Forty Eight

908 11 0
                                    

Forty Eight

Seb's POV


Parang pinapatay ang puso ko ng sabihin sa akin ni Siera na kailangan niyang lumayo muna ako. As much as possible hindi ko gustong layuan siya.

Pagkalabas ko ng bahay nila ay doon ako umiyak. Talagang umiyak. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako umiyak ng ganoon. At dahil pa sa isang babae. Pero hindi siya isang babae lang. Si Siera lang ang babaeng minahal ko.

Naaalala ko nung bata pa ako at crush na crush ko ang babaeng yun. Madalas ko siyang itanong sa mga magulang ko. Cute kasi, at mabait. Kaya nagustuhan ko kaagad.

Madalas kong inaasar siya noon para mapansin niya ako. Old style ng mga lalaking torpe. Dadaanin na lang sa pangaasar ang lahat mapansin lang. Pero ang nakakainsulto ay hindi man lang madevelop itong si Siera sa akin. Hanggang dumating si Louie sa buhay niya at doon na ako tuluyang tumiklop.

Lumapit sa akin si Mica noon at nasabi niyang gustong gusto niya si Louie. Hindi ako halos pumayag sa plano niya na lalapitan ko si Siera para pagselosan ako ni Louie at ganoon din ang gagawin niya. kahit naman kasi asarin ko ng asarin si Siera ay walang mangyayari, magkakabarahan lang kami. Nang sabihin ko kay Mica na hindi ko kayang gawin iyon ay sinabihan niya na lang ako na siya na ang bahalang gumawa ng paraan, basta once na mapasakanya na si Louie, ako ang sasambot kay Siera pag naghiwalay ang dalawa.

Dumating nga ang oras na naghiwalay sila, pero hindi ko nagawang lapitan o sambutin man lang si Siera. Paano ko gagawin yun kung ako mismo ay sobrang guilty dahil isa ako mismo sa dahilan na naghiwalay sila.

Oo, hindi ako ang gumawa ng paraan, pero may choice naman ako na sabihin kay Siera para mabalaan siya pero hinayaan ko, kasi itanggi ko man, nagustuhan ng isip ko ang ideya na mapapasakin siya.

All those times ay dumistansiya ako. Gusto ko magsorry pero di ko magawa. Gusto ko lumapit at maging sandalan niya pero hindi ko magawa. Hanggang sa dumating ang oras na pinakiusapan na ako ng sarili niyang ama na bantayan siya. and that was my cue. Nasabi ko na bahala na, pero sadyang tadhana na gumawa ng paraan na lapitan ko siya.

Sinimulan ko yun sa pang-aasar. hanggang sa nakipagkaibigan ako, at inunti unti kong iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko. At langit ng sabihin niyang mahal niya ako.

Pero sadyang walang lihim ang di nabubunyag. Nalaman niya na lang ng di sinasadya. At dun gumuho ang lahat. Pakiramdam ko nawala lahat ng pinagharapan ko. Nagkaroon ng agwat sa pag-itan namin.

Kapag nakikita ko siya sa school ay pinipilit kong hindi siya pansinin. Gustong gusto ko pero alam kong di dapat. Gusto ko siyang makapagisip. Gusto kong marealize niya na mahal niya talaga ako. Na kahit anong nangyari noon, mas pipiliin niya akong mahalin.

Bahala na pero hindi ko pinasukan ang lahat ng subject na kaklase ko si Siera. Wala na akong pakielam sa mangyayari sa grades ko. Nararamdaman ko na lang para sa kanya ang pinakikialam ko ngayon.

Hindi ko kinayang tumigil sa lugar na magkasama kami dahil hirap na hirap akong pigilan ang sarili kong hindi siya pansinin. Pero mas hindi ko kinayang hindi makita siya.

Sa bawat oras sa school ay tinatanaw ko siya sa malayo. Sinusundan pauwi para malaman kung nakauwi siya ng ligtas. At pinapanood sa bawat kinikilos niya sa bawat araw. Ang sakit pala na tinatanaw mo lang yung mahal mo sa malayo, na minamahal mo lang siya sa malayo. Pasalamat na din ako kay Summer na andyan siya para samahan si Siera habang wala ako.

Lumipas ang dalawang araw ay nangamba na ako. Hindi ko na siya nakikita sa school. Nakikita ko naman si Summer pero mag-isa lang ito. Madalas kong binabantayan ang bahay nila pero parang wala naman siya.

"Mr. de Guia. In my office now."

Sumunod ako agad sa professor ko. Alam kong kakausapin niya ako ngayon sa performance ko sa klase.

"Almost 2 weeks ka ng absent sa klase ko. I'm sorry to tell you pero ikabababa ito ng grades mo. Dean's lister ka pa man din."

Sa ngayon ay hindi ko na naiisip ang grades ko. Si Siera lang. Siya lang.

"Mr. de Guia. wala ba akong maririnig na eksplenasyon sayo?"

Halata ang disappointment sa boses niya.

She is one of my professor last semester, hanggang ngayon ay professor ko pa din siya. Ang alam ko ay close sila ni Siera, then maybe I could ask her.

"Aba't Mr. de--"

"Natatandaan niyo ho ba si Siera?"

"Oh! Ms. Siera Jane Perez?" Biglang nagbago ang mood niya.

"Yes, mam."

"Of course. Out standing student siya malamang matatandaan ko siya. Sayang nga lang at nagdrop. Bakit?"

"Ano pong sabi niyo? Nagdrop?"

Bakit naman gagawin ni Siera yun?

"Oh. I thought close friends kayo Mr. de Guia? Hindi mo alam? Nagdrop na si Ms. Perez last week pa. Ako pa nga ang nagsign ng form niya. Ang sabi niya ay pupunta siya ng France para.."

Hindi ko na natapos ang sinasabi ng professor na iyon. Nakakabastos man pero wala na akong pakielam. Aalis si Siera, hinding hindi ako makakapayag.

Tumakbo na ako agad papuntang parking lot at agad na sumakay sa kotse at nag-drive papunta sa kanila. Wala na akong pakialam kung ma-over speeding ako, ang mahalaga ay mapuntahan ko siya sa bahay nila.

Pagkarating ko doon ay bastahan ko ng ipinark ang kotse. Dali dali akong nag-door bell. Hindi ako makapali. Paulit ulit kong pinindot yun.

"Sir Sebastian?"

Isa sa mga yaya nila ang nagbukas ng gate para sa akin.

"Nasaan si Siera? Andyan ba siya sa loob?" Hinihingal na tanong ko sa yaya nila.

"Po? Hindi niyo ho ba alam sir? Ngayon po ang flight niya papunta ng France."

"What? a-ano?! Anong oras pa umalis?"

"Kanina pa pong mga alas-diyes sir."

Nawala lahat ng dugo ko sa mukha ko. Anong oras na?!

"Pasok muna po kayo sir?"

"H-hindi na. Salamat."

Saka ko tinalikuran ang isa sa mga yaya nina Siera. Narinig ko na din ang pagsarado niya ng gate.

Napaupo na lang ako doon.

Ano ba itong nangyayari?

Napatungo na lang ako at napahilot sa aking batok. Nangilid agad ang luha ko.

Ang sabi niya bigyan ko siya ng oras para maghilom siya. Yun lang ang hiningi niya. Oras para mawala lahat ng sakit. Pero ngayon? Umalis siya ng hindi ko alam. Iniwan niya na ako. may kasalanan ako sa nangyari, pero sana naman sinabihan niya ako. Willing naman akong maghintay. Pero iniwan niya na ako ng basta basta.

Mahal ko naman siya eh. Mahal ko lang talaga siya.

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon