Chapter Eight

63.5K 1.6K 86
                                    

Chapter Eight


"YOU look lovely tonight Crescent." Agad na puri sa kanya ni Jeremy ng makita siya sa tapat ng pintuan nito, "And you look gorgeous Chrome." Agad na yumakap si Chrome sa ama nito. Jeremy invited her for a dinner with his family of course si Chrome talaga ang invited nasali lang siya dahil nga sa siya ang tagabantay ng pamangkin niya.

Sigurado siyang kasama si Third and she feel like fixing herself up, she's wearing a baby pink bondage dress that hugs her figure and the color complimented her skin so she looks younger than her age now. Hinayaan nalang din niyang nakalugay ang kanyang mahabang buhok, her hair is indeed her crowning glory.

"Is my niece here?" tumigil saglit ang tibok ng puso niya ng marinig niya ang boses nito, agad siyang napatingin dito pero hindi man lang nito siya tinapunan ng tingin at nakatingin... at nakangiti kay Chrome. Medyo nakaramdam siya ng disappointment pero keysa naman sa mag-away sila ay okay na iyon. Dinala nito si Chrome papasok sa mga magulang nito.

"Welcome." Untag ni Jeremy sa kanya inilahad nito ang palad nito sa kanya, nakakatayo na ito kahit na may dala itong tungkod ay nakakalakad na ito. Ngayon lang niya napagtanto na magkamukha ito at si Third, mas matured nga lang si Jeremy. Tinanggap niya ang palad nito at mabilis na umabrisiete dito. "She really looks like her mom." He said pointing at Chrome.

"Yes, she is. Mata lang niya ang nakuha niya sa iyo."

"She also got her attitude from her mom, alam mo bang noong una kaming nagkita ni Cynthia ay hiningan niya ako ng piso." Napatingin siya dito dahil sa sinabi nito, natawa ito na para bang kahapon lang nangyari ang eksenang iyon. "Naapakan ko iyong isang piso na pandagdag sa kanyang pamasahe tapos nasipa ko pa at nahulog ng tuluyan sa manhole. Galit na galit siya sa akin dahil sa ginawa ko hindi ko kasi nakita dahil may kausap ako sa cellphone ko, talagang hinabol niya ako at sinermunan sa harap ng maraming tao. Tinitigan ko lang siya na dumadaldal sa harap ko hindi niya alam nakuha na niya ang puso ko. It's love at first sight and a love that I would love to treasure for a life time."

"Okay lang naman kung mag-asawa ka maiintindihan naman iyon ni ate iyon nga lang baka hindi maintindihan ng mapapangasawa mo."

"Kung tamang babae siguro pero pag-iisipan ko pa ngayon si Chrome ang isinaalang-alang ko."

"Mabuti at least diyan magkakasundo tayo."

"Ikaw?"

"Anong ako?"

"Maganda ka Crescent impossibleng walang manliligaw na umaaligid sa iyo, nasabi nga minsan ni Cynthia na ang daming nakapila sa labas ng bahay niyo para ligawan ka."

She rolled her eyes. "Exaggerated lang talaga minsan si ate, paanong hindi sila pipila eh hindi naman sila pinapapasok ni ate sa bahay." She chuckled. "Kidding aside wala na akong panahon sa mga ganyang bahay dahil tulad mo si Chrome lang ang priority ko ngayon."

"Then maybe we can fix that."

"Fix what?"

"Kakain na kuya, nagugutom na anak mo." Tawag ni Third sa kapatid nito pero hindi pa rin nakatingin sa kanya. Nakakainis din ang lalaking iyon.

"Let's go." Ang gentleman talaga ni Jeremy, kung mas nauna lang siguro niyang makilala ito baka dito siya nainlove kaso hindi eh, sa kapatid na walang puso siya nainlove kaya heto tiis-tiis nalang hanggang sa maka-move on na siya ng tuluyan. Nainlove at nasaktan na rin naman siya dati at nabuhay naman siya hanggang ngayon. Pero naaasar pa rin siya kay Third!

To Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon