Jeonghan + Jisoo + Seungcheol
Part 2. Last. Sagarin na 'to.
✤ ✤ ✤
[Jeonghan]
Monday na. Pero ang lakas pa rin ng hangover sakin nung last Friday. Yun yung pinakamahabang oras na nakasama ko si Jisoo. Kelan kaya ulit?
Mukhang tanga pero napangiti ako sa naisip, mabuti na lang maaga pa at wala pa masyadong tao sa classroom na pwedeng makakita sakin.
Kanina pa ako nakaabang sa pintuan, hindi ko alam pero nae-excite ako makita ulit si Jisoo. Wala lang, umaasa na baka may kakaibang mangyari ulit ngayong araw.
"Hoy."
Napalingon ako sa kumalabit sakin.
"Oh?"
"Sinong tinitingnan mo sa labas?"
Nagulat ako sa tanong niya. Lahat na lang talaga napapansin netong si Seungcheol.
"H-ha? Wala ah!"
"Spacing out?"
"Boring lang kasi?"
"Weh. Sinong iniisip mo?"
"HA!? 'Sino' agad? Hindi ba pwedeng 'ano' muna?" Sabay tawa ko sa kanya. Ang ewan lang kasi nung tanong.
"E di ANONG iniisip mo?"
"Haha. Wala nga. Lutang lang."
"Tsk. Okay."
Tapos naglakad na siya pabalik sa upuan niya, dun pa siya sa kabilang dulo nakaupo, ang layo ng dinadayo. Haha.
Hindi ba papasok si Jisoo? Five minutes na lang mag-start na yung klase pero wala pa siya. Anong nangyari dun?
AT HINDI NGA SIYA PUMASOK! Bakit nakakalungkot? Nagpapaka-eager na nga lang akong makinig sa lessons para di na kung ano-ano naiisip ko.
Lunch time. Parang last Friday lang kasabay ko siya kumain. :/
"Jeonghan, sama ka sa canteen."
"Bakit? May baon ako."
"Alam ko, dun nga tayo kumain. May table naman dun e."
"E tinatamad ako maglakad."
"Weh. Buhatin kita?"
Sabay tawa niya ng malakas. Kaya binato ko sa kanya yung notebook na nasa desk ko. Tsk. Baliw kasi.
"Dali na, dun tayo kumain. Andun sila Jihoon. Sabay-sabay tayo."
Hays. Tumayo na lang ako at kinuha yung baon ko, "Tara." Minsan lang, maiba naman.
Pagdating sa canteen, nakita ko agad yung kumpulan ng mga ka-org ko.
"Unnie!"
Tsaka ko sinamaan ng tingin si Seungkwan. Ang ingay talaga niya.
"Haha. Naka-order na kayo?" Tanong na lang ni Seungcheol sa kanila.
"Hansol's already in line." Sabay turo ni Jihoon sa mahabang pila.
"Bakit hindi niyo sinamahan?" Tanong ulit ni Seungcheol.
"Seungkwan insists na siya lang ang pumila." Sagot ni Jihoon.
"E PINAHIRAM NIYA KASI YUNG PINAHIRAM KONG BOLPEN SA KANYA DUN SA HIPON NAMING KAKLASE!"
Halos pasigaw niyang sagot kaya natawa ako sa kanya. Napatingin ako kay Hansol sa pila na tila litong lito na sa dami ng oorderin.
BINABASA MO ANG
SEVENTEEN: Boys Be BrOTP
CasualeYour playlist for Seventeen's random otp shots. Rak na dis. Tnry ko lang kasi trip ko. Just ship BOOCHWE, bes. Dabest! ©d-knhoe || October 2015