Four
Minsan nakakapagod na din ang magpanggap. Nakakapagod magmatigas. Nakakapagod umiyak. Ang hirap dahil wala kang masandalan man lang. Pero kailangan pa ba yun? Nakaya ko nga ng isang taon eh. Sigurado akong mas kakayanin ko pa to at makakamove on din ako balang araw. Siguro dapat talaga ay wag ko ng isipin angvbagay na iyon dahil gaya nga ng sabi ko malakas na ako ngayon.
Kinabukasan maaga akong gumayak para pumasok. Mas maganda na din siguro ito para man lang makapagrelax ako at makapag isip isip ng mga bagay bagay. Naglakad lakad lang ako sa school. Hanggang sa mag time na kami. Nagiisa na naman ako sa likod. As usual, wala namang kakausap sa akin. Sino nga ba naman ang kakausap sa isang tulad ko? Ako na hindi na kailanman nakikisalamuha salahat.
Agad naman dumating ang professor namin. 3 weeks pa lang kaming nagkaklase pero ano ito at may ipinagagawa na agad?
"So I am planning that I will pair all of you for this report. Kahalintulad na din ito ng thesis para masanay na kayo sa mga susunod na years. So I'll start the paring.."
Pairing? Worst nightmare. Magisa na lang akong gagawa ng project kesa sa may kasama pa ako. Mas madaling magawa pag nagiisa..
"So? Hmm.. Ms. Siera Jane Perez with.. Kurt Sebastian de Guia."
Seriously? No way! Hindi na ko marereklamo na gagawa ng group report ng may kapair wag lang kay seb!"
"Ms. Delgado!"
"Yes Ms. Perez?"
"I just want to ask if I could work with my report alone? Mas gusto ko pokasi ang gumagawa ng trabaho ng magisa. Kaya ko naman po. So hindi ko na po kailangan ng kapair."
"Well, I'm sorry Ms. Perez, but this report is for group pairing. Alam kong kaya mo iyon dahil matalino ka pero as you can see, hindi ko pwedeng payagan ang gusto mo. Sorry, Ms. Perez."
Napaupo na lang ulit ako. At hindi din nakaligtas sa akin ang tingin ng mgakaklase ko. Siguro iniisip na nila na napakayabang kong babae para sabihin un. Pero hindi naman nila naiintindihan kung bakit naging ganito ang ugali ko.
Nagdismiss na din naman ang klase kahit hindi pa time, nagaayos lang ako ng gamit sa upuan ko.
"Jane!"
Agad akong napatingin sa tumawag sakin.
"Nang aasar ka ba?"
"Tinawag ka lang sa pangalan mo nang aasar agad?"
"Bakit hindi? Alam mo namang si.."
"Si Louie lang ang tumatawag ng Jane sayo. Oo alam ko. Pero siguro namanhindi na problema yun dahil isang taon na naman kayong wala."
Hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya. Kung tutuusin, tama nga naman siya.
"Ano bang kailangan mo?" iniba ko na lang ang topic.
"Anong gagawin natin sa thesis report? Anong topic?"
"Imemessage na lang kita. Maghanap ka ng iyo at maghahanap ako ng akin."
"Bakit hindi pa tayo sabay maghanap? By pair naman iyun ah."
"Sundin mo na lang ako. Sige."
Aalis na sana ako ng bigla niya akong pigilan.
"Huwag mo naman akong iwasan Siera. Kahit papaano naman ay naging magkaibigan din tayo noong mga bata pa tayo. Hindi mo naman ako kailangan gawinun. Isipin mo na lang sana na kaya tayo magkalapit ngayon ay dahil sa thesis. Wala ng iba."
Agad na siyang umalis. Minsan talaga kahit hindi na kami ganun magkalapit ni Seb nararamdaman ko pa din na isa siyang kaibigan para sakin. Na kahit yung konting pinagsamahan namin nung mga bata kami ay pinahahahalagahan niya. Kahit nagbago na ako, kahit napaka cold ko ngayon sa lahat, masasabi kong hindi kovmaitatago sa sarili ko ang nararamdaman ko. Galak. Isang galak na kahit ganito na ako, nagbago na, at least may tao pa ding handang maging kaibigan ko kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Fix You
RomanceSi Siera ay isang simpleng babae na sa paningin ng lahat ay isang perpektong tao. Pero nagbago din ang lahat ng ito mula noong nagbago siya dahil sa kanyang naging kasintahan at naging best friend dati. Hindi naman talaga siya perpektong tao, pero s...