Chapter 9 :)

506 8 0
                                    

Chapter 9

“JULIE!” humahangos na pumasok sa dressing room niya ang kanyang handler.

            “Oh, Ms. Rose, bakit po?”

            “Nakausap ko ang mga bosses ng recording company mo. Ang sabi nila ay ipo-produce na daw nila ang concert mo!” tuwang-tuwa nitong sabi.

            “Talaga po?” di maka-paniwalang tanong niya.

            “Oo. Two months from now gaganapin pero pag-uusapan pa kung kailan ang exact date but you will start rehearsing na a month before.

            “Wow! Thank you, Ms. Rose.”

            “You deserved it, Julie.” At yumakap siya rito. Finally, ang kanyang much awaited major concert ay maisasakatuparan na. Bilang isang singer ito ang matagal niya ng pinapangarap.

            Mas masaya sana kung narito ngayon si Elmo. Apat na buwan na rin na wala ito. Sigurado siyang matutuwa rin ito sa blessing na dumating sa kanya.

“JULIE, how’s your preparation for your concert?”

            “Okay naman po. Maayos na lahat. Konting linis na lang po and ready na for my big day.” She answered then gives them her sweetest smile.

            Press conference ni Julie ngayon para sa kanyang nalalapit na concert. Maraming press members ang pumunta at nagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa concert. Mula sa mga songs na kakantahin niya at sa mga magiging guest na dadalo. Mostly naman sa mga kakantahin niya ay mula sa album niya pero may mga ilan ding foreign and local songs na kasama.

            “Nabalitaan namin na ang surprise guest mo raw ay isang napaka-halagang tao sa iyo. “ tanong ng isang member ng press na nagsusulat sa isang sikat na tabloid.

            “Po? Hindi ko po alam. Actually, wala po akong ideya kung sino iyong surprise guest ko na iyon.” sagot niya. Ayaw rin naman kasing sabihin sa kanya kung sino iyong surprise guest niyang iyon.

            “Is there a possibility na si Elmo iyon?” tanong nito muli.

            Well, sana nga. “Hindi ko po alam, e. Pasensiya na po pero hindi ko masasagot iyang tanong na iyan.” and give them a apologetic smile.

            Wala naman kasing sinasabi sa kanya ang pamilya ni Elmo kung kailan ba ito uuwi o kung makakauwi ba ito bago ang concert niya dahil kung siya ang tatanungin, gusto niya sanang maging guest ito sa first major concert niya.

            After the press con ay dumiretso naman siya sa rehearsal niya. Nakakapagod pero masaya naman siya dahil gusto niya ang ginagawa niya.

“ATE Maxx, wala ba talagang balak si Elmo na tawagan o i-text man lang ako?”

            “Hay naku, Julie! Huwag kang masyadong mag-worry diyan. Good boy naman si Elmo roon, e.”

            Paano siyang hindi magwo-worry? Hindi naman ito nagpaparamdam sa kanya. Nagpalit din ito ng cell phone number kaya hindi niya matawagan. Kung gaano na ito katagal nawala ay ganoon na rin katagal na wala silang komunikasyon. Anim na buwan na siyang walang balita rito. Hindi na rin ito active sa mga social networking sites nito.

            Mababaliw na siya sa kakaisip kung ano na bang kalagayan nito roon at kung anong pinag-gagawa nito roon. Ayaw rin naman kasing ibigay ng pamilya nito ang bagong number ni Elmo.

            “Pero kasi Ate Maxx…”

            “Julie, just trust him, okay? May dahilan kung bakit niya ginagawa ito. Trust is just what he need.” Wala na siyang nasabi pa at marahan na lang siyang tumango. “Good. Now, focus your attention to your upcoming concert. One week na lang at big day mo na!”

            Oo nga pala! Isang linggo na lang at concert niya na. Rehearsal niya ngayon at binisita siya ni Maxene. Nangako ang buong pamilyang Marasigan na pupunta sila sa concert niya. Sold out na ang mga tickets pero di na siya umaasa na isa sa mga magiging audience niya ay si Elmo.

            “Okay, people!” tawag pansin ni Kuya Chi, ang kanyang director for her concert. “From the top tayo!” tapos na ang break time kaya balik na sila sa pagre-rehearse.

Shana: last chapter plus epilogue, tapos na ito!thank you people! ^_^

Love for RealWhere stories live. Discover now