"Goodbye, Ma'am," wika ng dalawang tindera ni Kim sa kanya.
"Sige," wika niya. Naghahanda na rin siya sa pag-uwi.
"Sigurado po ba kayong hindi na kayo sasabay sa min?" tanong ni Nelly.
Umiling siya. "Hindi na. Okay lang ako."
Pag alis ng mga ito ay ipinagpatuloy niya ang pagliligpit sa loob ng shop. 9pm na sila ng gabi nagsasara. Magtataxi na lang siya pauwi dahil ginamit ng kanyang ina ang nag iisang sasakyan nila papunta sa Baguio. Kasama nito ang driver nila.
Napaigtad sya nang biglang nag ring ang cellphone niya. Sinagot nya un. "Hel--"
"Ang sir mo to. Bakit ba nagpalit ka pa ng numero? Anyway, please bring the documents tomorrow para mapirmahan ko na. And dont forget to list down my appointments. Baka magkamali mali na nman ang mga isinulat mo."
Napakunot noo sya. Sino ba ang baliw na ito?
"And tell---"
"Ah, Mister. Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," putol nya sa ibang sasabihin nito.
"What?"
"Look, I dont have any idea what youre up to. Pero hindi gagana sa akin yang pakulo mo."
"Good bye!" mataray na wika nya at mabilis na pinatay ang cellphone nya. Nakakakulo ng dugo ang mga ganoong tao.
Diyos ko. But in fairness, maganda ang boses ng lalaki.
Napakunot noo na tiningnan ni Xian ang numerong idinayal nya kanina. Ikinompara nya un sa numerong ibinigay sa kanya ng kanyang secretary na sinabi nitong bagong numero nito at marahang napamura nang makitang mali ang huling dalawang numero na idinayal nya. Kaya naman pala ganun makasagot sa tawag nya knina. Wrong number pla siya.
Ang taray taray ng babae at galit na galit. Kung sino man yon ay cgurado syang mukha yong tigress.
Napailing na lang siya.
++++++++++++++++++++++++++++
Panu kaya sila magkakilala ? Abangan...
VOTE AND COMMENT GUYS ;)))
