Chapter 6
“LAGOT ako nito kay Elmo.” Bulong ni Alden kay Julie in a sweet manner. They are having their production number. Natawa siya sa sinabi nito dahilan para ma-off key ang pagtugtog niya sa piano. Mabuti na lang at di halata masyado.
Wala si Elmo ngayon, may event na pinuntahan and their director decided to give them a spot since may mga fans na nagre-request. Sigurado siyang maghihinakit ang mga EMJA fans pero trabaho lang, walang personalan. Utos lang ng director.
When they finished their spot ay dumiretso na sila sa dressing room.
“Hala ka,Alden! Lagot ka niyan kay Elmo boy!” Tukso ng mga kasama nito sa keso boys. Ngiti lang ang sinagot nito.
Naipag-paalam naman ni Elmo ang ginawa nila kaya wala namang problema.
“Sigurado kong nasaktan ang mga fans niyo ni Elmo.”
“Ate Jen!” tumabi ito sa kanya. Isa ito sa mga ka-close niya sa show. “Oo nga po, eh.” Sabay tawa. “Marami na naman pong galit niyan.”
“Ewan ko ba diyan sa director natin at naisipang mag-mix and match!” natawa na lang siya. Self-proclaimed EMJA fan din kasi ito.
“Relax lang ate. Huwag masyadong high blood.”
“Ang swerte ni Elmo sa iyo, sa totoo lang.”
“At swerte rin po ako sa kanya. Sa totoo lang din po.” and smiled.
AFTER the show, dumiretso si Julie sa condo ni Elmo. Hindi kasi ito tumawag sa kanya kung nakauwi na ba ito. Tinatawagan niya naman ito ang kaso hindi ito sumasagot kaya sasadyain niya na lang ito.
But to her surprise ay wala pa ito roon so she decided to wait for him. She sat down on the couch and saw a paper on top of the table.
“Application form to Oxford?” basa niya.
It is an application form to one of the universities in Oxford offering short courses on photography and film but it’s not filled up yet.
Magandang opportunity iyon para kay Elmo lalo na’t may passion ito sa photography like his father. She’ll just ask about it later.
She opened his laptop and surf the net only to be greeted by negative views and comments of their fans about the solo spot of her and Alden and a spottecd picture of Elmo and Lauren? So, magkasama pala sila sa iisang event. Kaya pala aligaga na naman ang mga fans nila. Si Lauren ang na-link noon kay Elmo at napabalitang girlfriend nito. Ito iyong mga panahon na hindi pa sila ni Elmo. Pero wala namang katotohonan iyon dahil ng mga panahon na iyon ay nanliligaw si Elmo sa kanya. Maka-ilang beses na ring itinanggi ang tungkol doon kaya nga lang kapag may picture ang dalawa na magkasama ay aligaga na agad ang mga fans nila. They always jump in to conclusions. Hindi naman kasi maiiwasan na magkasama ang dalawa dahil malapit ang pamilya ni Lauren sa pamilya nila Elmo. And she and Lauren were friends. Kaya wala silang dapat ipangamba.
She reads the blogs about them and it makes her eyebrow lift. She can’t believe they are blaming Elmo again about it. Hindi daw kasi ito umattend sa rehearsal at wala pa ito sa show kaya iba ang nakasama niya sa spot tapos may spotted picture pa. Pero scheduled ang event na iyon at talagang hindi a-attend si Elmo sa show nila. Hindi nga lang nasabi nito na magkasama sila ni Lauren.
Ang hindi niya lang matanggap ay kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi nila patungkol sa binata. Wala naman silang alam sa kung ano ang totoo sa kanila ni Elmo pero kung makapag-salita sila ay parang bente-kwatro oras ay namo-monitor nila ang buhay niya at ni Elmo.
Naa-appreciate niya ang mga fans nila pero minsan nakakapagod na rin at nakakainis. Pati kasi mga inosenteng tao nadadamay at pati si Elmo na wala naman talagang kasalanan ay naba-bash.
Then one blogger caught her attention. Ipinagtatanggol nito si Elmo sa lahat ng bashers nito. It says there na wala naman itong kasalanan at hindi dapat ito tratuhin ng mga fans in a harsh way. She can only agree to that but an insight of the blog struck her and made her realize something.
“I DON’T understand, Julie. Sinabi ko naman sa iyo di ba? Wala akong pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao. You know the truth! We all know the truth!
“Hindi mo naman naiintindihan, Elmo eh! Ang gusto ko ako ang maging dahilan para matupad mo iyong mga pangarap mo not the other way around. Gusto ko maabot natin lahat ng mga pangarap natin at ang isa’t isa ang maging inspirasyon nating dalawa. Pero sa sitwasyon natin ito, Elmo malabong mangyari iyon.”
Elmo confronts Julie immediately when he heard that she agreed to the disbandment of their love team. Ginawa daw nito iyon para tigilan na ng mga tao ang pangba-bash sa kanya. But the hell he care! People don’t know any thing about him!
“Ito!” may ipinakita itong papel sa kanya. “Ang sabi sa akin ni Ate Maxx tinanggihan mong kunin ang course sa photography na ino-offer nila rito dahil sa akin. Bakit ha, Elmo?”
“Dahil ayaw kong mawalay sa iyo. Dahil natatakot ako sa mga pwedeng mangyari kapag nawala ka sa tabi ko.”
“Kaya tatalikuran mo na lang ang isang magandang opportunity na ito? Hindi tama iyon! Ayoko ring malayo sa iyo pero kakayanin ko kasi mahal kita at may tiwala ako sa iyo.” Mangiyak-ngiyak na paliwanag nito.
“Pero mas mahalaga ka sa akin.” Mahinang sambit niya then he bowed his head. “You really want to end this?” he asked in a husky voice. He can’t argue with her. Tama naman ito. If this what she really wants he’ll give it to her kahit mahirap, kahit masakit.
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. “No. Ang gusto ko lang naman ay makilala ka bilang si Elmo Marasigan. Ang gusto ko maipakita mong may karapatan ka rito sa industriyang ginagalawan natin. Gusto ko mag-grow tayo as an individual and to be known because of our own talent at hindi bilang ka-love team ni Elmo at ka-love team ni Julie lang.
“By doing this?” tanong niya at marahang tango lang ang sagot nito.
“I don’t think so.” then he left her.
NAIWAN si Julie na umiiyak. She just did what she think was right. Hindi ba nito maintindihan iyon?
“Elmo?” may narining siyang pumasok sa condo nito.
“Ate Maxx?” tawag niya at agad pinahid ang luha sa kanyang mata.
“Hey, Julie! Where’s Elmo?”
“Ahmp… he just… he just went outside.” Her voice was still trembling.
“You’re crying? Why? May problema ba?” tanong nito. She’s planning off lying pero mukhang nahulaan nito ang plano niya.
“Spill it out, Julie. Don’t try hiding it to me. Come on.”
At iyon nga ang ginawa niya. ikinuwento niya ang nangyari sa kanila ni Elmo kanina.
“Well, you could’nt blame him. We all know how much he loves you. You, being his love team and perfroming with you are just his chances to let his feelings shown in public since hindi niyo naman kino-confirm sa mga tao ang relasyon niyong dalawa. But I understand you. Lahat kami, including Mom ay kino-convince siya to pursue that course but he always refuses.”
Mataman lang siyang nakinig rito. Wala naman siyang masamang intensyon sa naging desisyon niya eh.
“You know what? Just talk to him kapag malamig na ulo niya. Sa ngayon kasi sarado pa utak ‘non. Hindi ka naman niya matitiis kasi mahal na mahal ka niya eh.”
She forced a smile but fear is building up inside her heart. Mahal na mahal niya rin si Elmo at sana hindi pa mahuli ang lahat sa kanila. Sana maintindihan siya nito.