Forty Five

877 13 0
                                    

Forty Five


Nakakapagod ang byahe papuntang France pero naging maayos naman. Pagkarating ko doon ay napagalaman kong Pilipino din pala ang boyfriend niya.

"Your sister would be really happy to see you." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"I hope so." Ngiti ko sa kanya.

"Trust me, Siera. Mabibigla yun sa tuwa dahil ikaw ang pumunta dito para sa kanya."

"I doubt it. Baka magalit pa yun." Iling ko sa kanya.

"We'll see, then." Ngiti niya sa akin saka uminom ng kape.

I am really glad that my sister met this guy. Muka talagang mapagkakatiwalaan si Kuya Yohan.

Siya ang sumalubong sa akin sa airport and I can say na napaka-approachable niyang tao. Sa sandali naming pagkakasama ang dami ko na agad nalaman. Naikwento niya na agad sa akin kung paano sila nagkakilala ng ate ko at kung paano sila naging magkarelasyon. Napagalaman ko din na magtatatlong taon na sila.

At nakikita ko talaga kung gaano niya kamahal ang kapatid ko sa bawat kwento niya lalo na at handang handa siyang alagaan ang kapatid ko sa ospital. He didn't even tried to thank me, ang sinabi niya lang sa akin ay..

"Nag-abala ka pa. Kayang kaya ko namang alagaan ang kapatid mo."

Kahit may work siya ay pinipilit niyang alagaan ang kapatid ko. para siyang hindi napapagod. And I am really thankful na nakilala siya ng kapatid ko. Hindi lang siya gwapo pero maalaga din at mapagmahal.

Niyaya niya lang ako sa isang restaurant na madalas nila kainan ni ate bago kami magpunta sa ospital.

"Siguro talagang maka-ate ka, ano? To think na pinili mong order-in yung madalas niyang kainin dito just to know her favorites."

"I just want to know."

"Then I am telling you, pansit ang paborito ng ate mo. Yun nga lang, di ko ma-perfect but pinagtitiyagaan niya." Tawa niya sa akin.

Pansit? Hanggang dito ba naman?

"You ready?"

"I'm nervous, kuya."

"Don't be." Ngiti niya sa akin at saka binuksan ang pinto ng hospital room.

"Hi baby. I bought your favorite pasta."

Malamang hindi pa ako kita ni ate dahil nasa likod ako ni Kuya Yohan.

"Sana nagluto ka na lang ng pansit."

"Alam mo namang hindi pa ako sanay magluto nun eh. By the way, may bisita ka."

"Hmm? Sino?" Shock was registered in her face when she saw me. "Siera?"

"A-ate.."

Nagsimulang tumulo ang luha ni ate sa mga mata niya kasabay ng akin ng makita ko siya. May bandage ang dalawa niyang binti. I can't imagine na sobra ang aksidenteng natamo niya.

"Oh my god. Siera."

Tinakpan niya ang bibig niya para maiwasan ang paghikbi. Sumenyas naman sa akin ang boyfriend niya na lumapit ako sa kama na kinahihigaan ni ate.

Paglapit ko sa kama ay mas lalong naiyak si ate. Hinayaan ko siya. inabutan naman siya ng tissue ni kuya at makailang minuto ay tumigil na siya sa paghikbi.

"Baby. Can you give us some time alone?"

"Yeah. Sure, baby." Hinalikan pa muna ni Kuya Yohan si ate bago niya kami iniwan sa room.

"Kamusta ka na?" Bungad ni ate sa akin pag-alis ng bf niya.

"Ako nga dapat ang nagtatanong sa'yo nyan eh. Kamusta pakiramdam mo?"

Ngumuti si ate at kita ko ang pangingilid ng luha niya pero pinipigilan niya ito pumatak.

"I was so surprised. Na ikaw yung pumunta. After all the years.."

"Shh ate." Hinawakan ko ang kamay niya. After all these years, all I want is to be with my sister. "Hayaan mo na yun. I just really want to see you. Gusto ko ako mag-alaga sayo ngayon."

"Hindi man lang kita naalagaan bilang ate mo."

"Its okay ate. Let's just spend our time together, okay?"

Tumango si ate nang nakangiti sa akin habang pumapatak ang luha at ganoon din naman ako sa kanya. Sinenyasan pa ako na mas lumapit pa at doon niya ako niyakap.

Doon ako halos napahagulgol. Isang yakap lang niya nawala na lahat ng nangyari sa amin dati. Ang mahalaga andito kami ngayon, magkasama.

Napakasaya ko ngayon. Dahil nasaktan man ako sa Pilipinas, at least dito tanggap na ako ni ate. Lahat ng kaba ko nung papunta dito ay nawala. I never expected it. Na pagdating ko mayayakap ako ni ate. Akala ko galit pa din siya sa akin.

"Siera. You should go home muna. Hindi ka pa ata nakakapahinga dahil sabi ni Yohan dumeretso daw kayo dito after ka niya sunduin."

"Ang kulit kasi ng sister mo. Haha. Baby, punta lang ako ng grocery store ha?"

"Sure, baby."

Saka humalik si kuya kay ate bago umalis.

"I'm really glad you met him, ate. May nagaalaga sayo dito habang wala kami ni daddy." Ngiti ko sa kanya.

"I'm also glad that I met him. Kamusta kayo?"

"Kami? Anong kami?"

"Ni Seb."

Ilang sandali akong natulala at napaiwas ng tingin sa tanong ni ate. I mean, how did she know?

"Dad told me." Ngiti niya. "Kahit hindi tayo nag-uusap updated ako sayo. So, ano na? Kamusta kayo?"

"Uhm.." napatungo ako sa kanyang sinabi at saka siya tinitigan. "Wala na kami, ate."

"What? Why?"

Punong puno ng kuryosidad ang boses ni ate. But I'm just not yet ready to tell her the whole story. Kahit pala lumayo na ako, hina-hunting pa din ako ng memories niya.

"Hey." Hinawakan ni ate ang kamay ko at doon ako napatingin sa kanya. "It's okay. Take your time. Basta kung kaya mo na mag-open andito ako." Ngiti niya sa akin.

Ginantihan ko lang ng ngiti si ate.

It really feels good to have someone na makakaintindi sayo sa lahat ng oras.

Nagsimula akong aliwin ni ate. Maybe ramdam niya din na mahirap pa para sakin na isiwalat at balikan lahat. Sa halip na ako ang mag-aliw sa kanya, ay siya sa akin. Nai-kwento din niya sa akin na noon pa pala niya ako gusto i-approach, hindi niya lang alam kung paano dahil nga malayo ang loob namin sa isa't - isa nung mga bata pa kami. Pero alam ko namang hindi yun maiiwasan, siya ang panganay, at siya din ang nakasaksi kung paano namatay ang ina namin.

"Baby. Ihatid mo muna yung kapatid ko sa bahay."

"Oh sige. Madali lang ako baby. Don't worry, babalik ako agad and I'll take care of your sister."

Tumango lang si ate at saka siya hinalikan ni kuya. Habang ako ay nasa gilid nila at napapangiti. They looked so much in love with each other. They have this perfect relationship. I am so happy for my sister.

"Paano, Siera, maiwan na muna kita. Magpahinga ka. Dalawa naman yung room dito. Walang kasama ate mo dun so kailangan ko na bumalik agad."

"It's okay. Kuya Yohan?"

"Hmm?"

"Thank you so much. For taking care of my sister."

Ngumiti ng malapad sa akin si kuya. "No prob. Mahal ko eh."

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon