Chapter 10
NAGISING si Julie mula sa isang masamang panaginip. Isang panaginip na hindi niya gugustuhing magka-totoo.
“Nak, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng kanyang ina. Naroon sila sa kanilang sasakyan at tinatahak ang daan patungong concert venue. Ngayon na ang big day niya!
Umidlip muna siya saglit upang makapag-pahinga at makapag-ipon ng sapat na enerhiya para mamaya.
“Ma!” she hugged her mother. “Nanaginip ako.” Naiiyak niyang simula. “Si Elmo po…Si Elmo…hindi niya na ko mahal. Iniwan niya na ko…” kwento niya.
In her dream, Elmo confessed that he don’t love her anymore. Sinubukan niyang pigilan ito sa pag-alis nito ngunit tinabig lang nito ang kanyang kamay. Naiwan siyang luhaan sa isang tabi.
“Anak, panaginip lang iyon.” sabi ng kanyang ina habang hinahagod nito ang likuran niya.
“Pero paano po kung…paano po kung pinagpalit niya na nga ko? Paano kung… hindi na niya talaga ko mahal? Paano kung hindi na niya ko babalikan kaya hindi na siya napaparamdam sa akin? Paano kung—”
“Paano kung hindi?” putol sa kanya ng kanyang ina. Natigilan siya at pinunasan ang luhang nakakawala mula sa kanyang mata.
“Huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano-anong negatibong bagay, anak. Ibuhos mo muna lahat ng atensyon mo sa concert mo. Ilang oras na lang at magsi-simula na iyon. Alam kong babalikan ka ni Elmo at mahal ka niya kaya hindi niya magagawang ipagpalit ka sa iba. Nasisiguro ko iyon, okay?”
Marahan siyang tumango. Tama ang kanyang ina. Hindi gagawin ni Elmo ang ipag-palit siya sa iba. Nagti-tiwala siya rito. At iyon ang mahalaga. Mahal siya ni Elmo at mahal niya ito. Tapos!
MAHIGIT kalahating oras na lang ang hinihintay bago opisyal na simulan ang concert. Katatapos lang ayusan si Julie. Kinakabahan siya at the same time excited din. Paroo’t parito siya sa dressing room at hindi mapakali. Paulit-ulit niyang nire-rehearse ang mga kakantahin niya nang biglang tumunog ang cell phone niya.
“Break a leg, Angeles!” bungad ng nasa kabilang linya pagkasagot niya.
“Marasigan?” di-makapaniwalang tanong niya.
Natawa ito. “Kamusta? Long time no call.”
“Kamusta?!? Bwiset ka Elmo! Alam mo bang mabaliw-baliw na ko rito sa kakaisip sa iyo? Ni hindi ka man lang tumawag at nag-text!” litanya niya. Nangingilid na ang kanyang luha. Peste! Masisira ang make-up niya!
“Miss na kita.” She whispers.
“Sa ngayon miss pa lang kita, pero mamaya misis na kita.”
“Ha?” naguguluhang tanong nito.
“I love you, Angeles.” Iyon lang at busy tone na lang ang narinig niya.
“Aba’t talaga nga naman, Marasigan!” kausap niya sa cell phone na animo’y si Elmo iyon. “Humanda ka sa akin pagbalik mo!” at nanggi-gigil na inihagis niya sa sofa ang cellphone niya.
Somehow, nabawasan ang paga-alala niya rito dahil sa ginawa nitong pag-tawag sa kanya.
“Lets go, Julie,” tawag sa kanya ni Kuya Chi. “The show is about to start.”