NAPADPAD si Elmo sa isang bar di-kalayuan sa condo niya. Kailangan niyang pag-isipan ang mga bagay-bagay at pawiin ang sakit sa puso niya.
Bakit kailangan pa ni Julie na mas piliing alisin ang tanging pagkakataon niya para mailabas ang kanyang tunay na nararamdaman na hindi nabubunyag ang tunay nilang estado. What may seem reel for others is real for the both of them. Oo nga at love team sila at kailagan nilang maging sweet on cam but that doesn’t mean na lahat ng ginagawa nila ay base lang sa script na bigay ng director.
God knows how much he wants to let the world know that Julie is his girl. Kaya nga minsan ay naiinis na siya sa pagdi-disguise nila kapag magkasama sila. Nahihirapan na rin kasi siya sa sitwasyon nilang dalawa pero hindi nila maamin sa publiko ang tunay na relasyon nila dahil baka lalong magkagulo. Oo nga’t gusto ng iba na magkatuluyan silang dalawa ni Julie pero may ilan pa rin na may ayaw sa kanya dahil sa naging pagkaka-link niya sa iba noon.
Mahal niya si Julie at hindi niya kayang mawalay dito. That’s for sure. Pero nais niya rin namang i-pursue ang mga pangarap niya. Now, he needs to sort things out and think.
He went inside. He was wearing a bullcap and an eye glasses, a disguise that Julie’s favourite. Para daw kasi siyang nag-iba ng pagkatao kapag nakasuot siya ng salamin sa mata. And she really loves that look of him.
“Ui, Elmo.” May babaeng tumabi sa kanya sa bar counter. Oh my! Nakilala siya nito! Ang gusto sana niya ay mapag-isa muna. Hindi na sana niya papansinin ito upang akalain nito na mali ito ng hinila, ang kaso…
“Naku!” lumapit ito sa kanya ng bahagya at saka mahinang sinabi, “alam ko naman na ikaw iyan, Elmo Marasigan. Pero don’t worry, di ko naman sasabihin sa iba na nandito ko. Sikreto lang ito, pramis!” he looked at the girl and gave her a ‘who are you?’ look.
“Cindya nga pala. Certified fan ng EMJA.”
“Oh, I see.” Tatango-tango niyang sabi.
“Umaano ka rito? Mukhang problemado ka. Nag-away ba kayo ni Julie?” again, another questioning look from him. “Alam mo kasi, alam ko na kayo na ni Julie. Sinabi sa akin ng boss ko. Ang galing nga ng deductions niya, eh! Tsaka nakita ko kayo sa isang subdivision na pinuntahan namin minsan. Sabay kayong bumaba sa kotse tapos ang sweet-sweet niyo pa. Kinuhanan ko pa kayo ng picture that time, eh pero di ko naman pinagkalat. Kaya nga, lalong tumibay ang paniniwala ko na you’re together forever and not just for one summer.” Paliwanag nito at nangiti na lang siya.
“At kaya hindi rin ako naniniwala sa mga issues na ibinabato sa inyo lalo na sa iyo.” Dagdag pa nito at saka bumuntong hininga at nangalumbaba. “Pero alam mo, Elmo. Minsan naisip ko, parang mas mabuti na sigurong mabuwag ang love team niyo basta’t huwag lang ang relasyon niyo sa likod ng camera.”
“Bakit naman? Akala ko ba fan ka ng EMJA?”
“Oo nga pero kasi lagi ka na lang binabash ng ibang mga fans ng love team niyo. Konting kibot galit agad sila sa iyo. Ano kaya iyon? Kung talagang fan sila, di dapat sila ganoon. Kung minsan nga gusto ko nang ipagsigawan na kayo na talaga para matigil na sila pero naisip ko may dahilan kayo kaya hindi niyo pa sinasabi ang totoong estado ng relasyon niyo.”
“Anyways, mas maganda rin siguro iyon para makilala kayo bilang kung sino talaga kayo at hindi bilang ka-love team ni Julie at ka-love team ni Elmo lang. At para maisampal na rin sa mga haters niyo na may maibubuga kayo di ba?”
Natigilan siya. It was the same as Julie’s words. “Nga pala, pa-autograph naman, please?” may iniabot itong maliit na notebook at isang ballpen. He smiled and signed an autograph.
“Salamat!” she said happily. “Huling hirit na pare, sabi ng self- proclaimed alagad ng pag-ibig na baliw kong kaibigan, halata naman sa inyo na tunay kayong nagmamahalan. Kaya’y kahit hindi niyo sabihin ay nababasa diyan sa inyong mga mata ang tunay niyong nararamdaman sa isa’t isa dahil sa paraan ng inyong tinginan. Kung ano man ang pinag-awayan niyo ay ayusin niyo na agad-agad. Huwag niyong hayaan na maging hadlang iyan sa relasyon niyo.”
“O sige, hahanapin ko pa boss ko, eh. Bye and nice meeting you, sa wakas!” at saka ito umalis.
The girl had a point.
DUMIRETSO si Elmo sa bahay ng kanyang ina matapos ang conversation niya sa babae kanina na halos ito lang ang nag-salita.
“Hi, mom!” bati niya sa ina nang pagbuksan siya nito ng pinto.
“Elmo! I heard from Maxx about what happen to you and Julie.”
“Yeah. We had an argument.” Sabay upo sa sofa.
“You okay?”
“Actually, no.”
“It’s alright, son. Julie did what she think was best for the both of you. Tama naman siya. Your fans already crossed the line. Kung di ka nasasaktan sa mga sinasabi nila puwes kaming mga nagmamahal sa iyo ang labis na nasasaktan. They must respect you. That’s why you can’t blame Julie.”
“I know, mom. Now, I understand what Julie wants to point out.”
“So what’s your plan now?”
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago sumagot, “I’ll take it.”
Julie was right. Gusto niya talagang i-take ang course na iyon. Maganda kasi ang ino-offer nilang kurso ng photography at maraming matutunan kaya nga lang ay nag-alangan siya dahil ayaw niyang iwanan si Julie rito sa Pilipinas.
Natatakot siya na baka pagbalik niya ay wala na si Julie sa kanya. “Tell me Mom that after six months Julie will still be mine.”
“Remember the line from your movie? Kung tunay iyan,” she pointed out his heart. “makakapag-hintay iyan.”
He smiled and hugged his mom. “Thank you Mom, for always being there for me.”
Mabuti na lamang at nandiyan ang kanyang ina. Gumaan na rin ang loob niya. And thanks to that fan girl in the bar. Malaki ang naitulong nito para maliwanagan ang isip niya. Maybe God uses that woman for him to understand everything about their situation. Sana ma-meet niya ulit ang babaeng iyon at maipakilala kay Julie.
“Kailan mo gustong ipa-schedule ang flight mo?” tanong ng kanyang ina.
“Sunday, after the show.”
“Okay but talk to her first, please? Alam kong nasasaktan din siya.”
“I will. By the way, can I sleep here?”
“Of course you can!” his mom said happily.