Forty Nine
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo doon at patuloy na umiiyak. Oo, umiiyak. Hindi mawala sa isip ko na iniwan niya na ako. Yung babaeng katangi tanging minahal ko iniwan na ako. Is this her way of breaking up with me? Sana sinabi niya. Nagkamali ako, alam ko, pero nasasaktan din naman ako.
"Sebastian?"
Agad akong napatunghay sa tumawag sa pangalan ko.
Agad akong napatayo pagkakita sa kanya.
"Tito." Nabasag na naman ang boses ko. "A-asan po si Siera?"
Napailing si tito sa tanong ko. "Umalis na ang anak ko, Seb. I'm sorry." Saka ako tinalikuran ni tito papasok ng gate nila.
"Tito. Mahal na mahal ko po si Siera. Please sabihin niyo po sa akin kung nasaan siya. Kakausapin ko lang po. Tito. Mahal na mahal ko po ang anak niyo."
Hindi ko na halos makilala ang boses ko. Ngayon lang ako umiyak ng ganito sa buhay ko. Pero kung ang pagmamakaawa lang ang tanging paraan para makausap siya then I'll take it.
"Nagpunta na ng France ang anak ko, Sebastian. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo pero wala na tayong magagawa. Umalis na siya." Lumapit sa akin si tito at tinapik ang balikat ko. "You should go home. Get some rest. Don't worry, my daughter loves you. And she's okay." Saka siya tumalikod at isinara na ang gate.
So its legit? Umalis na nga siya. Iniwan niya na ako.
Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Lahat sila gusto akong kausapin pero sadyang ayoko lang ng kausap ngayon.
Dalawang araw din matapos ko makausap si tito ay nalaman ko na umalis na din siya papuntang France. Malamang doon na sila magpapaskong tatlo. Si tito, si Ate Sherene at Siera.
Sa paglipas ng araw ay maaga akong umaalis ng bahay at gabi ng nakakauwi. Every thing has changed nang mawala si Siera. Tamad na tamad ako pumasok sa klase. Tamad na tamad akong mag-aral kasi wala na yung kakumpitensiya ko sa klase.
"Oh Sebastian? Maraming deliver ng roses ngayon. Bibili ka ba?"
"Hindi ho manang."
Isang gabi nang mapadaan ako nang naglalakad sa binibilhan ko noon kada umaga ng rosas na binibigay ko kay Siera araw araw. Ako pa nga ang nakiusap noon na magbukas sila ng maaga para sa akin dahil yun ang gusto kong gawin para sa babaeng mahal ko na ngayon ay wala na.
Magsisimbang gabi ako ngayon. Naalala ko pa nang makiusap siya sa akin na kumpketuhin namin yon pero mukhang ako na lang ang gagawa nun. At least makumpleto ko ito para sa kanya.
Madalas ko ding nakikita si Summer at napapailing siya sa akin. Di ko na lang pinatulan.
Night of the 24th of December ay hindi ko napigilan ang mapahagulgol sa iyak pagkasakay ko sa kotse ko pagkagaling ng simbahan. Napangiti ako ng mapait. I completed it. Ang simbang gabi. Nakumpleto ko yung hinihiling niya sa akin.
Masayang sinalubong ng pamilya ko ang Pasko at Bagong Taon. Sinubukan ko na lang na makisaya din para wala na lang silang masabi pero the way kung paano ako tingnan ng kapatid ko? Alam na alam kong alam niya kung ano ang nararamdaman ko.
Dumating ang January ng bagong taon pero walang nagbago. I was the same Sebastian mula ng iwan niya ako. Wala rin akong ginawa buong January kundi ang magliwaliw sa kung saan saan.
Gisang gisa na din ako sa mga panenermon ni coach kaya nag-quit na lang ako sa basketball. Kita ko ang tingin ni Louie pero fuck! Wala na akong pakielam sa kanya!
Hindi maiiwasan, nakarating sa magulang ko ang nangyayari sa akin.
"Mag-drop ka na lang siguro ngayon? Saka ka bumawi next sem. Walang mangyayari kung ganyan ka ngayon."
Saka umalis sina mama sa harap ko para siguro magusap ng masinsinan. Agad naman tumabi sa akin si Ate Shane.
"Seb. Wag mo naman sirain yung pag-aaral mo. Sa tingin mo ba magugustuhan to ni Siera pag nalaman niya?"
Bastos man tingnan pero iniwan ko na lang si ate doon. Hanggang ngayon si Siera pa din lahat. Siya pa din!
Sinunod ko ang sinabi ni mama. Nag-drop ako. Buong January akong di napasok so ano pa mangyayari sakin? Maigi nang mag-drop na lang.
"Seb. May application ako sa France, natanggap ako. Gusto mong hanapin ko si Siera doon para makamusta siya?"
Hindi ako sumagot sa tanong ng kapatid ko.
Hindi ko alam kung bakit. Excited si mama sa pangingi-bang bansa ni ate. Hindi ko alam kung anong nakakaexcite doon.
Hindi din ako sumama sa paghatid sa kapatid ko noon sa airport. Para saan pa? Ihahatid pa, aalis din naman. Hindi ako nakasagot ng tinanong niya ako about kay Siera. Its been 6 months ng makaalis si Siera at natatakot ako na kung kakamustahin niya si Siera ay malaman ko lang na hindi na ako nito mahal at naka moved on na to and worst, ay may iba na doon. Hindi ko ata kayang malaman yun.
Nang andun na si ate, sa bawat skype niya kina mama, pinili kong hindi siya kausapin. Kahit pa sinasabi niya kina mama na kung maaari niya akong kausapin, hindi ko ginagawa. Ayokong kausapin niya ako about kay Siera.
Hindi ko na din ginagamit ang kotse ni papa na nakatambak lang naman sa bahay. Para saan pa? Para maalala bawat pagkakataon na kasama siya?
Wala akong ginustong gawin nang mga panahon na yun kundi ang mag-move on. Iniwan niya ako. Alangang intayin ko siya? Mga bata pa lang kami, iniintay ko na siya. Hanggang ngayon ba naman?
Sa tagal ng panahon na mahal ko siya, ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Pagod ng pagmamahal. Pagod ng paghihintay. Gusto kong makausad. Pero kahit yun ang gusto ko ay hindi ko magawa. Isipin ko pa lang na makakalimutan ko siya ay masakit na lalo na kung kakalimutan niya ako.
Sa edad kong to nga dapat hindi ako namomroblema sa ganitong bagay. Dapat pag-aaral ang inaatupag ko. Pero wala namang pinipiling oras at edad ang pagmamahal. Siguro nga bata pa ako para dito, pero mahal ko na siya noon pa.
Lagi kong ikinakatwiran sa sarili ko na marami pang iba dyan. Marami pa akong makikilala. Pero alam ko isa lang si Siera. Walang katulad. At hindi ko na alam kung kaya ko pang magmahal katulad ng pagmamahal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fix You
RomanceSi Siera ay isang simpleng babae na sa paningin ng lahat ay isang perpektong tao. Pero nagbago din ang lahat ng ito mula noong nagbago siya dahil sa kanyang naging kasintahan at naging best friend dati. Hindi naman talaga siya perpektong tao, pero s...