Chapter 3 Part 6

525 15 5
                                    

"Pambihira ka talaga, bro. Ako ang inaway ni Yna dahil sa ginawa mo."

Natawa si Xian sa sinabi ni Chester. Maaga itong pumasyal sa bahay nila para sabihin sa kanya ang inabot nito sa kaibigan nito. "Bakit? What did she say?"

"Bakit daw ang sabi ko ay single ka, eh, yon pala ay may nobya ka. Sino ba kasi yong babaeng ipinakilala mong nobya mo?"

Napangiti siya. Naalala niya ang reaksiyon ni Kim sa ginawa niya nang nagdaang gabi. Kung nakamamatay lang ang titig nito, malamang na hindi na siya buhay ngayon.

Naaaliw kasi siyang tingnan ang mga mata nitong nanlilisik, ang kumikibot na magagandang labi nito, at ang cute na ilong nito na gumagalaw paminsan minsan dahil sa sobrang inis nito sa kanya. Para siyang kinikiliti tuwing naaalala ang mga yon.

Ang taray talaga nito. Ito lang yata ang kilala niyang babae na sobrang taray kahit anong ngiti ang gawin niya.

"What are you smiling at?" natatawang untag ni Chester sa kanya.

"Si Kim yong ipinakilala kong nobya kay Yna kagabi. Do you remember her? Yong may ari ng flower shop na nabangga ko?"

"Yong sobrang taray? Wow. Mabuti at hindi ka niya binalian ng buto kagabi?"

Natawa si Xian. "Malapit na nga, eh. Mabuti na lamang at umalis na lang siya." Pumalatak siya.

"Shes one hell of a woman.Shes....You know really something. Shes rare and very challenging. sabi ni Xian habang nakangiti.

"Whoa! I smell romance," tudyo nito.

Napangiti siya. "Well, in this case why not?"

Napailing siya. "Now, this is weird.We shouldnt be talking about her."

"Loko ka. Ikaw nga ang ngiting ngiti habang pinag uusapan natin si Kim."

Pabirong sinapak niya ito. "Magbibihis na ako.

"May lakad pa tayo mamaya," sabi ni Xian at tumayo na siya.

++++++++++++++++++++++++++++

VOTE AND COMMENT GUYS :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig Nga Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon