Chapter 1

647 12 0
                                    

Masayang nakatingin si Xian sa harap ng altar habang nagpapalitan ng vows sina Phil at Christina. Sa isang pribadonh beach ginanap ang kasalan ng mga ito. Dobleng celebration na rin un para sa kanilang magkakaibigan dahil natapos na nila ang album recording ng banda nilang Exploded Hype. Naging sobrang busy sila sa mga press conference, TV guesting, at mall tours Nakauwi na sa Pilipinas si Andy kaya kompleto na sila.

Noong isang linggo ay official na ini launch ang album nila na may titulong Exploded Hype Unleashed. Humahataw sa mga radio station ang carrier single nilang "My Sunshine". Lahat ng kanta sa album ay puro mga original composition --tatlo ang English at apat ang Tagalog Ibinalita sa kanila ng manager nilang si Sir Larry na maganda ang feedback ng press at ng mga tao sa album nila. Maganda rin ang sales nila.

Napatingin siya sa katabi nyang si Chester nang marahan syang sikuhin nito. "Bakit?" tanong nya rito.

"Tingnan mo si Jun. Hindi na nakatiis at tumabi na sa kanyang bride to be," nakatawang sagot nito.

Tiningnan nya ang kaibigan nila na kanina lang ay katabi nila. Nasa kabilang hanay na si Jun, katabi ang kasintahang si Toni. "Hayaan mo na," nakangiting wika nya.

Ilang saglit pa ay inanunsiyo na ng pari ang mga katagang "you may now kiss the bride." Napangiti siya, masaya sya para sa kaibigan.

"Bro, naiinggit ako. Pakiss nga." wika ni Chester sa kanya.

Natawa si Enrique.

"Magpakasal ka na rin para hindi ka na mainggit " nakangising wika nya kay Chester.

Nagpalakpakan sila pagkatapos magkiss ang mga bagong kasal.

Isa isa nang nagtungo ang mga bisita sa malaking function hall na malapit sa beach kung saan gaganapin ang reception. Mayamaya ay mag aalay silang magkakaibigan ng kanta.

Nang nakaupo na sila sa isang malaking mesa ay tiningnan niya ang kanyany cellphone at napangiti nang mabasa ang text message sa kanya ng kanyang mama. Nagtatanong ito kung may nakakuha ba ng attention nya sa mga babaeng bisita don. Napailing siya. Ang kanyang mama talaga... Hindi talaga sya titigilan nito hanggat hindi sya nag aasawa.

He wasnt in a hurry to settle down. He was only 25 years old. Somehow, naiintindihan nya ang kanyang mama. Nag iisang anak lang sya at marahil ay gusto na nitong makaapo. Pero palagi naman nyang sinasabi nito na huwag itong magmadali dahil makakahanap din siya ng babaeng para sa kanya.

Isang taon na rin mula noong huling magkagirlfriend sya Nagung busy sya sa pagbabanda kya hindi na muna nya inatupag ang mga babae. But he believed in love. At naghihintay sya ng isang tunay at wagas na pagmamahal na tatama sa kanya kapag nikita na nya ang tamang babae para sa kanya.

Napabuntong hininga si Xian.

"Kailan ba kayo magsesettle down na dalawa?" tanong ni Enrique sa kanila ni Chester mayamaya.

"Matagal pa, bro. Natatakot naman yang tanong mo," sgot ni Chester.

"Ganyan din ang sinabi ko noon , pero tingnan mo ako ngayon."

Napatingin siya kay Jun na syang nagsalita. Nakaakbay ito kay Toni.

"Ito ngang si Andy, doon na rin ang tungo, right, bro? " nakangiting tanong ni Xian dito.

"Right," nakangiting sagot ni Andy.

"Tayo na lang ang single sa grupo natin, Xian. Maybe were destined for each other," pabirong sabi ni Chester.

"Sira!" bulalas niya.

Nagtawanan silang lahat.

++++++++++++++++++++++++++++

Follow me on Twitter: @KimXi_Anj

Follow me on Instagram: @anj4tnez

Pag-ibig Nga Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon