Kumbaga sa halo-halo, espesyal.
E DI WONWOW para sa entry na 'to. Ahe.
Palagi kasing may special role si Wonwoo sa buhay ng mga labtims na nauna. Kaya naisip ko 'to.
Yung side niya. Yung totoo niyang nararamdaman. Awe. </3
▶ Beautiful Liar by VIXX LR (Sa kanta pa lang, mukhang may clue na tayo)
✤ ✤ ✤
[Wonwoo]
Bata pa lang ako lapitin na ako ng mga babae, tipo raw kasi ng karamihan sa kanila yung silent type tsaka mysterious. Sabi nila, ganun daw ako.
Ang gwapo ko raw. Gwapo gwapo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pero dahil napakahambog ng panimula ng kwento, malamang na nagkakamali tayo. Hindi iyan ang kwento ko.
Simula kinder alam ko na pakiramdam ng salitang rejection.
Yung pakiramdam na hindi kasali yung drawing ko sa pinakamaganda. Yung pakiramdam na hindi tinanggap ng kaklase ko yung kendi'ng binigay ko kasi masakit daw ang ngipin niya. Yung pakiramdam na ayaw ng iba na isali ako sa laro nila. At yung pakiramdam na hindi pansinin ng teacher ang pagtaas ng kamay ko nung naiihi na ako.
Lahat ng yan, may pitik sa puso ko.
Pero higit sa pitik na yan ang naramdaman ko nung naging magkaibigan kami ni Mingyu.
Parang tinatambol yung puso ko sa tuwing magkalaro kami. Natural noon, binabalewala ko lang lahat ng nararamdaman ko. Bago sa pakiramdaman oo, basta ang alam ko magkaibigan kami.
Nung tumuntong kami ng third grade, doon nagsimula ang pagkalito ko. Lalo na nang nasali sa pagkakaibigan naming dalawa si Jihoon.
At para mapaikli ang kwento, noon nagsimula akong magselos.
Natakot ako na mabawasan o tuluyan nang mawala ang atensyon niya sa akin. Pero sa paglipas ng panahon, napatunayan ko rin naman na hindi naman pala ganoon kalaking threat si Jihoon.
Kasi solid lang talaga. Magkaibigan.
Simula rin kinder nang maging magkaibigan kami, para sa kanya na lahat ng ginagawa ko. Para matulungan siya, para mapasaya siya.
Kasi higit sa kasiyahan ko ang kasiyahan niya.
First year ng Junior High, kaming tatlo pa rin ang magkakasama. At kasabay ng paglalim ng pagkakaibigan namin ay ang patuloy din na paglalim ng nararamdaman ko para sa kanya.
Naiinis ako, hindi ko mapigilan.
Matagal na panahon kong sinubukang balewalain sa pag-asang mawawala rin naman 'tong nararamdaman ko. Pero hindi e, eto na yun.
First day of class, sabay kaming pumasok ni Mingyu. Excited na excited nga e, pero ako, tulad ng palaging kong pinapakita, balewala.
Hindi na rin ako nagugulat sa mga babae at lalaking nakasunod ng tingin sa kanya. Sanay na ako.
BINABASA MO ANG
SEVENTEEN: Boys Be BrOTP
De TodoYour playlist for Seventeen's random otp shots. Rak na dis. Tnry ko lang kasi trip ko. Just ship BOOCHWE, bes. Dabest! ©d-knhoe || October 2015