Chapter 2
“MARASIGAN, gutom na ko!” reklamo ni Julie. Kadarating lang nila ni Elmo sa condo nito mula sa kanilang rehearsal. Dito kasi siya matutulog ngayon.
Ten minutes before twelve midnight na sa relo niya. Inaantok na siya pero gusto muna niyang kumain kasi nagre-reklamo na ang tiyan niya.
Pasalampak siyang umupo sa couch nito. “Marasigan, pahinging pagkain!”
“Ikaw kasi Angeles. Namili naman sila ng pagkain kanina,e. Bakit kasi ang konti lang nang kinain mo.” tumabi ito sa kanya.
“E di ba, ipagluluto mo ko kaya di ako kumain ng marami. Sige na, ipagluto mo na ko.”
“Masyado ng late. Hot choco, gusto mo?” humilig siya sa dibdib nito.
“Pagtitimpla mo ko?” tanong niya.
“Oo naman, Wait ka lang diyan.” He kissed the top of her head before he headed to the kitchen.
“Marasigan, bilisan mo!” sigaw niya.
“Opo, ayan na po!”
Sa wakas ay bumalik na rin ito. Inilapag nito sa harapan niya ang isang plato ng pagkain.
“Saan mo nakuha iyan?” gulat na tanong niya. Lalo niya tuloy naramdaman ang gutom. Ang bango kasi nito at mukha talgang masarap.
“Sa kitchen. Kumain ka na. Niluto ko iyan.”
“Ang bilis ata? Ten minutes?”
“Yhup! Turo ni Chef Boy.”
“Naks naman! Salamat!” Sabi niya saka siya nag-simulang kumain.
“Syempre, alam mo namang ayaw kitang nagugutom, e.”
“Ang sweet mo! Kumain ka na lang din!” at sinubuan niya pa ito.
“Kumain ka lang diyan. Kukunin ko lang iyong hot choco mo.” Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.
Kapag napangasawa niya si Elmo, tiyak ng hindi siya magugutom. Hindi pa man din siya magaling sa kusina.
Matapos makapag-pababa ng kinain at maubos ang hot choco na inihanda ni Elmo sa kanya ay nagtungo na siya sa banyo para makapag-linis ng katawan.
Pag-labas niya ay nandoon na si Elmo sa kama at prenteng naka-higa. Ala-una na ng madaling araw. Humiga siya sa tabi nito at umunan sa dibdib nito.
“Good night!” sambit niya.
“Sweet dreams.” She closed her eyes and muttered before sleeping, “I love you, Elmo.”
She cuddled to him even more. “I love you more, Julie.” She smiled snd let herself to be in Lala Land.
PAPUNTA na sa harap ng stage si Elmo. On-air na sila at ang spot na nila ni Julie sa opening ang susunod. Si Julie ay nasa stage na at kasalukuyang nag-sasayaw. Pagdating niya ay nakita niya ang aksidenteng pagkakadulas nito na dahilan para hindi agad ito makatayo. Nakaupo ito sa sahig at hawak nito ang paa nito. Ang mga kasama niyang sumayaw ay dinaluhan naman ito. Dala ng pag-aalala sa kasintahan ay agad siyang tumakbo palapit dito. Hindi niya na alintana na showing ng live ang palabas nila.
“Julie, okay ka lang? Ano bang nangyari?” nag-aalalang tanong niya.
“Nadulas ako, e.” mangiyak-ngiyak nitong sabi.
“Ano? Kaya mo? Kaya mo pa?” tanong niya. Ayos lang kung hindi sila makapag-perform basta’t maging maayos lang ang kalagayan ng dalaga. Labis kasi siyang nag-aalala.