Chapter 1 Part 2

452 9 1
                                    

"O, Heto, para sa kung anong anik anik na bisyo mo," sabi ni Kim sa delivery boy nila na syang nagkarga sa mga order na bulaklak para sa araw na un. Iniabot nya rito ang dalawang singkwenta pesos na papel.

Abot hanggang tainga ang ngiti nito nang abutin un."Salamat, Ma'am,"

Tinaasan nya ito ng isang kilay nang hindi pa ito umaalis. "May kailangan ka pa?"

"Eh, gusto ko rin po sanang kunin ang ibibigay nyo sa akin para sa susunod na utos nyo."

"Sapak, gusto mo?" aniya at pinandilatan ito.

Napaatras ito. "Si Ma'am naman, hindi na mabiro," wika nito at lumabas na ng shop.

Napaismid si Kim. Ang akala cguro nito ay madadaan sya nito sa pasimpleng diskarte nito. Mabait syang amo, pero mahigpit din sya. Nasa lugar ang kabaitan nya dahil ayaw niyang magtake advantage sa kanya ang mga empleyado nya.

May pag aaring flower shop ang pamilya nila. Kasama nyang nagmamanage un ang kanyang ina. May dalawang branch na un--- nasa Maynila ang main shop at ang isa ay nasa Baguio. Ang kasama nya sa main shop ay dalawang tindera, isang delivery boy, at isang delivery driver. Wala ang kanyang ina nang araw na un dahil nasa Baguio branch ito.

Pabagsak na umupo sya sa malambot na sofa sa loob ng kanyang maliit na opisina.

Stable na ang kanilang negosyo dahil marami na rin naman silang kliyente. Matagal na ang kanilang flower shop. Dahil sa negosyong un ay nakapagtapos sya ng pag aaral.

Silang mag ina na lang ang magkasama sa buhay. Mag isa syang itinaguyod ng kanyang ibang ina mula nang iwan sila ng kanyang ama para sa ibang babae noong tatlong taong ulang pa lamang sya. Base sa nakita nyang mga litrato ng kanyang ama, masasabi nyang gwapo ito. Ngunit mas gugustuhin pa nyang mukhang terorista ang naging tatay nya pero hindi nman sila nito iiwan. Gwapo ito makontento sa isang babae. Ni hindi rin ito nagtangka man lang na kamustahin silang mag ina.

Hanggang sa umabot sya ngayon sa edad na 23 ay galit pa rin sya sa kanyang ama. Ang lalaking katulad nito ay hindi nababagay na magmahal. Sakit at pighati lang ang idudulot ng katulad nito sa mga babae.

Napailing si Kim. She felt sorry for her mother. Hindi ito nakatagpo ng matinong asawa. Hindi siya gagaya dito. Kung mag aasawa sya, ccguraduhin nyang ang lalaking un ay hindi katulad ng kanyang ama. Hindi nya kailangan ng gwapo. Ang kailangan nya ay isang lalaking mapagkakatiwalaan, ung hindi mang iiwan, at hindi mambababae.

"Ma'am!"

Napahawak sya sa dibdib at napapikit sa gulat sa pagtawag sa kanya ng isang tindera nya.

"Nely naman, bakit ka ba nanggugulat? Kailangan mo ba talagang sumigaw? May pinto naman, db? Kumatok ka muna kaya?" sermon nya.

"Pacnxa na, Ma'am. Excited lang po kasi akong ibigay sa inyo ang mga bulaklak na ito." Halatang kinikilig ito

Napakunot noo sya. Noon lang nya napansing may hawak itong isang pumpon ng pink roses.

"Kanino galing ang mga yan? l" bale walang tanong nya. May makukulit na manliligaw sya na hindi nakakaintindi sa sinasabi nyang walang aasahan ang mga ito sa kanya. At pinapadalhan pa sya ng mga bulaklak. Hindi ba alam ng mga ito na napapaligiran na siya ng mga bulaklak?

"Your hero lang po ang nakalagay dito, eh"

She rolled her eyes. In all fairness, habang tumatagal ay lalong nagiging corny ang mga ito Noong isang araw lang ay "Your destiny" ang nakalagay sa ipinadala sa kanyang mga bulaklak.

"Wag mo ilagay dito sa office. Sayo na yan. Dalhin mo na pag uwi mo," sabi ni Kim at hinarap na ng mga ioaudit nya nang araw na un.

"Talaga po?"

Tumango si Kim."Itabi mo sa pagtulog mo."

Humagikgik ito. "Kayo talaga, Ma'am. Super joker kayo, Ma'am. Salamat." Lumabas na ito. Napailing na lang sya.

Pag-ibig Nga Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon