Chapter Four

50K 1.4K 39
                                    

Chapter Four


HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang pagbabanta ni Third, kung paranoia man ang nararamdaman niya ay siguro iyon na nga ang nararamdaman niya. katext niya si 'Nay Ason, kabilin-bilinan niyang huwag papasukin si Third kapag bumisita ito sa bata at sabihin na nagbakasyon sila.

"Miss Sandoval, Mrs. Ramirez is looking for you sa office niya."

Kumunot ang noo niya ng bigla siyang ipatawag ng masungit na head personell ng head recruitment department nila.

"Why?" tinanggal niya ang headphone na nasa leeg niya at inilog-out ang kanyang mga offline tools, she's in the middle of working her ass off kaya nagtataka siya kung bakit kailangan siyang ipatawag ng HR manager.

"I don't know pinapunta lang niya ako sa production para ipatawag ka."

Iniisip niya kung may nagawa ba siyang masama o kaya ay rules against the company? Inaamin naman niya na wala siya sa sarili lately but it doesn't mean na pinapabayaan niya ang kanyang trabaho, okay pa rin ang stats niya kaya nagtataka siya kung bakit siya kailangang ipatawag ng masungit na iyon.

Agad siyang nagpunta doon at kumatok bago binuksan ang pintuan. "Ma'am pinapatawag niyo po ako?"

The woman in her mid-thirties adjusted her glasses and motioned her to sit down, kinakabahan siyang umupo sa upuan na nasa harap ng mesa nito.

"Bakit po?"

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Ms. Sandoval." Napalunok siya sa sinabi nito.

"May nagawa po ba akong masama?"

"I don't know." Mabilis na sagot nito. "Maybe you did dahil ang big bosses na natin ang nag-utos sa akin na sabihin sa iyo na tinatanggal ka na sa trabaho." Parang bombang sumabog sa mukha niya ang sinabi nito matagal na nagdigest iyon pero dahil sa bad news iyon kaya nagdigest din kalaunan sa utak niya.

"Bakit?" agad na tanong niya. "As far as I remember wala hindi ako lumabag sa rules ng company, I've been here for two years now." Tumaas ang presyon niya sa sinabi nito, she can't believe it!

"I'm sorry Miss you might have offended our heads, I may not like you but it doesn't mean ay ayoko sa trabaho mo. As I can see wala ka pang absent simula ng magtrabaho ka dito, your stats are fine too."

"Kaya nga!" inis na sambit niya. She closed her eyes and breathe quietly, mukhang may ideya na siya sa nangyayari sa kanya ngayon. That damn guy! Kung kanina ay nanginginig siya sa takot ngayon naman ay nanginginig siya sa galit. Mariin siyang tinitigan ng HR manager mukhang nagtaka ito sa nakitang kalmadong hitsura niya, she might look so calm but to hell with it she's in the verge of eruption. "I do understand ma'am."

"Huh?"

"Am I fired or do I have a choice to resign?"

"Uh, you can file a resignation letter." Mukhang naawa naman ito sa kanya, it would be bad if her records here aren't in good standing. At least aalis siya dito na okay ang standing niya hindi siya mahihirapang maghanap ng bagong trabaho kung saka-sakali.

"Thank you ma'am." Tumayo siya at magalang na nagpaalam dito, nagdadalawang-isip siya kung babalik pa ba sa production o hindi na, but since tinanggal na rin naman siya sa trabaho niya and the company even agreed with that guy's stupidity siguro naman ay hindi na rin deserving a kompanya sa hardwork niya. Galit siya sa lalaki pero mas galit din siya sa may-ari ng kompanyang ito! Kinuha niya ang kanyang mga gamit sa locker niya at lalabas na she swiped her ID pero hindi bumukas ang pintuan na automatic na nagbubukas kapag ini-swipe niya iyon. Hindi naman siya nag-tail gate kanina.

To Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon