Chapter 3 Part 4

334 8 0
                                    

"Xian, si Yna, kaibigan ko."

Hindi makapaniwala si Xian na totohanin ni Chester ang sinabi nitong dadalhin nito sa Jagger nang gabing iyon ang hot friend daw nito.

"Hello, Yna," bati niya.

"Hi, Xian," ganting bati nito. She gave him a seductive smile.

Kapag ganoon na makangiti ang isang babae, alam na niya kung ano ang gusto nito.

"Sige, Xian, maiwan ko muna kayo," paalam ni Chester. "Yna". Ngumisi pa ito sa kanya bago ito naglakad palayo.

Nais mapailing ni Xian. Lahat na lang ng tao sa paligid niya ay gusto na siyang magkagirlfriend. Tiningnan niya ang babaeng nasa harap niya na noon ay iniinom ang laman ng baso nitong habang nakatingin pa rin sa kanya. Ngumiti siya. Idinadaan pa talaga siya nito sa malalagkit na titig. But he wouldnt feel a thing, even if the woman in front of him was sexy and hot. She just wasnt his type.

Masyadong liberated at flirtatious ito para sa kanya. Ni hindi nga siya interesado sa malulusogbna dibdib at sa makurbang katawan nito. He'd had enough of women like her when he was in college. Now, he wanted something else. Iyong ibang klaseng babae naman. Iyong alam niyang kung magpapakasal sila ay maiiwan niya ito sa bahay at hindi ito maglalakwatsa at uubusin an oras sa pagshashopping. Iyong suplada na tipong hindi madaling makuha ang puso.

Biglang sumingit sa isip niya si Kim. Hindi siya makapaniwalang hindi man lang ni napapansin ang kanyang charming looks. At ibang babae nga ay gustong gustong makuha at atention niya. Well, she was different.

"My place or your place?"

Napatingin siya sa kaharap na babae. Nais niyang mapailing at tumayo na lamang at iwan ito. Ang bilis naman yata ng tanong nito kung saan sila.

"Im sorry, but Im in a relationship right now." sabi niya sa babae.

Halatanh nagulat ito. "But Chester told me you were single"

"Hindi pa kasi niya alam," sagot niya.

"Well, its okay. Pwde naman siguro, di ba? Hindi naman malalaman ng girlfriend mo."

Hindi yata nito naintindihan ang mga salitang "in a relationship" at gusto pa rin nitong ituloy ang gusto nito.

Napatingin siya sa entrance ng Jagger nang nahagip ng mga mata niya ang dalawang babaeng pumasok doon. Kilala niya ang isa sa mga ito. It was Kim.

Damn, she looked hot even if she just wearing a simple Tshirt and jeans. Napangiti siya nang tumingin ito sa kanya at tinaasan siya ng isang kilay.

Xian got an idea.

++++++++++++++++++++++++++++

Ano kaya gagawin ni Xian kay Kim?

ABANGAN..

VOTE AND COMMENT GUYS:)

Pag-ibig Nga Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon