Chapter 2

342 8 0
                                    

"Ma'am, hindi pa po ba ninyo sasagutin ang isa sa mga nanliligaw sa inyo? Sayang naman."

Napatingin si Kim kay Nelly na noon ay katulong nyang nag aayos ng mga bulaklak. Ang isang tindera nya ay nasa labas at inaasikaso ang mga customer.

"Bakit ko naman sila sasagutin, hindi ko nman sila type?" sagot nya dito habang inaayos ang natitirang bulaklak.

"Hindi nyo type? Eh, ang gugwapo naman nila, ah.

"What? Hindi sila gwapo, no? May hitsura lang. At saka, hindi batayan ang mukha sa pagsagot ng lalaki. Hindi baleng hindi gwapo basta mabait. Kaya ikaw, huwag kang masyadong obsessed sa mga gwapo," payo ni Kim.

"Mas kailangan ko po ng gwapo," sagot nito.

Napailing ba lamang sya. " Hay naku, Nely, iuntog mo nga iyang ulo mo nang matauhan ka," sabi nya at iniwan ito.

Kinuha niya ang basurahan at inilagay roon ang mga nagkalat na dahon mula sa mga ginupit nya. Napatingin siya kay Nely nang lakasan nito nang kaunti ang kanina ay mahinang pagpapatunog lang nito sa cellphone nito. Kinikilig na kumendeng kendeng ito habang pinapakinggan ang musikang pinapatugtog nito.

"Nely," tawag niya.

"Ma'am, bakit?"

"Mamaya ka na sumayaw".

"Saglit lang, Ma'am. Ang ganda ng tugtog, eh. Narinig nyo na po ba itong 'My Sunshine' ng Exploded Hype? Ang ganda, Ma'am! Gusto nyo, iBluetooth ko sa inyo?"

Kilala niya ang bandang sinasabi nito, pero hindi sya fan niyon. She rolled her eyes. "Wag na," sagot niya at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

++++++++++++++++++++++++++++

VOTE AND COMMENT GUYS :)))

Pag-ibig Nga Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon