Twenty Seven

874 18 2
                                    

Twenty Seven

"Siera. Sorry talaga kanina ha? Si kuya kasi eh! Nag-exhibition sa bike kaya ayun naaksidente. Andito pa din ako sa ospital para may kasama si mama sa pagbabantay sa kanya."

"Kamusta naman siya?"

"Okay naman. Hindi naman critical ang lagay niya. Pero kailangan i-monitor yung bali niya sa braso. Sorry talaga ha?"

Napangiti ako sa pag-aalala ni Summer sa akin.

"Okay lang yun, noh. Get well soon sa kuya mo."

"Okay. Sige ha? Tatawag na lang ako ulit bukas. Kailangan ko na 'to ibaba."

"Sige. Bye."

At ibinaba na niya ang tawag niya. Mabuti naman at hindi critical ang lagay ng kapatid niya.

Gusto ko sana magkwento sa kanya ng mga nangyari kanina kaso alam kong busy siya doon kaya hindi ko magawa. Ayoko namang kay daddy pa akomag-open about sa bagay na yun lalo na at malaki ang kanyang galit kay Louie.Buti na nga lang wala siya kanina dito sa bahay ng inihatid ako nun dito eh.Kung nagkataon, baka makita niya si Louie at lagot ako.

Isa pang bagay na ikinababahala ko na ay 9PM na perohanggang ngayon hindi pa din nagtetext si Sebastian sa akin. I know busy siya dahil may group reports din siyang gagawin at may practice siya sa basketball kanina. Pero hindi naman siguro aabot ng 9PM yun diba? At saka isa pa,nagtetext naman lagi yun kaya ngayon hindi ko tuloy malaman kung tuloy ba yung date namin bukas.

Don't get me wrong pero tinext ko na siya ng "Good Evening"at kinamusta na din. Pero wala naman akong natatanggap na reply simula sa kanya 'til now. Ayoko naman na padalhan siya ng maraming messages at tawagan pa dahil baka maisip niya ang clingy clingy ko at ang possessive ko na.

Kaya naman napagdesisyunan ko na lang na magbasa ng ilang bagong libro na iniregalo sa akin ni daddy. Pampalipas oras habang iniintay angtext niya. Pero dinalaw na ako at lahat ng antok ay wala pa din akong natatanggap na text mula sa kanya.

Nagising na lamang ako inabukasan sa malakas na pag-ring ng aking cellphone.

"Hello?"

"Wake up, Siera. I'm here na sa labas ng bahay niyo."

Napamulat akong bigla at napabalikwas ng bangon.

Agad kong sinilip ang bintana mula sa aking kwarto at nakita ko siya doon sa gilid ng kanyang sasakyan at ngumiti siya sa akin. May dala nanaman siyang rosas. Napangiti ako.

"O-okay! Sandali lamang. Maliligo at magbibihis lang ako."

At agad ko na ding ibinaba ang tawag niya.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Isang simpleng skinny pants, blouse, at doll shoes ang suot ko. Nagdala lang din ako ng maliit na sling bag lagayan ng aking mga personal belongings.

Pagbaba ko ay andoon na siya sa aming sala. Nakaupo siya sa sofa, at agad siyang tumayo ng makita ako.

"Tito. Aalis na po kami."

"O sige. Ingatan mo iyang anak ko."

Agad naman akong lumapit kay daddy at humalik sa kanyang pisngi para magpaalam na.

"You look beautiful." Ngiting sabi niya sa akin.

Namula naman ako sa kanyang sinabi. Ano naman beautiful sa akin sa araw na ito? Isang typical na damit lang naman ang suot ko today. Wala namang kapansin pansin doon.

"Uhm. Thanks."

Yun na lamang ang nasabi ko.

"Still, nahihiya ka pa din."

Saka siya tumawa.

Mabilis siyang nag-drive papuntang Santisima Trinidad para doon kami magsimabang dalawa. Ika nga niya, mas maganda na simulant ang date sa isang pagsimba.

After magsimba ay napagdesisyunan namin na sumaglit sa SM para mamili ng ilang pagkain na pwedeng baunin. Mag-joy ride daw kami ngayon.

"Stop over muna tayo sa Nuvali bago tayo pumunta ng Sky Ranch at People's Park sa Tagytay."

Tumango ako sa kanya.

Buong joyride ay wala akong ginawa kundi ang kumain. Inaasar niya na nga ako na ang takaw takaw ko na nga daw. Kaya naman sinubuan ko siya pero ayun at tinawag niya akong sweet na girlfriend.

Pagkarating namin ng Nuvali sa Sta. Rosa after ng mahabang byahe ay madami na ding tao doon. Linggo kaya madami pero still nakapag-rentkami ng bike para sa aming dalawa. Nag-bike kami ng abay doon. Maganda na din ang panahon ngayon dahil kahit maaraw ay hindi ganoon ka-init ang hulab dito sa Nuvali.

After namin magbike ay umupo na lang kami sa mga damo doonkung saan silong at doon kami nagkwentuhan habang kumakain. Nagpicture din kami.

Saka kami dumeretso ng Sky Ranch para magenjoy sa iba'tibang rides at ang last stop namin ay ang People's Park kung saan naubos naminang aming mga oras sa pagtambay at pagkukwentuhan ng kung ano ano habang nakatanaw sa view ng Taal at sa buong Highlands. Inintay din namin ang pagdating ng sunset doon.

Sa byahe namin pabalik ay namalayan ko na lang na nakatigil na ang sasakyan niya sa bahay namin habang may nakabalot sa aking balabal.

Nakangiti siya sa akin kaya naman agad akong naasiwa dahil kagigising ko lang.

"Hmm? Nakarating na pala tayo?"

"Oo. Nakatulog ka, eh."

Tumango ako at nag-sorry.

"Sorry. Wala ka tuloy kausap habang nasa byahe."

"It's okay. Nag-enjoy naman ako sa pagtitig sa'yo."

"Hmm?"

Napatingin na lang ako sa kanya. Umayos ako ng upo at saka inayos din ang balabal na nakabalot sa akin.

"Umuwi ka na. Maaga pa ang pasok mo, diba?"

Tumango siya.

"Nag-enjoy ka ba?"

"Oo." Ngumiti ako. "Ikaw?"

"Sobra."

Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi din niya siguro alam ang sasabihin ko. Sa kalsada ng village namin aywala ng tao. Napatingin naman ako sa aking relo at nakitang 9pm na pala.

"Kanina pa ba tayo dito?"

"Almost an hour?"

Shit! So almost 1 hour na niya akong tinititigang tulog?!

"Can I kiss you?" Saad niyang nakangiti sa akin.

"Ha?"

Hindi pa ako nakaka-oo at hindi ay agad niya ng hinaplos ang aking pisngi at hinalikan ako sa labi.

Nanlalaki ang mata ko sa kanyang ginawa samantalang kitangkita ko ang nakapikit niyang mga mata habang niraramdam ang halik na binibigay niya sa akin.

Unti unti akong pumikit at dinama siya. Marahan kong tinugon ang kanyang mga halik ng marahan siyang gumalaw.

Ilang minute ay tumigil siya at halos humahabol kami nghininga namin pareho.

"You love me, right?"

Napatitig ako sa kanyang mga mata na puno ng pag-aalala, takot, pagmamahal at kung ano ano pa.

Tumango ako sa kanya.

"Tell me. Please."

Pagsusumamo niya sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko.

"I love you. Kurt Sebastian De guia."

Saka siya huminga ng malalim at hinalikan ang aking noo.

"I love  you too. So much. Siera Jane Perez."

At saka niya ako niyakap ng mahigpit.



Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon