Chapter 2 Part 3

341 8 2
                                        

"Oh, my God," mahinang wika ni Kim nang mkita ang hitsura ng mga bagong angkat na bulaklak. Tumilapon ang mga un at nalagas ang mga petal.

Nakakunot noong pinasadahan nya ng tingin ang kotseng nakabunggo sa mga bulaklak nya. Bumukas ang drivers seat at bumaba ron ang isang lalaki.

Humanda sa akin ang kaskaserong driver na to.

Napakurap sya nang masilayan ang mukha nito. Ang gwapo gwapo nito. Noon lang tumambol nang malakas ang puso nya dahil sa isang lalaki. Ang lakas ng appeal nito.

Ang lalaking ito ang bumangga sa estante ng mga pinakamamahal nyang bulaklak." Hoy, Mister, tingnan mo nga kung ano ang ginawa mo sa mga paninda ko! " bulyaw nya rito.

Lumapit ito sa kanya. "Im sorry. Hindi ko sinasadya."

Napakunot noo sya. Bakit parang pamilyar ang mukha nito?

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Hindi sinasadya? Bulag ka ba? O lasing kaya? Hindi mo ba nakitang may flower shop dito? Anong akala mo sa amin, parking lot?"

"Look, Miss, I really am sorry. Babayaran ko na lang ang mga naging damage rito".

"Abay dapat lang!"

"All right, all right. Pero kailangan ko na munang umalis.Please,"sabi nito.

Naningkit ang mga mata niya." Maybayad ka muna," mataray na utos nya. "Ang laki kaya ng ginawa mong pinsala sa mga bulaklak ko!"

"Ill just come back. I dont have any cash or check here. I have my ATM, pero hindi ako makakapagwithdraw dahil nagmamadali ako. Dont worry, babalik naman ako," sabi ni Xian.

Aba at sumusobra yata ang gwpong ito. Kung ang akala nito ay tinablan sya ng kgwapohan nito at maniniwala sya na babalik ito, nagkakamali ito.

"Wag mo akung linlangin! Magbayad ka na ngayon."

Marahas na bumuntong hininga ito. "Damn it, wala nga akong dalang cash, Miss. Hindi ako makakabayad ngayon. Besides, may kailangan pa akong puntahan, so please...."

"Pwes, hindi ka makakaalis--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil biglang tumili si Nely na biglang sumulpot sa tabi

niya.

"Ma'am, sya si Andy ng Exploded Hype," anitong magkasalikop ang mga kamay at nakatingin sa kausap niya habang nanlaki ang mga mata.

Kaya pala pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki. Nakita n nya itong nagperform sa TV kasama ang banda nito.

Nagsimulang lumapit ang ibang tauhan niya at ang mga customer.

"Ay! Pa autograph naman po," sabi ni Nelly. Dali dali nitonh inilabas sa bulsa ang isang marker.

"Sure," wika ni Xian.

Napahawak sya sa kanyang sentido. "Nely, pwede ba...?"

"Sandali lang, Ma'am," sagot nito na hindi man lang sya tiningnan. "Dito po, pirmahan nyo po ang likod ng Tshirt ko," anang kinikilig nyang tindera at tumalikod.

Pinirmahan naman ni Xian ang Tshirt ni Nely. Pagkatapos yon ay ang ibang tauhan at mga customer nya ang nagpapirma dito.

Ilang sandali rin syang naghintay bago un natapos.

"Aalis na 'ko, Miss," paalam ni Xian."Please sobrang late na ako sa pupuntahan ko."

"Do I look I care? Magbayad ka sa ginawa mo at umalis ka na. Ganun kasimple ." Mukhang nainis na ito "Hindi ibig sabihin binigyan mo bg autograph ang mga tao dito abswelto kna."

"Kung ayaw mo talaga akong paalisin nang hindi pa nagbabayad ay sumama ka na lang sa akin. Para matapos na to. Doon na lang kita babayaran sa pupuntahan ko."

"What?"

"If you dont like my idea, then just wait for me to come back here." Tumalikod na ito sa kanya at pumunta sa kotse nito.

Natilihan si Kim. Napakayabang talaga ng lalaki. Hindi siya makapapayag na basta na lang nitong tatalikuran ang obligasyon nito sa mga sinira nito. Tinawag niya si Nelly at sinabi ritong sasama na muna siya sa lalaki. Nakangiting tumango ito sa kanya.

Mabilis syang sumunod kay Xian at sumakay sa kotse nito. Walang itong imik habang nagmamaneho. Siya naman ay nakasimangot at nakahalukipkip na nakasandal lang sa upuan.

Mayamaya pa ay ipinasok nito ang kotse sa isang malaking subdivision. Pagbaba nila ay sinalubong ito ng isang babae.

"Nandito na ba si Daddy?" tanong ni Xian.

"Yes, Sir," sagot ng babae. "Nandon sila sa Block B."

"By the way, asikasuhin mo itong maingay na babaeng to," sabi ni Xian.

Abat...!

"Give her a check worth ten thousand." Bumaling ito sa kanya. "Is that enough, Miss..?"

Napatingin si Kim rito. Kung tutuusin, malaki ang halagang un. Sobra sobra pa nga. Sinayang na lang din nito ang oras nya sa tingin niya ay makatarungan ang ibibigay nitong pera. Her time was precious.

"Kim," anito rito. "And yes, that would be enough."

"Okay," sabi ni Xian at nagmamadaling umalis.

Napaismid si Kim. Ito na yata ang pinakamayabang at pinakaungentleman na lalaking nakilala nya.

"Napapirma na po ba kayo kay Sir?"

Napatingin sya sa secretary ng lalaki. "Why would I get his autograph?"

"Sikat na po si Sir, eh," anito na mukhang proud na proud sa amo nito.

"Well, hindi ako interesado sa kanya at sa pirma niya."

Napangiwi ito at niyaya na siya sa office ng ami nito.

++++++++++++++++++++++++++++

VOTE AND COMMENT GUYS :)

Pag-ibig Nga Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon