Chapter 8 :)

488 9 0
                                    

Chapter 8

“DID you talk already?” tanong ni Ate Maxx kay Julie sa dressing room.

        Umiling siya. “Not yet.”

Paano ba sila makakapag-usap samantalang hindi pa sila nagkikitang dalawa. Hindi rin ito pumunta sa rehearsal nila samantalang may solo spot sila ngayong Linggo. Sa kabilang dressing room rin ito nag-lalagi ngayon, halatang umiiwas ito sa kanya. At naiinis na siya rito kasi miss na miss na niya ito.

She sighed. “I don’t know what to do, Ate.”

“Relax ka lang, Julie.” Sabay akbay sa kanya. “Humahanap lang siguro iyon ng pagkakataon. Hindi naman iyon aalis ng hindi ka man lang nakaka-usap at makapag-paalam sa iyo.”

“Aalis?” takang tanong niya rito.

“Yes. He already take it and flight niya na mamaya.”

“Ha?” gusto pa sana niyang magtanong tungkol sa pag-alis ni Elmo kaya nga lang ay tinawag na siya ng isang production staff.

“Julie, spot na ng EMJA.” She sighed and stood up.

“Good luck!” sabi ni Ate Maxx and she just smiled as an answer.

She then went to the stage. Ano kayang mangyayari sa spot nila samantalang hindi sila nakapag-rehearse na magkasama?

“I SHOULDN’T have walked away. I would’ve stayed if you say. We could have made everything okay…” she started singing. Pero ang bigat bigat ng loob niya. Kinakabahan rin siya sa kung anong mangyayari. Nakikisama pa ang kanta!

“I’m on the edge trying to survive as the angel’s cry…” she finished her part. Now it was Elmo’s turn. He emerged from the dark  and started singing the second verse.  Upon seeing Elmo, parang gusto niyang maiyak. Na-miss niya kasi ito ng sobra. At masakit para sa kanya na isiping ayaw siya nitong pansinin.

Their song is a Mariah Carey and Ne-yo’s song. Nasa kabilang side ng stage si Elmo. Medyo alangan para rito ang kanta dahil mataas ang nota niyon. Pero napahanga siya nito at sigurado siyang pati ang mga manunuod ng buong puso nitong kumanta at hindi rin ito pumiyok. His song was full of emotions. She’s proud of him.

Lumapit ito sa kanya. His gaze was on her. Pero hindi siya makatingin ng diretso rito. She still managed to sing the high note, though. Kahit kumakabog na ang dibdib niya at nagbabadya na ang kanyang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata.

Sa wakas ay nagawa niya na ring tumingin dito. She misses him so much. He smiled and offer her a hug. Yumakap siya rito ng mahigpit. He was rubbing her back to comfort her because she was so emotional.

Maka-ilang sandali ay kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Magka-hugpong ang kanilang mga kamay habang papunta sa back stage.

Pagdating sa dressing room, “Aalis ka na daw?” tanong agad ni Julie.

“Yes.”

“Mag-iingat ka roon.” Paalala niya.

Malungkot man siya sa pag-alis nito ay wala naman siyang magagawa dahil ginusto rin naman niya ito at ikakabubuti iyon ni Elmo.

“I will but before ako umalis I want to know something, “ he paused for a while, “Julie, mahihintay mo ba ko?” tanong nito.

        “Hihintayin kita, Elmo.” They are looking in each other’s eye. “Pangako iyan, pero ipangako mo rin sa akin na babalik ka at babalikan mo ko.” sabi niya.

He cupped her face with his hands and she hold on to his wrist at tuluyan nang pumatak ang mga luha niya.

“I promise to come back. Babalikan kita, Angeles.” Sabi nito habang pinapahid nito ang kanyang luha.

“Six months, Elmo. Sandaling panahon lang iyon. Kapag hindi mo tinupad ang pangako mo, lagot ka sa akin!” banta niya.

Natawa ito. “Take care of yourself while I’m not here. Happy thoughts lang lagi, Julie.” She moved closer and hugged him.

“Mami-miss kita, Marasigan.” At lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya rito. May tiwala siya kay Elmo. Alam niyang tutuparin nito ang pangako nito. Babalik siya at babalikan siya nito.

“WE”RE planning on pairing you with Alden, Julie. He will be your new love team.” Panimula ng presidente ng artist center na kinabibilangan niya.

        Nagpatawag kasi ito ng meeting ngayon. It has been three days simula ng umalis si Elmo ng bansa. Nalaman na rin ng publiko ang tungkol doon. Marami ang nagulat at nalungkot sa balita lalo na ang mga solid EMJA fans.

        At ngayon nga, sa pagkawala ng love team niya ay binabalak na naman siyang i-pareha sa iba. Since tinangkilik na rin ng iba ang tambalan nila ni Alden ng minsan silang mag-sama sa isang show ay mukhang ito ang itatambal sa kanya.

        “Sorry po, Ms, Suzette but I want to go solo.” Magalang na pag-tanggi niya. “Ayoko na po munang ma-engage sa ibang love team. Since I started as a solo artist why not continue it na lang po, di ba? Isa pa po, isa lang ang ka-love team ko. Si Elmo lang po.”

        “Pero, Julie…”

      “My decision is final. Sana po maintidihan niyo. Siguro naman po tatangkilikin pa rin ako ng mga tao without a love team.”

        Bumuntong hininga ito. “Okay, if that’s what you want. But having a love team will boost more your career.”

        She smiled. “Ayos lang naman po kahit slowly but surely, di ba?”

        “Yeah right. I guessed pag-usapan na lang natin ang ibang upcoming projects and endorsements mo. Iba na lang siguro ang iti-team up namin. Pero so far, EMJA ang naging best seller love team ng network natin.

        “Thank you po.” And she gave her a big hug.

Love for RealWhere stories live. Discover now