Gustong umatras ni Kim at lumabas na lang. Nais niyang kutusan ang kaibigan niyang si Judy dahil hindi man lang nito sinabi sa kanya na sa isang maingay na lugar sila pupunta. Hindi siya mahilig magpunta sa mga club.
Lalo siyang nainis nang makita niya roon si Xian. Sobrang malas naman yata niya. Pangiti ngiti pa ito sa kanya.
Masyadong pa cute.
"Judy, naman. Umalis na nga tayo dito. Bakit ba dito mo ako dinala? Ang ingay ingay, Diyos ko!" reklamo niya nang makaupo na sila.
"Ano ka ba? Hindi naman maingay na maingay. Nasanay ka kasi sa opisina mong napakatahimik." Tinawag nito ang waiter at nag order na ng maiinom nila.
Kumunot ang noo niya nang makitang naglalakad papunta sa direksyon nila si Xian.
"Hi," bati nito sa kanya.
Sa pagkagulat niya bigla siya nitong hinalikan sa pisngi niya!
Napamaang si Kim dito. Akmang tataray niya ito nang biglang sumulpot ang isang napakasexy na babae na animo turon dahil sa sobrang sikip ng suot nito.
"Oh, so she's your girlfriend?" tanong ng babae kay Xian.
"Girl---?"
"Oh yes," sagot ni Andy na hindi na siya pinatapos sa sasabihin niya.
Naguguluhang pinaglipat lipat niya ang kanyang tingin sa mga ito.
"Kim, this is Yna. Yna, si Kim, ang pinakamamahal kong girlfriend."
Napakunot noong tiningnan niys si Xian na nakangiti sa kanya.
"Oh, I see. Id better go," ani Yna.Tinaasan siya nito ng isang kilay bago ito umalis.
Naiinis na hinarap niya si Xian. "Ako ba, pinagloloko mo?"
"Im sorry, Kim. I had no choice. Ang kulit kasi ng babaeng un. Kaya ipinakilala kitang girlfriend ko," sabi niya. "Hayaan mo na, joke lang naman un"
"Joke, huh."
Ngumisi ito. "Well, totohanin natin kung gusto mo."
"Aba't --- Hoy, wag kang epal! Ang kapal talaga ng mukha mo"
Hinila siya ni Judy sa braso."Em, ano ka ba?"
"Umalis na tayo, Judy. Baka sumabog na ako sa inis dito," sabi nito, sabay irap at talikod kay Xian.
Narinig pa niyang tinawag siya nito ngunit hindi niya ito nilingon.
"Kim, slow down naman," sabi ni Judy.
"Kasalanan mo kasi. Napagtripan na naman ako ng lalaking un. Kung bakit kasi don mo pa napiling pumunta," nakasimangot na wika niya.
Hanggang sa makauwi siya ng bahay ay nagngitngitngit pa rin siya. Nasasapawan ng kayabangan ng lalaking un ang kagwapuhan nito.
++++++++++++++++++++++++++++
VOTE AND COMMENT GUYS :)
![](https://img.wattpad.com/cover/6362152-288-k667177.jpg)