Twenty Three

847 16 0
                                    

Twenty Three

Kinabukasan ng sunduin ako ni Seb sa bahay ay may dala na naman siyang rosas para sa akin. Hindi ko na din napigilan ang sarili kong ikwento sa kanya ang nangyari kahapon.

"Sinasabi ko na nga ba. Dapat talaga magkasama tayo sa iisang class eh."

Kinumbinsi ko nama siya na hindi kailangan yun dahil kung susundin niya ang schedule ko ay mahihirapan lang siya. Hindi niya mababalance ngayos ang oras niya.

"Sa susunod na komprontahin ka ulit niya sabihin mo na lang ulit sa akin ha?"

"Yup."

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sa akin saka niya ako hinalikan sa noo.

Nagtaka naman ako. Bakit kaya sa noo niya ako laging hinahalikan at hindi sa lips? Wala naman sigurong masama kung itanong ko yun sa kanya diba? Girlfriend naman ako.

"Maitanong ko lang pala."

"Hmm?" Tinginan niya ako saglit saka tumingin ulit sa daan.

"Bakit sa noo mo ako lagi hinahalikan."

Ngumiti siya.

"Ngayong hindi ka na cold, vocal ka na." Sabi niya ng nakangiti.

"No. I'm serious. I mean, hindi naman sa gusto kong halikan mo ako sa labi, curious lang ako kung bakit laging sa noo? Halos araw araw mo akong hinahalikan doon."

Ngumiti siya lalo at mabilis na nilingonn.

"Ayaw mo ba?"

"Uhm.. Hindi naman."

Nakakahiya naman ito. Parang pinakikiusapan ko na siya nahalikan ako sa labi kahit minsan, kahit smack lang. Yun nga lang hindi directive yung pagkakasabi ko. Pasimple lang.

"Sabi kasi ni Ate sweet daw yun for girls like you. Sweet din daw sa public kasi nagpapakita kung gaano ka-caring sa partner mo and lastly, that kiss means trust ayon sa research ko."

Napatawa naman ako sa kanya bigla. Research talaga ha? Napatawa din siya sa akin.

"Oy. Wag mo ako pagtawanan. Alam kong corny pero syempre gusto ko ipakita sayo yung sweet side ko."

"Pwede naman eh in your natural own way."

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sa akin.

Pagkarating namin ng school ay agad niyang pinark ang sasakyan saka bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Grabe talagang ka-gentleman nglalaking ito.

As usual, inihatid niya naman ako sa room.

"Paano? See you sa next subject?"

Tumango ako. Sa wakas, magkaklase na kami sa susunod nasubject.

"Magreresearch na muna ako sa library para sa assignment ko bukas."

"Sure."

Ngumiti siya sa akin at ngumiti ako sa kanya.

"I love you."

"I love you too."

Araw araw na nga niya ako hinahalikan sa noo, araw araw pa kami naga-I love you sa isa't isa.

Ngumiti siya ulit sa akin kaya tumalikod na ako sa kanyapara pumasok ng room.

"Siera."

"Hmm?"

Napalingon ako sa tawag niya at halos manlaki ang mata ko ng higitin niya ako at hinalikan sa labi. Halos 5 seconds atang naglapat ang mga labi namin. Kitang kita ko ang nakapikit niyang mata at wala akong magawa kundi matulala sa ginawa niya.

Nang bumitaw siya ay saka siya ngumiti sa akin na para ba  gang nagtagumpay siya sa plano niya.

"I love you." Bulong niya sa akin ng nakangiti at naamoy ko na ang hiniga niya sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin saka siya tumakbo palayo.

Napalingon ako sa mga tao sa corridor at may ilang nakatingin sa akin at yung iba pa ay parang kinikilig na natutuwa. Paglingon ko sa room ay ganoon din ang ilang kaklase kong babae habang ang ibang lalaki nanakakakilala kay Seb ay napapailing na lang habang nakangiti.

Tumungo na lamang ako at agad nang umupo sa upuan ko.

Jusko. Nakakahiya naman. Pwede naman kasing sa loob na lang ng sasakyan kanina, bakit sa harap pa ng maraming tao.

"Huy Siera ano yun ha?! Ikaw ha? Ayieeee. Ang pula mo! Hahaha."

Agad tumabi sa akin si Summer at nang-asar pa. Ang lakas pang boses. Hindi ko tuloy alam kung kaibigan ko ba ang isang 'to eh. Pwede namang bumulong, kailangan pa ba talagang ipagsigawan?

"Ayieee. Kayo na talaga ni Seb ha?"

"Congrats Siera."

"Akala ko nanliligaw pa lang si pare ah?"

Pang-aasar ng ilan kong kaklase. Sa akin. Nakakahiya talaga. Kasi naman itong si Summer eh. Ang ingay ingay.

Tiningnan ko na lamang ang ilan kong kaklaseg bumabati at nangaasar sakin. Nginitian ko na lang sila ng tipid at tinangu-an.

Si Summer ay patuloy pa din ang pang-aasar sa akin at tila kilig na kilig na akala mo ay siya ang nahalikan. Aba! Ay dinaig pa ng kilig niya ang kilig ko.

Pero sht! Ayaw talagang tumigil ng paglakas ng tibok ng puso ko sa ginawa ni Seb. More on na isipin ko, more on na kumabog ang puso ko sa kilig.





Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon