"Ang gwapi niya?"
Napatingin si Kim kay Nelly na nanonood ng TV sa loob ng office niya. Pinagbigyan na niya ito nang hilingin nito knina na kung pwde raw ba itong manood ng TV dahil ilalabas daw ang music video ng favorite nitong kanta. Hindi na niya itinanong kung anong kanta yon dahil alam naman niyang kanta ngvExploded Hype ang tinutukoy nito. Araw araw na yata nyang naririnig yon dahil kay Nely.
Napatingin siya sa TV. Nagsimula na ang papanoorin nito. Bumungad sa kanya ang gwpong mukha ni Xian. Ito pala ang gitarista ng banda. Nang tingnan niya si Nely, ngiting ngiti ito at kilig na kilig. Well, magagandang lalaki nman talaga ang myembro ng Exploded Hype.
"Ang gwapo ni Xian, diba Ma'am?" si Nely habang nakatutok pa rin ang tingin sa TV. "Hay, lalo na sa personal".
Napaismid siya. "Duh, mukha siyang piranha."
"Hindi naman, Ma'am. Ang gwapo nga niya, eh. Tingnan mo naman ang kanyang nang aakit na mga mata, ang kanyang mapupulang labi, ang kanyang matangos na ilong, at malakas na sex appeal. Hay, ang swerte ng nobya niya."
Napailing na lamang si Kim.
May kumatok sa pinto. Nang bumukas yon ay pumasok ang kaibigan si Judy.
"O, napasugod ka?" tanong niya rito.
"Ang tarya nito. Ilang araw na kaya tayong hindi nagkikita," si Judy at umupo sa silyang nasa harap ng mesa niya.
"Alam mo namang busy ako, Jud."
"Busy busyhan ka lang naman, eh. Pwede ka namang maglakwatsa, ayaw mo lang. May mga tauhan ka naman dito."
Hindi siya mananalo rito kapag nagbigay siya ng rason kung bakit hindi na siya nakakalabas. Ito lang ang tanging totoong kaibigan niya dahil ito naman ang nakakaride on sa pagtataray niya. Ito lang din yata ang taong tumatawa sa matataraybna hirit niya, maliban kina Nely at ibang tauhan niya.
Napasimangot si Kim. "Bakit ba kasi? May kailangan ka ba?"
"Oo, at kailangang pumayag ka."
"Aba, bruha ka. Okay ka rin, ah. Ikaw talaga ang nagdedesisyon kung ano ang isasagot ko."
"Eh, kasi nga, marami kang utang sa akin. Kaya wala kang choice," nakangising wika nito.
"O, siya, siya. Ano bang kailangan mo at nang matapos na tayo?"
"Lumabas tayo mamayang gabi."
"Saan naman?"
"Basta, ako na ang bahala. I assure you, mag eenjoy ka".
Wala na siyang nagawa kundi tumango. Hindi rin naman siya titigilan ng magaling ng kaibigan niya kung aayaw siya.
++++++++++++++++++++++++++++
VOTE AND COMMENT GUYS!
![](https://img.wattpad.com/cover/6362152-288-k667177.jpg)