Chapter Two
"INUMIN mo muna ito." Nag-aalalang inabot sa kanya ni 'Nay Ason ang baso ng tubig na kailangan na kailangan niya ngayon. Ang lakas ng kabog ng puso niya she wasn't prepared, hindi niya inaasahan ang eksenang iyon at ang eksena nilang dalawa ng gwapong—lecheng—hudas barabas na iyon. He might look decent and good-looking—fair looking—but his intentions were not.
"Anong karapatan nilang kunin sa akin ang pamangkin ko? No way! Never! Akin lang si Chrome." Buong gigil na sambit niya. "No way in hel—heavens I'll let them get my baby." Nanginginig pa rin siya sag alit. Ito nga ang sinasabi nila, biruin mo na ang lasing huwag lang ang ginising ng bad news. "Curse him!" she screamed na sa sobrang lakas ay alam niyang narinig ng mga kapitbahay niya pati na rin ng pamangkin niyang umiiyak na ngayon.
Kinuha niya ang bata sa crib at dinala sa dibdib niya, agad naman itong natahimik pero humikbi-hikbi pa rin.
"Hindi kita ibibigay sa kanila baby ko, kay tita ka lang. Ikaw at ako lang." selfish as it seems kaya lang natatakot siyang maiwanan not when she's already alone and her niece is the only family that she have.
"Nay." Untag niya sa may edad. "Kapag dumating ang lalaking iyon uli dito huwag na huwag niyong papasukin, ilock niyo kaagad ang pintuan at tawagann niyo agad ako."
"Bakit hindi mo nalang siya kausapin anak aba eh mukha namang hindi masamang tao ang tiyuhin ni Chrome."
"Alam ko ang karakas ng lalaking iyon at ng mga mayayaman na iyan, gagamitin nila ang pera nila para makuha ang gusto nila. Selfish po sila nanay, hindi sila nadadala sa matinong usapan." At saka tinitigan ang bata na nasa mga braso niya. "Natatakot po akong makuha nila si Chrome kung ang lalaking iyon ay ang kapatid ng ama ni Chrome dahil mas malakas ang laban nila dahil siya ang tunay na ama."
Napabuntong-hininga ito. "Keysa matakot ka na parang criminal bakit hindi ka kumausap ng abogado Criselda para malaman natin kung ano ang pwede mong panlaban sa bata."
May punto si 'Nay Ason pero hindi mawawala sa kanya na matakot, kahit pa sabihin na ang nasa birth certificate ni Chrome ay ang pangalan ng mama nito at may nakasulat doon na illegitimate still, kayang-kaya kung tutuusin na kunin nng mga taong iyon ang pamangkin niya. But still hindi rin siya sigurado kung ama nga ni Chrome ang tinutukoy ni Third, malay naman nila kung iba.
"Kakausapin ko ang kakambal ni Keesha, she's studying law she can help me."
"Mabuti, matulog ka muna ulit anak baka ikaw naman ang magkasakit."
"Hindi na po ako makakatulog nito."
"Pilitin mo baka bumalik ang lalaking iyon dito at kunin si Chrome tapos kulang ka sa tulog at lakas paano ka makakalaban?"
Her body trembles once more may punto na naman kasi ito at hindi siya papayag sa ganoon. Matutulog na lang muna siya baka sakaling paggising niya ay isang masamang biro lang pala ang lahat. Tama iyon nga ang gagawin niya. Pumanhik uli siya sa itaas at itinabi ang pamangkin niya sa kanya hugging her tight, wala ni sinuman ang makakaagaw kay Chrome mula sa kanya.
Ipinikit niya ang mga mata niya para lang magmulat muli dahil sa hindi niya inaasahan ang imaheng biglang sumulpot sa kanyang utak. Bakit ang mukha ng lalaking iyon? Bakit ang mukha ni Sebastian Chael Madrigal the Third?
BINABASA MO ANG
To Love Me (COMPLETED)
ContoTeaser: Third only want one thing from her and that is his niece. Crescent only want one thing from him and that is her life's peacefulness. But he will never give her what she wants until she gives him what he needs. The world will be their bat...
