A Midsummer Night's Sweetness (JeongCheol)

607 18 11
                                    

Natapos rin ako sa 'PROM' trend ko. Sa wakas, after 123456789...years. Hahaha. Panibagong simula ulit. Hindi na 'to konektado don.

Sure Seungcheol + Jeonghan na rin 'to. Wala ng third party.

Para sa nagpapabalik ng Jeongcheol. Ü [ayengzkie]

Just right for a hot summer night.

A Midsummer Night's Sweetness by San.E and Raina

✤ ✤ ✤

[Seungcheol]

Kanina pa ako paikot-ikot sa kama. Namura at nabato na rin ako ni Seokmin ng unan kasi ang gulo ko raw.

Like wtf. Hindi ko naman siya inaano!

Tae! Tinamaan ako ng hiya kanina. Si Jeonghan, si Jeonghan kasi. Argh. Simula nang dumating kami kaninang umaga dito sa resort, di ko pa siya nakakausap.

Putek kasi bat ako nahihiya?

Napapansin ko kapag napapatingin siya sakin, lalo na kanina nung nag-dinner kami. Hindi ko kaya, ako talaga ang napapaiwas ng tingin.

Ewan ko kung ano ba 'tong inaasta ko? Putek magkabarkada kami, pero para talaga akong tanga. Siguro...siguro hanggang ngayon hindi ko matanggap na may boyfriend siya at hindi niya talaga ako magugustuhan.

Pero gwapo naman ako di ba? Aish.

Tae! Tagal na nun, first year college? Sa moving on process ko ata may forever. Hayop.

Kung ano-ano naiisip ko, di ako mapakali. Pakiramdam ko mababaliw ako kapag di ko siya nakausap. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita tapos gaganito pa ako? Ang pabebe mo, Seungcheol. Pucha ka.

It'll be a forever burden kung di ko talaga siya kakausapin. Aminin mo na kasi, namiss mo yan Cheol!

Overnight lang 'to, wala ka nang chance sa susunod. Manigas ka! Aaaaargh! Jeonghaaaan!

Naramdaman kong may tumama na namang unan sa gilid ko. Masama ang mukha kong napatingin kay Seokmin.

"Huta! Lumabas ka kung ayaw mong magpatulog, hayop!" Kunot ang noo at nakapikit niya pang sabi sa akin.

Wala akong sinabi at medyo padabog na lang na lumabas sa shared room namin. Medyo lang. Alam ko naman kasing pagod yon. Kahit ako, alam ko pagod rin ako eh. Pero wala! Yung antok ko na-traffic. Ugh.

Andami kaya naming ginawang activity ngayong araw. Syempre since overnight lang 'to we should at least make the best out of it. At yang si Seokmin, lahat ata ng activity sinalihan. Most active award. Tsk.

First time nga namin 'tong magsama-sama ulit. Mabuti na nga lang at marami kami, had other options than being awkwardly stuck with Jeonghan.

Tangina ko kasi, bitter ko shit.

Pero gustong gusto ko talaga siyang makausap. Kaso lakas ng pride ko, tae.

Naglalakad ako sa pasilyo ng resort suot ang red shorts at white sando dala lang ang phone ko. Tutal hindi naman ako makatulog, magpapalipas muna ako sa labas.

Napapaisip pa rin ako, natigil lang ako sa paglalakad nang makita kong madadaanan ko na pala yung room niya. Napalunok ako bigla.

It's really been a long time since I last saw him, and this reunion was just another random chance to see him. Siya talaga ang dahilan kung bakit ako sumama. Kahit na hirap na hirap talaga akong gawin ang kausapin siya kanina. Hirap pala talaga kasi kapag kaharap mo na. Ugh. Hindi man ako sigurado nung umpisa kung makakasama siya, nagbakasakali pa rin ako.

SEVENTEEN: Boys Be BrOTPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon