Thirty Eight
Seb's POV
Nakatitig ang mga mata ni Siera sa akin na puno ng lungkot at galit. Tinakbo ko ang pag-itan naming dalawa at niyakap siya agad.
"Pumunta ka daw ng Maynila. Di ka man lang nagrereply sa text at tawag ko."
Saka ko siya tinitigan at halos mamutla ako sa lamig ng titig niya.
"Siera-"
"May sasabihin ka ba?" Halos manlaki ang mata ko sa tono ng pananalita niya.
"Siera." Ngumiti ako para maibsan ang kabang nararamdaman. "Hindi ba tayo okay?"
Nanatili siyang nakatitig sa akin at hindi ko alam kung good sign ba na hindi siya umimik o ano.
"Siera." Tinitigan ko siya ng maigi sa mata. I need her to answer me. "Hindi ba tayo okay?"
Nabigla ako ng biglang tumulo ang luha niya sa mata habang nakatitig siya sa akin.
What did I do wrong? May mali ba akong ginawa? Please, Siera, answer me at itatama ko kung ano man yun.
"Sana okay nga tayo." Saka niya ako nilampasan pero agad ko siyang pinigilan. Hindi pwedeng ganito. Kung ano man ang nangyayari ngayon, kailangan naming ayusin 'to. Kailangan kong ayusin 'to.
"Siera, please. Talk to me."
Umiling lang siya.
"May nagawa ba akong mali?" Nagsisimula na akong mataranta. Bakit siya umiiyak? "Tell me, please." Saka ko siya niyakap pero ipinagtulakan niya lang ako.
Ipinagtulukan niya ako!
"Tama na, Seb. 'Wag na tayong maglokohan dito."
"Siera, ano bang--?"
"Alam ko na Sebastian! Kaya tama na!" Buong sigaw niya sa mukha ko habang patuloy na tumulo ang luha sa mga mata niya.
"Siera. Please. Let me explain. It's not what you think.."
"It's not what I think?!"
"Pakinggan mo ako, please."
"Anong kailangan kong pakinggan? Ang panloloko mo? Ang sabwatan niyo ni Mica?!"
"Siera.."
Wala akong magawa kundi ang tawagin ang pangalan niya. Kundi ang makiusap sa kanyang pakinggan ako.
"Nagtataka ka ba kung bakit ko nalaman? Seb, walang lihim na hindi nabubunyag! At anong plano mo, ha? itatago mo sa akin ang katotohanang yun habang buhay?"
Nagsimulang mamuo ang luha sa mata ko.
I want to hug her so much but I know she won't let me. Pero yayakapin ko pa din siya kahit itaboy niya pa ako."Siera, I love you. Please." Niyakap ko siya. "Hayaan mo ko magpaliwanag." Pero itinulak niya lang ako.
"Seb ayoko na! Ayoko na makinig! Ayoko na!" Mas lalong lumuha ang mga mata niya. Ang sakit pala. "Ayoko na sa eksplenasyon mo!"
"Please, Siera.." hinawakan ko ang kamay niya pero hinawi niya lang yun. Nagsimula pumatak ang luha ko.
Ang sakit palang tanggihan ka ng taong mahal mo.
"Ang sama sama mo! Ang selfish selfish mo!" At mas lalo siyang umiyak. Ilang beses ko siyang niyayakap pero talagang ayaw niya! "Bakit mo nagawa sa akin to? Akala ko.. akala ko.."
"Mahal kita maniwala ka sa akin. Mahal na mahal kita. Siera, please, ayusin natin to." Halos lumuhod na ako sa harap niya pakinggan niya lang ako.
Please, listen to me, just this time.
Marahan siyang umiling sa akin. "Mahal mo ako? Ang selfish naman ng pagmamahal mo, Seb. Na kinaya mong makita akong nasasaktan! Na hinayaan mo kaming magkahiwalay ni Louie! Na isa ka sa naging dahilan kung bakit kami naghiwalay!"
Galit na galit siyang nakatingin sa akin habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata niya.
Napangiti ako ng mapait.
Oo, selfish ako! Pero kasalanan ko bang nagmahal lang ako? Minahal ko lang naman siya!
Pero hanggang ngayon si Louie pa din pala? tangina!
"Bakit ba hindi mo ako pakinggan?" Napatingala ako para pigilan ang patuloy na pagiyak. "Oo! Selfish na kung selfish pero mahal kita! Mahal na mahal kita!"
"Anong klaseng pagmamahal iyan kung nagiging makasarili ka?! Pinaghiwalay mo kami ni Louie! Ang sama sama niyo ni Mica!"
"Bakit?! Siera, minahal lang kita! Mahal na mahal kita! Nagagalit ka sakin?! Ha?! Dahil nagkawalaan kayo ni Louie? So siya pa din ba hanggang ngayon? Sa halos limang buwan natin?! Siya pa din?!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko sa galit at inis ko. Hindi ko matanggap na hanggang ngayon, si Louie pa din ang inaalala niya! Si Louie pa din!
Pero agad nawala ang galit na yun ng bigla kong maramdaman ang palad niya sa pisngi ko.
"Yan ba ang tingin mo?! Grabe, Sebastian!" Napailing siya at saka ako tinalikuran at umalis palayo.
Nanatili akong nakatayo doon kung saan niya ako iniwan. Sinampal niya ako. Sinampal niya ako!
Ang sakit pala!
Ang sakit na makita siyang wasak kay Louie noon pero mas masakit pala na nakikita mo siyang nawawasak ng dahil sayo. Na yung taong minamahal mo ay nasasaktan dahil sa panlolokong ginawa mo!
Ano bang nagawa ko? Nagmahal lang naman ako eh!
Bago siya mawala sa paningin ko ay agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod para hindi siya makaalis.
Hindi siya pwedeng mawala sa akin. Hindi pwedeng mangyari yun. Hindi ko hahayaang mangyari yun.
"Siera, please?" My voice break again. Wala na akong pakielam kung magmukha akong kawawa sa pagmamakaawang wag niya akong iwan wag lang siyang mawala sa akin! "Please.." iniubob ko ang ulo ko sa leeg niya at doon ko ibinuhos ang lahat.
"Seb, tama na. Ayoko na."
Pilit siyang kumakalas sa yakap ko pero hindi ko hahayaang makawala siya. Not now. Not this time.
Shit! Hindi ko maisip na ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya ngayon!
"Siera, please? Ang sabi mo you will trust me, that you'll never leave me whatever happens. I need you to keep that promise now. Siera, please. Parang awa mo na. Wag mo ko iwan ng ganito."
Nanatili akong umiiyak sa leeg niya habang niyayakap siya ng mas mahigpit. Nakakababa ng pagkakalaki pero langya mahal ko ang babaeng ito and I'll do anything for her!
"tama na. Bitawan mo na ako. Nasasaktan na ako."
At ang sakit isipin na the more I hug her tight, the more she feels the pain.
Dahan dahan ko siya binitawan. Hinarap niya ako. Hindi ko matingnan ang mga mata niyang puno ng luha dahil sa kawalangyaang ginawa ko!
"Let me go just for now, Seb."
At saka niya ako muling tinalikuran.
Sobrang sakit pala! Sobrang sakit palang talikuran ka ng taong mahal mo! Na yung taong minahal mo ng ilang taon ay magagawa kang talikuran.
BINABASA MO ANG
Fix You
RomanceSi Siera ay isang simpleng babae na sa paningin ng lahat ay isang perpektong tao. Pero nagbago din ang lahat ng ito mula noong nagbago siya dahil sa kanyang naging kasintahan at naging best friend dati. Hindi naman talaga siya perpektong tao, pero s...