Happy Birthday (Mingyu)

348 15 6
                                    

Hey hey. Mingyu's birthday shot. Woooo!

At dahil trip ko ang OTP moments, alam na. Meanie, ehem!

Pero wag lang mag-expect masyado ha? Bihira pa ako sa Meanie, pero dahil birthday niya naman, kaya sige. I'll do my best.

Iyong iyo si Wonwow ngayon Hot Choko. Happy birthday Buhnana! ü

Happy Birthday

✤ ✤ ✤

Neomu neomu joha!

Paulit-ulit yan sa isip ko. Nanaginip kasi ako. Hihihi. Makukuha ko daw lahat ng gusto ko ngayon. As in lahat. At ang huling linya ko sa panaginip bago ako gisingin ng hampas ni DK,

"Neomu neomu joha!"

Kaya nagulat rin mga ka-members ko kasi above normal daw yung pagka-hyper ko nung nagising ako. Sabi pa ni Woozi sakin, 'WAGAS!' bago ako nginisian.

Nae-excite ako para sa araw na 'to. Lamniyon? Yung pakiramdam na may magandang mangyayari ngayong araw.

"Mingyu tara!"

Binilisan ko na ang pagsisintas ng sapatos ko nang tawagin ako ni Jeonghan. Magjo-jogging kami. Kaming pito nga lang, si Jeonghan, si Dino, si Joshua, si Jun, si Minghao, tsaka si Vernon.

"Sakto talagang sayo ang V App ngayon." Napatingin ako sa natatawang si Jun.

"Syempre, sadya na yun! Haha." Sagot ko.

Hindi na kami masyadong lumayo, dito na lang kami gumawa ng ilang laps sa malawak na field. Yung pinuntahan namin nung nakaraan, nung nag-V App din kami, yung may mga Cherry Blossoms.

Naupo kami sa may damuhan nang pare-pareho na kaming mapagod.

"Gusto niyo tubig?" Tanong ni Jeonghan.

Sakto, uhaw na ako!

"May dala ako hyung!" Tuwang-tuwang sabi ni Dino habang taas taas pa yung tumbler niya.

Napakunot yung noo ko nang isa-isa na silang nagpakita ng tumbler nila. Ala? Ako lang walang dala?

"Mingyu?" Tawag sa akin ni Joshua.

Napakamot ako sa batok. "Haha. Nalimutan ko."

"Here!" Saka niya inabot sakin yung bitbit niyang bottled water.

"Sakin?" Oo, sa akin niya nga inabot, obvious naman. Pantanga yung tanong pero wala pa kasi 'tong bawas.

Ano yon, bumili siya? Para sa akin? At bakit naman?

"Yup!" Nakangiti siya habang nagpupunas ng pawis sa mukha.

"Kay Wonwoo-hyung galing!" Masayang sigaw ni Dino na pinupunasan naman ni Jeonghan ng bimpo ang likod.

Napangiti ako sa binanggit na pangalan sabay napatingin sa hawak kong bottled water. "Bakit?"

"Weh. Bat ka kinikilig?" Asar agad ni Minghao kaya sinamaan ko siya ng tingin.

SEVENTEEN: Boys Be BrOTPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon