Forty Seven

926 12 0
                                    

Forty Seven


Nang maka-isang linggo ako dito sa France ay dumating na din dito si daddy. Dito namin cinelebrate ang Pasko at Bagong Taon nang magkakasama. Yun nga lang sa ospital kami nagcelebrate apat--kasama si Kuya Yohan, pero okay lang kasi sobrang nag-enjoy kami sa isa't isa habang ka-skype pa namin ang pamilya ni Kuya Yohan na nasa Pilipinas.

Nang maka-isang buwan ako dito sa France ay unti unti na din ako nasanay. Good thing na nga din talaga na nagpunta ako dito dahil naayos ko ang gusot sa pagitan namin ni ate. Ang sabi din ng doctor ay makakalabas na siya after 2 weeks. Kailangan na lang ng therapy. Nang makalabas din si ate ay pansamantalang bumalik ng US si daddy for the business.

"Gusto mo bang bumalik na sa school?"

"Hindi na muna, baby. Pag magaling na ako saka na. Ayoko namang maabala kita."

"Baby. Its okay. Wala naman sakin yun eh."

"After na lang ng therapy. Okay?"

"Hmm.. okay."

Nakauwi na si ate ngayon sa ospital. sinabi ko na din kay kuya na makakapagtrabaho na ulit siya ng ayos at makakapahinga kasi andito naman ako para alagaan si ate. Pero habang hindi pa ako sanay dito sa France ay si Kuya Yohan muna pansamantala ang mamimili ng groceries namin every 2 weeks.

"Ate Sherene."

Nilapitan ko si ate dahil kanina pa siya sa kusina. Nakaupo siya sa wheel chair niya at hinihilot ang ulo.

"Okay ka lang ba? Gusto mo ikuha kita ng gamot?"

"No. I'm okay, Siera." Ngiti niyang tipid sa akin.

"Uhm.. are you sure? Para kasing di ka okay."

"Yup. I'm sure." Ngumiti lang si ate kaya hinayaan ko na lang. Nagdecide na lang ako na hindi na siya kulitin pa.

"Gusto mo ng pansit? Magluluto ako. May bihon na tayo. Haha."

May stock na kami ngayon sa bahay ng pansit bihon. Nang magpunta kasi si daddy dito ay ginawan niya ng paraan na maipuslit iyon papunta dito. Ang dami niyang dinala kaya tuwang tuwa naman si ate.

Nasanay na rin akong magluto nun kasi yun ang paborito ni ate. Sa dalas kong ipagluto siya, nasanay na ako. habang tumatagal ay mas sumasarap yung luto ko pero hindi ko pa din nakukuha iyung timpla niya.

Yung coffee shop na over looking ang Eiffel Tower at ang Eiffel Tower mismo became my comfort zone here. Doon ako nakakapagmuni-muni. Doon din ako nakakapagrelax.

Its been one year na. Ang dami na ng nangyari. Nakarecover si ate sa kanyang aksidente and after 7 months ay bumalik na din siya sa school. Si Kuya Yohan nasa bahay lagi araw araw. Ako na rin ngayon ang namimili ng groceries namin. Sa loob ng isang taon, nasanay na ako dito.

Wala akong trabaho dito. Kung tutuusin ay umaasa lang ako sa mga ipinapadala ni daddy sa account namin ni ate. Hindi din ako nagaaral. Naisip ko tuloy na sayang yung kinuha kong course na Engineering sa Pinas. Hindi man lang ako naka isang taon.

"Sis. Where are you?"

"Dito lang sa may coffee shop na madalas ko puntahan."

"Okay, I'll be there na. Kaka-out ko lang sa class. take care. Bye."

Plano namin magkita ni ate ngayon dito. Itatry ko kasing pumasok nang culinary dito kahit for 6 months lang. Ayoko sana pero pag si ate na ang kausap, wala namn akong magagawa. Isa pa wala nga rin naman akong ginagawa dito, so why dont grab the opportunity.

"Siera?" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin at halos mamutla ako.

"A-ate Shane?"

"Siera! Ikaw nga!" Halos hindi ako makakilos sa bigla dahil niyakap niya ako agad at saka niya ako tinabihan. "Sabi na ikaw yan eh. Look at you. Ang ganda mo talaga."

Ngumiti na lang ako sa kanya. "S-salamat, ate.."

Kinamusta ako ni ate. Habang wala pa ang kapatid ko ay nakipagkwentuhan lang siya sa akin.

Sa tagal ng pag-uusap namin ay hindi mapigilan ng isip ko na kamustahin si Sebastian. Wala na akong balita sa kanya. Isang taon na ang nakakalipas. hindi naman sigurong masamang makamusta siya diba?

"K-kamusta si.. S-Seb?" Agad nag-iba ang ngiti ni Ate Shane. Nakangiti pa din siya pero iba ang emosyon.

"Ok naman ang kapatid ko. Nag-transfer siya sa isang university sa Manila at doon nag-aral."

"Nag-transfer?"

"Oo. Nag-drop siya after nung.." nakatitig lang siya sa akin at hindi maituloy ang sasabihin. Alam ko na agad ang ibig-sabihin nun. Nag-drop siya after ko umalis.

Tumango lang ako sa kanya at ilang minuto natahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naagaw lang ang atensyon ko ng hawakan niya ang kamay ko.

"Siera. Please contact my brother if kaya mo na." Napatingin ako sa kanya. "Mahal na mahal ka pa din niya, though he don't mention you anymore sakin -- samin, alam kong mahal na mahal ka pa din niya." Ngumiti ng pait si Ate Shane at tumango na lang ako. Sakto namang dating ng kapatid ko kaya sila na ang nagkwentuhan dalawa.

Sa sinabi ni Ate Shane ay nabagabag ako. Gusto kong umuwi. Hindi ko sinabi kay ate ang napagusapan namin. Para saan pa?

"Lalim ng iniisip natin ah?"

"Hindi naman." Ngumiti ako sa kanya.

"Isang buwan ka ng ganyan. Napapansin ko lang." Nasa likod ko si ate habang hinahaplos ang buhok ko. "Bakit hindi ka umuwi ng Pilipinas?"

Agad akong napatingin sa kanya at nakita ko ang nakangiti niyang mukha.
Alam na ni ate ang nangyari sa amin, nang halos maka-limang buwan ako dito ay in-open ko na siya kanya ang bagay na yun.

"Maybe he really loves you. Sana kasi sinabi mo sa kanya na aalis ka."

Para saan pa na sasabihin ko kay Seb? Natatakot kasi ako. Natatakot ako na paghintayin siya ng matagal. Ayokong makulong siya sakin. Ayokong sakin lang umikot yung mundo niya. Natatakot akong magaya siya sa nangyari sa akin noon na nakukulong sa mundo ng ibang tao. Natakot ako kaya pinili kong hindi sabihin.

Tumabi sa akin si ate at saka ako tinitigan.

"Oo. May pagkakamali siya but everybody deserves a second chance, Siera. Yes, he became too selfish pero dahil sayo yun. Dahil mahal ka niya. I know its worng, pero bilang minamahal niya dapat tulungan mo siya na ipa-realize sa kanya na hindi dapat ganon. Cause love is not selfish."
Nagsimula mangilid ang luha ko. Isang taon kong hindi man lang halos nabanggit ang name niya. Isang taon ko ng hindi siya nakikita. I wonder kung ano na ang itsura ngayon. Pero sa loob ng isang taon, hindi man lang nabawasan yung pagmamahal ko.

"Sabi mo one of your reason kaya ka pumunta dito is to heal diba? Then why don't you go back to the Philippines. Heal ka na naman diba? Try again. Give yourselves a second chance."

Ngumiti sa akin si ate at saka pinahid ng kanyang hinlalaki ang luhang pumatak sa mata ko.

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon