Syempre kapag ginawan mo ang JeongCheol kailangan mo nang tapatan agad ng JiHan. Hahaha.
Jisoo x Jeonghan
Para sayo na naghahanap kay Jeonghan na sasalba sa loneliness ni Joshua. [HorLuKim]
Orayt, leggo! Happiness much ang JiHan sa media. Hihi.
▶ I Miss You by MAMAMOO
✤ ✤ ✤
[Jeonghan]
"Third week." Agad kong sinamaan ng tingin si Minghao dahil sa walang kaemo-emosyong sinabi niya.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nakaupo sa kama to be specific. Dahil boring, hawak ko lang ang phone ko at kumukuha ng ilang selca. Meh. Si Minghao, eto nakakairitang nakatitig sa akin gamit yung boring niyang tingin. Nambubwisit. Hindi ko na nga lang pinapansin.
Since bakasyon, malamang walang pasok. Si Minghao, pinsan ko. Sila ang nagbakasyon dito sa amin. Palitan kasi yon every year, last year kami ang nagbakasyon sa bahay nila.
"Sino ba kasing nagsabi sayong bilangan mo ako?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Kasi ang sabi ko first week lang kami aattend.
"Kailan ka pa naging maka-Diyos, bruhilda?" Tinapunan ko ulit siya ng masamang tingin dahil sa tinawag niya sa akin.
"Tsk. Or let me say, naging maka-Jisoo?" Pahabol niya before a knowing smirk formed on his lips.
Agad ko siyang nabato ng throw pillow na nakapatong sa binti ko dahil na naman sa sinabi niya. Bakit? Kasi kinilig ako bigla! Asdffghhjkl!
"Landi mo po." Sarkastikong komento niya. Wow ha!
"Hiya ako sa nanghahampas kanina dahil gwapong gwapo sa nakatabi niya. Tsk! Landi mo po." Saka ko siya inirapan. Ngayon, ako naman ang hinampas niya.
Dahil sa ginawa niyang paghampas sa akin, nadanggil yung phone kong magic na naging tatlong piraso dahil nahulog sa sahig. Sa sobrang inis gumanti na rin ako ng hampas. Kinginerz ka Minghao! Kakabagsak lang neto kanina!
"Aaaaaaargh!" Paulit-ulit ko siyang hinahampas. Nung una naiinis pa ako, pero nung narinig kong tumatawa siya natawa na rin ako.
Ganito na talaga kami. Pag trip namin, magpipikunan kami. Hahaha.
"Tangina tama na, nahihilo na ako." Pagsuko niya kaya tumigil na rin ako agad.
Humiga siya sa kama ko at tumulala sa kisame. Dinampot ko naman muna yung phone ko.
"Kyot kaya nung kuya." Napatingin ako sa kanya, sa kisame pa rin ang tingin pero naka-pout na.
"Hmp, di ko naman masyado nakita. Baka pag tiningnan ko maabutan pa akong nakatingin, baka mag-feeling."
Humiga na ako sa tabi niya pagkatapos maibalik sa ayos yung phone ko at mailapag sa bedside table.
"Di niya na kailangan mag-feeling, alam niya na naman sigurong gwapo siya."
"Gagi, baka mag-feeling na may crush ako sa kanya. Asa pa siya. Jisoo lang sapat na!" Depensa ko.
"Sus. Di bagay ang anghel sa demonyo kaya sumuko ka na." Nasipa ko naman siya sa pagkakataong 'to. Siraulo talaga 'to! Walang suporta sa pinsan. Tsk.
"Grabe ka! Demonyo pa sayo yung lagay na yun?! Ang gwapo kaya ni Jisoo!" Nagtaka ako nang tingnan niya ako bigla na para bang di makapaniwala. Saka siya tumawa nang tumawa.
BINABASA MO ANG
SEVENTEEN: Boys Be BrOTP
De TodoYour playlist for Seventeen's random otp shots. Rak na dis. Tnry ko lang kasi trip ko. Just ship BOOCHWE, bes. Dabest! ©d-knhoe || October 2015