Thirty Four

845 17 0
                                    

Thirty Four 


Buong araw na hinanap ng mata ko si Seb pero nang magkita kami ay ganoon pa ang nagyari. Ganoon ba siya kagalit sa akin? Ang sakit. Ngayon niya lang ako tinrato ng ganoon.


Kaya naman bigong bigo akong umuwi ng bahay. Ni hindi pa din niya ako tinetext. Wala na ba siyang pakielam sa akin?


Gustong gusto ko na iexplain ung side ko sa kanya pero paano ko gagawin yun kung ayaw niya ako bigyan ng chance na magkausap kami?


Lumipas ang mga araw na ganoon pa din.

Nagigising akong may bagong rose na sa bed side table ko. Hindi ko alam kung gaano siya kaaga pumupunta dito para dalhin ang rose na iyan at hindi ko siya maabutan. Hindi din naman nagtatanong si daddy sa relasyon naming dalawa since busy siya sa nangyayari sa kumpanya.

Lunes na ngayon at limang araw na ang nakakaraan mula nang gabing iyon. Wala pa ding Sebastian. Kahit sa mga panahon na dapat ay kaklase ko siya ay hindi siya pumapasok.

Nagsisimula nang magtanong si Summer pero wala akong maisagot sa kanya.

Gusto ko na ngang bisitahin si Seb sa bahay nila just to know that he's okay kaso sabi niya he need time to think daw.

Pero limang araw na, hindi pa rin ba siya tapos mag-isip?


Sa loob din ng limang araw na yun ay patuloy ang paglapit ni Louie sa akin. Humihingi siya ng sorry sa akin at laging sinasabing mahal pa ako pero sadyang binabale wala ko na lang. Pagod na din akong itaboy siya. Itaboy ko man siya o hindi ay alam kong ipagpipilitan niya lang ang sinasabi niya sa akin kaya mas mabuti pang hindi na lang siya intindihin.

Kailangan honest ako kay Sebastian. Kailangan loyal ako sa kanya.

Napapaisip nga ako kung nakikita niya kaya ang paglapt lapit ni Louie sa akin?

Nasaan na yung Sebastian na handang ipamuka sa lahat na kanya ako para lang mapigilan ang selos niya?


Huling subject namin para sa araw na ito. Kaklase ko siya dapat pero wala siya. Hindi na naman siya pumasok.

"LQ kayo noh?" Tanong sa akin ni Summer.

"Hindi ko alam."

Nang-iintriga pa siya pero hindi ko na lang pinatulan.

"Hey. Una na ako ha?" Ngiting aso ni Summer sa akin na tinaguan ko lang.


Naiwan kong nagaayos ng gamit sa loob ng room.

Pagkatapos ko magayos ng gamit ay lumabas ako agad and there! I saw him! Si Sebastian!


"Seb.." Nangingilid na ang luha ko pero pinigilan ko iyon. Malamig pa din ang klase ng tingin niya sa akin.

"Let's talk."

Saka siya naglakad palayo.


Sinundan ko lang siya at nakarating kami sa parking lot ng school. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto at pumasok ako agad doon. Ganoon din ang ginawa niya.

God! I miss his car!

Pagkapasok niya ay agad niya akong hinarap.


Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon