Chapter 4 :)

509 9 0
                                    

Chapter 4

 “I HEARD tinanggihan mo iyong short course na ino-offer sa Oxford.” Sabi ni Frank, kuya ni Elmo at ang panganay na lalaki sa kanila. Naroon sila sa covered court malapit sa subdivision na tinitirhan nito. Kasalukuyan silang naglalaro ng basketball.

        “Yap.” Sagot niya sabay pasa ng bola rito.

        “Dinidribble-dribble nito ang bola at siya naman ay binabantayan ito. One on one ang laban.

        “But why?”

        “Masyadong matagal.”

        “Bro, six months lang iyon. And I thought gusto mo ang photogtaphy?” he shot from perimeter.

        “Matagal na para sa akin iyon. At ayokong iwan si Julie rito.” And he misses. Ni-rebound ni Elmo ang bola. He dribbled the ball and aimed for a three point shot and goal!

        “Talagang mahal mo si Julie, ano?”

        “Mahal na mahal.”

        “No doubt you’re really in love, bro. Ang corny mo na kasi these days eh.” Komento nito sabay tawa.

        “I am.” Pagsang-ayon niya. Baduy man pero wala e, mahal niya talaga si Julie.

        “It’s a good opportunity though.”

        “Well, I can always take seminars here anyway so it’s not a big deal.

        “Whatever you say, bro!” Frank dribbled the ball and passes through Elmo. An easy lay-up for him! “Hey, did you heard the news about Andrew?”

        “What about him?”

        “Kumuha ng yaya ang lolo niya para sa kanya.”

        “What?!?” gulat na tanong nito. “Seryoso?” tumango ito bilang pagsang-ayon.

        “Sa tanda niyang iyon may yaya pa siya?”

        “Kagustuhan iyon ng lolo niya at wala siyang magagawa kundi tanggapin iyon. Pasaway din kasi ang isang iyon.”

        “Sa bagay.” He shrugged his shoulder and they continued playing.

“HERE are Alden, Kris, Steve, Aj and Elmo!” pakilala ni Julie sa mga performer. “Sila ang nakakakilig at nag-gagwapuhang…”

        “Keso boys!” sabay-sabay na sambit ng mga babaeng kasama ni Julie sa spiel na iyon.

        Spot ng boy band na kinabibilangan ni Elmo sa Sunday noon time show nila. Ang first major mini concert ng grupo. Their songs were the hit songs of the boy bands before like backstreet boys and NSYNC.

        Kasama niya sa gilid ng stage ang mga ka-love team ng mga keso boys. She can’t help but smile seeing Elmo performing on the stage. Napaka-astig nito sa bawat galaw nito. Kita niya na nage-enjoy ito sa performance nito.

        They all have an individual spot. Sing and dance sila. And when it was Elmo’s turn, ang mga kasama niya ay kinuyog siya ng tili na halos ikabasag ng eardrums niya.

        She never leave her gaze on him. She watched his every move and step. She’s just so happy and proud of him. He got that swag, really!

Elmo really improves in singing department and his skills in dancing just got better now. Kaya hindi na kataka-takang maraming humahanga rito. A singer, rapper, dancer, composer and can play piano by ear – a widow player. He also plays harmonica. Truly, a very talented young man.

Pawis na pawis na ito pero hindi pa rin nabawasan ang ka-gwapuhan nito. Sigaw at tili ang maririnig mo mula sa mga supporters nito. Nang matapos ang production number nila ay dumiretso agad sila sa backstage. Sinundan niya naman agad si Elmo sa dressing room.

“Naks! Galing natin kanina, Marasigan!” bati niya ka Elmo. Kasalukuyan nitong hinuhubad ang suot nitong coat na basang basa na ng pawis.

“Thanks! Nakakapagod but I had fun!”

“Halata nga. Ang dami niyong pinakilig.”

“Kasama ka ba roon?” tanong nito.

Natawa siya. “Aba’y syempre. Di na tinatanong iyan.”

“Parang hindi naman.”

“Akala mo lang iyon!” inabutan niya ito ng towel. Kinuha naman nito iyon at nagpunas ng pawis. “Mag-bihis ka na nga. Pawis na pawis ka, e.” sabi niya habang kinukuha niya ang spare shirt nito. Paglingon niya ay nakita niya itong nagtatanggal ng damit. Napatalikod siya bigla.

“Hoy! Anong ginagawa mo?” tanong niya.

“Ha? Ang sabi mo mag-bihis ako e di iyon ang ginagawa ko.” naramadaman niyang lumapit ito sa kanya. Pumikit siya nang mariin. Pinipigil ang temptasyong tumingin dito.

“Ang sabi ko, magpalit ka ng damit hindi ko sinabing maghubad ka sa harap ko!”

Natawa ito. “Bakit? Ayaw mo bang makita kung gaano kakisig ang boyfriend mo?”

“Tse! ‘Wag mong demonyohin ang utak ko. Magbihis ka na.” iniabot niya rito ang damit nito habang nakapikit pa rin.

He grabbed the t-shirt pero kasama ang kamay niya. Inilapat nito iyon sa dibdib nito and she can feel the beat of his heart. Pero ang hinayupak, pinagti-tripan siya!

“Isa, Marasigan!”

Tumawa ito at saka binitawan ang kamay niya. “Why don’t you open your eyes, Angeles?”

“Are you done putting your shirt on?”

“Yes.” Iminulat niya ang kanyang mata at dahan-dahang lumingon dito. Pag-harap niya ay bumungad ang mukha nito sa kanya with his shirt on, though. Napaka-lapit ng mukha nito sa kanya. And there it goes her heart again with its erratic beating. Napaatras siya ngunit nawalan siya ng balanse dahil naatrasan niya ang bag ng isang staff sa sahig. Mabuti na lang at naging maagap si Elmo kaya naalalayan agad siya nito.

“Napaka-clumsy mo talaga.”

“At ikaw kaya ang may kasalanan.” Sisi niya. Tuwing kasing nilalapit nito ang mukha nito sa kanya ay bigla siyang natataranta dahil sa kaba.

They just stayed that way and looked in each other’s eyes nang biglang may tumikhim sa may pintuan.

“Nagre-rehearse ba kayo para sa spot niyo?” si Alden.

“Hanga talaga ko sa mga da-moves mo, Elmo!” at ng iba pang keso boys.

“Lol.” Sabi lang nito before pulling away from her. She can feel her cheeks were red. Malakas kasing manukso ang mga lalaking ito kasama na ang iba pang artist na ka-trabaho nila.

Siguro kung hindi agad sila dumating ay baka kung saan na napunta ang tagpong iyon kanina. Kita sa mga mata ni Elmo kanina ang kagustuhan nitong halikan siya pero syempre hindi sila PDA na dalawa kahit open book sa mga kasamahan nila ang relasyon nila.

Love for RealWhere stories live. Discover now