag-expire na ang kanyang call center luck, para bang sinasabi na magcease muna siya na tama na muna. Habang naglalakad siya sa parking lot ng naturang establishment ay may namataan siya, mabilis siyang tumakbo at nagtago. Hindi siya pwedeng magkamali, nandoon si Third, although may kasama ito. Her brows were knotted when she looks at the pair, they look good together.
May kung anong 'something' siyang naramdaman sa loob ng katawan niya, may nagprick sa 'something' na iyon. Agad niyang iniwas ang mga mata mula sa dalawang pares na masayang naglalakad patungo sa isang kilalang fine dining restaurant.
"Pafine dining restaurant pa sila samantalang mas masarap naman sa fastfood." Nasabi nalang niya, tiningnan niya kung saan umupo ang mga ito since gawa sa salamin ang restaurant, mas lalong lumala ang 'something' sa katawan niya ng makitang ang higpit ng pagkakahawak nilang dalawa sa mga palad nila. Umupo sila sa may tabi ng bintana.
"Ano ka ba naman Crescent?" hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa sarili niya, hindi niya alam kung bakit malungkot siya. At hindi niya alam kung bakit ang sakit-sakit ng 'something' na iyon kaya siguro umuulan, may pumapatak kasi sa pisngi niya na agad niyang pinaalis ng kanyang mga palad.
Tumangala siya sa langit na walang bahid ng kahit kaunting ulan. "Ang weird, the sky is crying." She uttered as she walk away from there.
"Yes, I am on my way." Mabilis niyang tinapos ang pag-aayos sa kanyang sarili habang kausap si Keesha sa cellphone niya. Sasabihin na niya dito mamaya na nawalan siya ng trabaho dahil kay Third, hindi kasi nito alam na nawalan siya ng trabaho right now she's working as a full time online English teacher, pinatulan na niya and so far maganda naman ang takbo ng trabaho niya pwede pa siyang makapili ng schedule kahit na medyo gabi na iyon. Gusto kasi niyang makaipon para mabigyan ng magandang buhay si Chrome lalo pa at nag-aaral na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/55108033-288-k255639.jpg)
BINABASA MO ANG
To Love Me (COMPLETED)
Short StoryTeaser: Third only want one thing from her and that is his niece. Crescent only want one thing from him and that is her life's peacefulness. But he will never give her what she wants until she gives him what he needs. The world will be their bat...