Forty Two

863 12 0
                                    

Forty Two


3 days had passed at napatunayan kong ibinibigay na nga talaga ni Sebastian sa akin ang hinihingi ko.

Hindi na siya dumadaan ng bahay tuwing umaga para magdala ng bulaklak. Hindi niya na din ako sinusundo kaya nagdadrive na ulit ako papuntang school o di kaya'y nagpapahatid sa driver namin. At ang pinakamasakit sa lahat ay hindi na din niya ako pinapansin. Nahuhuli ko ang tingin niya minsan pero agad niyang iniiiwas iyon.

Ngayon ko lang naisip na masakit pala na iniiwasan ka ng taong mahal mo. Pero anong magagawa ko? Kaya niya naman ako iniiwasan ngayon ay dahil ito ang hiningi ko sa kanya.

Thankful na din na sinunod niya ako. At least makakapagisip ako ngayon kahit na gustong gusto ko na siyang kausapin at tanggapin ko ulit. But I know that this relationship won't work if I choose to stay. I'm too broken.

"Hoy Siera! Umamin ka nga sa akin! Break na ba kayo?"

Ipinagkibit balikat ko lang ang tanong ni Summer. Di ko din alam kung break nga ba kami or cool off, I think? parang wala naman kasing definite word para itawag sa nangyari sa amin. All I know is humingi ako ng space.

"O baka naman cool off kayo?"

"Di ko alam."

"Ay naku ikaw, Siera! Napaka-mysterious mo talagang babae!"

Hinayaan ko na lang siya sa opiniyon niya. Kakapagod din magkwento at magexplain eh. Saka isa pa hindi naman na kailangan pang i-kwento yung nangyari sa amin eh.

Pasalamat na din ako na hindi na lumalapit lapit si Louie sa akin kahit palagi kami nagkikita sa school. Ang nakakatawa lang ay ngayong wala ng Seb akong kasama ay saka pa siya umiwas. Sana ginawa niya na yan noon pa.

Sa buong araw ay laging lipad ang utak ko. Hindi nakakapag focus sa klase at tila bumabalik na ang pagiging tahimik ko. Na kahit sa bahay, alam kong ramdam ni daddy yun. Pero sadyang wala lang talaga ako sa kondisyon ngayon na ngumiti at tumawa sa mga bagay bagay.

Umuwi ako ng araw na yun at nadatnan ko si daddy na hindi maintindihan halos ang gagawin habang may kausap siya sa phone.

"Yes. Okay. I need that flight as soon as possible. Thank you."

"Aalis ka dad?"

"Siera, anak."

Agad lumapit sa akin si daddy para halikan ako sa ulo at yakapin.

"Aalis ka po?"

Bumuntong hininga siya. "Sorry, nak. I have to."

Halos mangilid ang luha ko. Aalis na naman siya. Ngayon pang kailangan ko siya. Talaga bang lagi na lang ako lolokohin at iiwan ng mga tao sa paligid ko?

"Daddy. Wag ka po muna umalis. Wala na naman po akong kasama dito."

"Siera--"

"Trabaho na naman po ba? Pwede po bang sa ngayon ako muna dad?" Nagsimula akong maiyak. "Ang tagal niyo nawala dito eh. Pwede bang this time ako na muna ang piliin niyo instead sa work niyo?"

Agad pinunasan ni daddy ang luha ko. "I'm sorry nak. Pero.." huminga siya ng malalim. "I'm not supposed to tell you this."

"Ang alin po?"

"You're sister would be surely mad at me." Bulong niya na narinig ko.

Ano namang tungkol kay ate? Gusto ba niya doon na ulit si daddy? Hindi ba pwedeng akin na muna ang ama namin sa ngayon?

"Naaksidente ang kapatid mo. Car accident. Masyadong komplikado ang lagay niya. She's safe now pero kailangan i-semento ang kanang paa at braso ng kapatid mo."

Pumatak agad ang luha ko.

What the hell did happened to my sister?! Oo, galit siya sa akin but it doesn't mean na galit din ako sa kanya. I still care for her.

"So I need a flight to France as soon as possible. Boyfriend ng ate mo ngayon ang nagaalaga sa kanya pero hindi naman natin pwede i-asa doon lahat. I need to take care of your sister."

"Ako na dad. I will take care of her."

Yun ang agaran kong desisyon.

If my father would go to France for her, then I am wiliing to go also. Now that she needs her family, kailangan andoon din ako.

"Pero Siera ang studies mo.."

"Magda-drop ako. Pwede naman ako doong mag-aral habang inaalagaan siya."

Napailing si daddy. "I hope I'm wrong na gusto mo umalis ngayon ng Pinas dahil sa nangyari sa inyo ni Seb. I don't know what exactly happened pero alam kong may mali sa inyong dalawa ngayon."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Is really that my reason?

"You really want to go?"

Hindi na ako nagisip pa at mabilis na tumango.

"Okay then. I'll book you a flight a week from now. Ayusin mo muna mula bukas ang about sa school mo."

Saka ako iniwan ni daddy para umakyat na sa office room niya.

Nang gabing yun ay napaisip ako. Nang malaman ko kay daddy ang nangyari kay Ate ay sadyang gustong gusto ko sumama sa kanya papunta ng France. Paraan din ito para makabawi ako kay ate at isa pa para na din kahit papaano magkaroon kami ng bonding time.

I know tgis would mean na tinatakasan ko na ang nangyari sa Pinas. Pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang dahilan

Then naalala ko si Seb. Tama bang umalis ako? Kapag umalis ako it means na iiwan ko na din siya. Sasabihin ko ba sa kanya? Pero humingi ako ng space.

Halos hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Buo na kasi ang loob ko na aalis ako para sa kapatid ko. Para maalagaan si ate. Pero hindi ko alam kung sasabihin ko kay Sebastian. Kung sasabihin ko sa kanya natatakot ako na intayin niya ako na hindi ko alam kung tama ba niyang gawin. Ayokong magintay siya sa akin.

Hindi naman sa wala siyang aantayin, pero ayokong intayin niya ako. Ayoko talaga. Dahil ayokong makulong siya sa akin. Ayoko siyang masaktan kaiintay sa akin to think na aalis ako ng hindi kami okay.

Kinabukasab ay agad akong nagpunta sa office. Tinry ko pa din umattend ng klase dahil ayokong malaman ni Summer ang gagawin ko.

And up to now, di ko pa din alam kung sasabihin ko kay Seb o hindi.

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon