Ten

1K 23 0
                                    

Ten

Natapos ang buong ride na nakapikit ako at halos ma-utas na itong si Seb sa pagtawa niya. Hampasin ko nga!

"I hate you! I hate you! I hate you!"

"Aray, Siera! Teka!" tatawa tawa pa siya habang hinahampas ko siya at pilit niya akong pinipigilan.

"Hindi mo ba alam na halos atakihin ako sa puso doon! Ha?! Mamamatay ako ng maaga sayo! Leche ka!"

"Haha. Ikaw talaga. Pero tingnan mo diba? Nakaya mo! Kahit takot ka nakaya mo!"

Napatigil ako sa paghampas sa kanya. Bakit parang double meaning sa'kin yung sinabi niya. Pero naisip ko din, oo nga naman noh? Akalain niyo yun? Kahit takot na takot ako nakaya kong sumakay doon?

Hindi ko na mapigilan ang pag - ngiti. Isa na ata yun sa mga bagay na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

"Yes!"

Huh? Bigla ako napatingin kay Seb!

"You smiled! You smiled! Napangiti kita! Yes!"

Shit! Hindi ko na namalayang andito siya ah?

Sinimangutan ko naman siya agad.

"Ano, Siera? Tatanggi ka? Haha. No way. Kitang kita ng dalawa kong mga mata. Ngumiti ka! And I even captured that moment!"

Bigla niya ipinakita sa akin ang cell phone niya na. Pinicture - an pa talaga ako.

"Tigilan mo ko Sebastian! Tss" agad akong nag – walk out. Shit. Nakakahiya. Agad niya din naman akong sinundan at inakbayan. Pero di ko na pinansin pa.

"Ang saya saya ko Siera. Napangiti kita. Sa wakas."

At ng tingnan ko siya,. Ngising tagumpay ang loko!

After nun ay hindi ko na ulit siya inimikan. Ewan ko ba. Wala namang mali sa pag - ngiti diba? Pero hindi talaga matanggap ng isip ko na ngumiti ako ng dahil sa kanya. Para bang hindi ko magawang aminin yun sa sarili ko. Parang ang big deal, big deal nun sa akin.

Niyaya niya naman ako ngayon sumakay doon sa Ferris Wheel. Okay naman ako duon. Maganda din kasi dun. Gabi pa man din at sigurado akong kita doon ang view ng Laguna.

Tahimik lang kaming nakasakay duon, at bigla siyang umimik.

"Siera?"

Agad ako napatngin sa kanya. Ngayon, alam ko ng seryoso siya. Iyan ang tinatawag niya sa akin kapag seryoso na siya.

"Salamat." Nag – pasalamat siya ng hindi ngumingiti.

"Huh?" takang taka naman ako dahil sa tingin ko parang ako naman ata ang dapat magsabi sa kanya nun.

"Salamat, Siera. Dahil hinayaan mo kong isama kita ditto."

Wala lang ako imik. Ni hindi ko din alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Kaya tumango – tango na lang ako.

"Napakasaya ko. Sana ganun ka din. Masaya na ako ng hinayaan mo kong isama ka dito para makapag – relax ka, pero mas masaya ata ako ng nakita ko ulit ang mga ngiti mo."

Napatingin na ulit ako sa kanya.

"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na yun. Kahit half smile lang iyun sobrang saya ko na. Kaya minadali kong picture – an ka. Sorry din ha? Kung pinilit kitang sumakay doon sa Space Shuttle kahit alam kong natatakot ka. "

Tumango tango lang ako sa mga sinasabi niya. Ni hindi ko siya magawang tingnan man lang. Naiilang ako. At the same time, nagi – guilty ako dahil hindi ko man lang magawang magpasalamat sa kanya. At parang ngayon lang naman siya naging ganito sa akin.

"Salamat, Siera. Salamat sa pagsama. Salamat dahil ako ang naging dahilan ng una mong pag – ngiti mula noong nag – desisyon kang maging cold sa lahat. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo dahil napangiti ko ang babaeng mahal ko."

Ano daw? Napatingin ako sa kanya bigla at nagulat ako na medyo nangingilid na iyung mga luha niya. Titig na titig lang ako. Kung kanina hindi ko magawang tingnan siya, ngayon hindi kong magawang ialis ang tingin ko sa mga pinapakita sa kanya.

Agad niya naman itong pinunasan.

"Sorry ha? Emosyonal lang." ngumiti siya. Hanggang sa tiningnan niya na ulit ako ng seryoso.

Unti unti niyang hinaplos ang pisngi ko ng isang kamay niya. Napalunok ako. Di ko alam kung bakit, pero kinabahan ako sa ginawa niya at sa pinakita niya pero hindi ko magawang pigilan man siya o umiwas. Parang gusto ko pa makita kung ano ang ipapakita niyang emosyon sa akin.

"Salamat na ako ang dahilan ng pagngiti ng mga labing iyan."

Titig na titig lang siya sa akin at pati ako sa kanya kanina.

At bigla kong naisip. Ang pagbabago ko. Ginusto ko maging ganito para di malaman ng mga taong mahina ako. Ginusto kong maging ganito ksi natatakot na akong magtiwala pa. Pero naisip ko, wala naman sigurong masama kung sa gabing to, magpakatotoo ako, diba? Ngayon lang naman eh. Wala naman sigurong masama.

"Salamat din."

Hindi ko na napigilan ang ngumiti ng kahit konti. Gulat si Seb sa ginawa ko.

"Salamat dahil nandyan ka, Seb."

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Pero naisip ko, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Feeling ko secure ako. Feeling ko walang mananakit sa akin.

Tinitigan niya ulit ako at ngumiti siya. Ngumiti lang din ako.

Isinandal niya lang ako ngayon sa balikat niya habag nakaakbay sa akin. Hindi man siya umiimik pero ramdam kong masaya siya dahil napangiti niya ako.

Hindi ko akaling may tao pa pala sa paligid ko ang handang gawin ang lahat ng kaya nila makita lang ulti ang pag – ngiti ko.

Ganon lang kami habang nakasakay ng Ferris Wheel. At hindi ko na mapigilang mapangiti pa lalo.

For the first time. After kong masaktan. After lahat ng desisyon kong maging cold. After ng lahat ng pagpapanggap ko sa mga taong malakas ako. Finally, nagawa ko din ang magpakatotoo sa sarili ko sa unang pagkakataon.

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon