Chapter 3

342 6 0
                                    

"Kayo ma'am ha. Akala ko, hindi ka interesado kay Xian pero sumama kayo sa kanya kahapon".

Naniningkit ang mga matang tinitingnan ni Kim si Nely. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na sumama lang ako sa kanya paa kunin ang bayad niya sa ginawa niya sa mga bulaklak kahapon? Ang mamahal ng mga un, tapos sasagasaan lang niya?"

"Ang bango niya cguro, Ma'am. Naamoy nyo ba siya?" Kanina pa ito tanong nang tanong sa kanya tungkol sa idolo kuno nitong si Xian.

Napaisip si Kim. Well, yes. Mabango si Xian. Sa katunayan, napuno ang kotse nito ng kaaya ayang bango nito. Umasim ang mukha niya sa naisip. Mayabang at walang modo ito kaya para sa kanya ay mabaho ito.

"Hindi siya mabango. Amoy-tuyo siya.' sagot niya.

"Si Ma'am naman. Ang bango nga niya nong lumapit ako sa kanya kahapon, eh."

Pinaikot niya ang kanyang mata. "Bahala ka. At pwede ba, Nely? Asikasuhin mo na yang ipinapagawa ko sayo. Hindi tayo magkakapera kung ang Xian na un ang pag uusapan natin buong maghapon."

"Ang KJ nyo talaga, Ma'am.! Tumalikod na ito.

"May sinasabi ka?" Ang akala yata nito ay hindi niya narinig un kahit mahina ang pagkakasabi nito.

"Wala, Ma'am. Ang sabi ko, gagawin ko na ang utos ninyo".

Napailing na lamang siya.

++++++++++++++++++++++++++++

Haha ! Ang KJ ni Kim ha. Hehe! Iba talaga si Nely.

VOTE AND COMMENT GUYS :)

Pag-ibig Nga Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon