Chapter 3 Part 2

344 9 0
                                    

Nasa condominium unit ng kaibigan niyang si Chester si Xian isang araw ng Huwebes. Ipifeature sa isang music channel ang music video ng kanta nilang "My Sunshine". Doon na muna siya magpapalipas ng oras dahil libre siya.

"Anong nangyari don sa kotse mo?" tanong sa knya ni Chester. Marahil ay napansin nitong natupi ang harapan ng kotse niya.

"Nabunggo yon sa isang flower shop"

"Ha? Anong nangyari?"

"Iniwasan ko kasi iyong tumatawid na bulag. Eh, pagkabig ko sa manibela, tumama ako sa estante ng isang flower shop. Nadisgrasya ko ang mga bulaklak don. And what's worse, bro, ang sungit ng may ari. Tinalakan ako nang tinalakan. Pinababayaran niya iyong mga nasirang bulaklak. I didnt have any cash with me kaya I told her na babalik na lang ako. Pero ayaw pumayag. Ang gusto talaga niya ay ibigay ko kaagad ang bayad".

Natawa si Chester. "Dinaan mo na lang sana sa charm mo"

Napailing siya. "Mukhang hindi nakakakilala yon ng gwapo, eh"

"Maganda ba?"

Napangisi siya. "Uhm, yeah".

"Okay lang yon. Maganda naman pala".

"Maganda nga, para namang tigre sa tapang." Kung hindi lang parang tigre ang Kim na yon malamang na hiningi na niya ang contact number nito o hindi kaya ay magpapakilala siya rito nang maayos. Maybe he could ask her out on a date and get to know her better.

Napailing si Xian sa naisip niya. Napakaimposible ng iniisip niya. Masyado na yatang natatanim sa isip niya ang sinasabi ng kanyang ina na humanap na siya ng magiging nobya. And why would he think of that Kim woman?

++++++++++++++++++++++++++++

VOTE AND COMMENT GUYS !

Pag-ibig Nga Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon