Chapter 5 :)

531 10 0
                                    

Chapter 5

“MARASIGAN, gising ka na.” naroon si Julie sa kwarto ni Elmo. Alas-siyete pa lang ng umaga pero sinadya na niya ito sa condo nito. Alam naman kasi niya ang lock code nito.

       Gusto niya itong yayaing mamasyal, mag-gala, mag-liwaliw. Wala kasi siyang trabaho ngayon. Totally a free day for her and she wants to spend it with Elmo. Wala naman din itong commitment sa trabaho ngayong araw kaya ayos lang. Kaya nga lang, tulog pa rin ito hanggang ngayon.

        “Marasigan, gumising ka na! May pupuntahan pa tayo.” Niyuyugyog na niya ito ng malakas pero wala pa ring epekto. Mahimbing talaga ang tulog nito.

        “Elmo Marasigan!!!” tili niya. The next thing happen is that Elmo suddenly grabbed her hand and pulled her on top of him. He rolled over so that he was atop. She was caught off guard.

        “Good morning, Angeles. Ang aga-aga ang ingay mo.” He then kissed the tip of her nose. Even with his hair tousled he’s still handsome. Kahit na bagong gising ito ay walang bumawas sa ka-gwapuhan nito.

        “Hey, Ja! Matunaw ako, ah.” And then she snapped back to reality. Elmo’s face is so mesmerizing.

        “Get off me, Marasigan. Ang bigat mo!” reklamo niya. Itinulak niya ito sa dibdib para makakawala siya rito at bumangon naman ito sa kama.

        “Ano bang meron at maaga kang nambulag sa condo ko? Missed mo na ko?” tanong nito.

        Bumangon na rin siya at inayos ang nagulong buhok. “Missed? Oo este hindi pala!”

        Natawa si Elmo, “Ikaw talaga, Angeles!” then he pinched her cheeks gently.

        “Aray ko naman, Moe!” pero hindi naman talaga masakit, “Ang mabuti pa, maligo ka na at magbihis ng maka-alis na tayo.”

        “Eh, saan ba tayo pupunta?”

        “Gagala.”

        “Seryoso?” tanong nito.

        “Oo naman. Kaya bilis-bilisan mo nang kumilos.”

        “Talaga lang ha?” sabi nito at dumiretso na sa banyo.

        Para bang hindi ito makapaniwalang nag-aya siyang gumala. Well, hindi naman nakapagtataka iyon dahil madalas ay si Elmo ang nage-effort pagdating sa ganoong bagay.

        “Lets go?” tanong niya nang matapos na itong makapag-ayos ng sarili.

        “Tara!”

        “Ay, teka.” Pigil niya kay Elmo. Kinuha niya sa kanyang bag ang dala-dala niyang eye glasses na wala namang grado. Pang-porma lang. isinuot niya ang isa sa binata.

        “Para saan, ‘to?”

        “Disguise.” Simpleng sagot niya bago niya isinuot ang eye glasses niya,

        Bumuntong- hininga ito. Hate kasi nito ang pagdi-disguise disguise na ganito. Pero kung lalabas sila at makikilala ng mga tao hindi na sila makakapag-enjoy ng husto. She wants to be just an ordinary girl having a date with her ordinary boyfriend today. Walang mga fans na magpapa-picture at magpapa-autograph. Simpleng Marasigan at Angeles lang. Iiwan muna nila ang celebrity na si Julie at Elmo.

        “Okay lang iyan. Cute ka naman eh.” Sabay kurot sa pisngi nito. “Bagay naman sa iyo.” Kapag kasi naka-salamin ito ay hindi mo makikilala ito bilang si Elmo. Nerd looking pero cute pa rin!

Love for RealWhere stories live. Discover now