Jhensen's PoV
Dalawang linggo na din ang nakalipas simula nung unang pasukan,simula nung makilala namin sina Wayne at ang mga kaibigan nya,Masasabi kong naging friend na din namin sila,madalas kaming magkakasama kapag breaktime,masaya naman kaso may panira,yung kaibigan nilang masungit!
Lagi nalang akong inisnob kapag kinakausap sya,para tuloy akong sira ulo na kausap ang sarili ko dahil wala naman sumasagot sa akin kapag sya ang tinatanong ko,samantalang pag sila App ang nagtatanong sinasagot nya kahit one word lang.
2 weeks na rin simula nung umiyak si Ally na hanggang ngayon ay di ko pa alam ang dahilan,pero Ok lang sa akin,alam ko namang masasabi din nya sa akin yun,kasalukuyan akong nakaupo sa garahe namin,iniisip ko kung magpapahatid na ako kay kuya driver oh hindi,kung magmomotorbike na ako ko hindi,Eh kung magmotor ako,papahatid ako kay kuya!
Tama,waahh i miss riding in a motorcycle.Pinuntahan ko na si kuya sa room nya at kumatok saka sabay bukas,hehe close kami ni kuya kaya ganon.
"Ehem!Kuya can you drive me?Hatid mo ko sa school!sige na!"i said habang ang papuppy eyes,kasalukuyan syang nang reready para sa pagpasok din ng school,College na sya ngayon.
"Ha?eh diba may motorbike ka?na ko,tinamad ka na naman siguro,tsskk,sige kuhain mo na yung extra helmet ha!wait me at the garage."sabi ni kuya na ikinatuwa ko ng sobra,yes!!
Bumaba ako sa kwarto ni kuya at dumiretso sa garahe,kinuha ko muna ang phone ko at nagcompose ng message.
To:pangalang matakaw(Appetite)
Creamy Hollandaise
Feeling sexy (allysandra)"Girls,ihhatid ako ni kuya kaya di ako makakasbay sa inyong mag motorbike,ingat kayo,lavyahh.
From: Sender Yeppeoda
And Send!
Matapos kong isend iyon ay saktong dating ni kuya,umangkas na ako Sa motor at nagbabye sa mga parents namin,nadaanan namin ang bahay ng tatlo kong bestfriend at mukhang di pa sila nakakaalis.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at nakita kong may text,di ko muna yon binasa dahil baka malaglag ako kaya kumapit muna ako kay kuya.
*at school*
"Bye kuya,ingat!lavyu"sabi ko kay kuya."ingat din Jheng!goodbye uwi ng maaga,less Lakwatsa!sige Labyoutoo!"sabi ni kuya,pinilit ko syang umalis na pero aalis lang daw sya kapag nakapsok na ako,mabait ni kuya,kaya andaming Nagkakagusto sa kanya eh,pero he always ingnoring them because his focus is on his study,sya ang gusto kong gayahin kaya ngayon,aral aral muna ako.hihihi saka Crush na din.
Kinuha ko ang phone ko at umupo muna saglit sa bench sa may lilim,maaga pa naman kaya ang lakas ng loob kong tumambay dito.Binasa ko ang ang mga messages,ang una galing kay Cass,Sabi nya ok ingat ka.,ganundin ang messge ni app at unnirtia,may messages pa akong unread kaya pinagbabasa ko muna.
Halos matawa ako ng makita ko ang 50plus na message galing sa TM,buti pa ang tm tinatadtad ako ng message,samantalang sila Cass di ako matext.
"Huy,jhen anong ginagawa mo dito?"halos malaglag ako sa inuupuan ko dahil biglang may nagsalita,si Wayne •﹏•
"A-ahh nakaupo?"sagot ko,wag kasi syang magtanong ng obvious ang sagot eh."Hahaha,ang ibig kong sabihin bakit ka nandito eh doon pa ang room natin."sabi nya pa.
"Aahh,wala lang,namiss ko kasing maupo dito eh,lately kasi lagi na akong nalelate kaya wala akong time na mag stop dito,"pagpapaliwanag ko sa kanya,nagulat ako ng maupo sya sa tabi ko.
"Paupo ah!Ano bang pinakagusto mong lugar dito sa school?tanong nya sa akin,medyo naiilang ako dahil magkatabi kami ngayon,but i calm myself na huwag kiligin,ka sa sabi ko lang na studies muna diba?
"Ahh,pinakagusto ko is..Canteen,kasi nakakain all I want,bukod dun lahat gusto ko na,wala akong ayaw na lugar sa school,how 'bout you?sagot ko at ibinalik ang tanong sa kanya.
"Ahahaha,ikaw talaga ang takaw mo,buti di ka tumataba,lahat naman ng lugar sa school gusto ko eh"sagot nya nang nakangiti,napatitig ako sa mukha nya,amputi at ang lambot nang mukha nya malamang,wala man lang syang Pores sa mukha,parang di dinadaanan ng pimples ang mukha nya,napatigil ako dahil nag bell na.Mas mukha pa syang magandang babae kaysa sa akin.
"Nagbell na Jhen,hinay hinay lang sa pagtitig,haha,tara sabay na tayong pumasok"sabi nya sa akin at inabot ang kamay nya,inabot ko ang kamay nya at halos mataranta ako dahil mala bulak sa sobrang lambot at kinis,parang anytime mapupunit ang kamay nya,nagulat ako sa sinabi nya "ang lambot ng kamay mo ah,ang sarap hawakan,pa hawak ah!"sabi nya at inangat pa ang kamay ko at pinisil pisil.Waahhh,wayne kinikilig ako pramis!!
Naglalakad kami nang ganoon ang peg,HHWW,nakarating kami sa room ng matiwasay,unti unti naman kaming nakukumpleto at nandito na din sila Cass pati ang kaibigan ni Wayne,binati ko sila kasama si Sungit,buti kahit tango nabigyan ako nito,di gaya dati,di na nga makatango mangiirap pa,sarap nyang dukutan ng mata!
"A-aack,ouch"reklamo ko ng makaramdam ng masakit sa dibdib ko,pero di ko pinahalata,ano na naman ba ito?
Nakita kong tumingin sa akin si Cass kaya Umakto akong parang wala lang,inalis nya rin ang atensyon sa akin at nakinig ng mabuti sa teacher,3rd subject na ngayon.
Nung magbell ay inaya ko agad sila,dala ang gamot ko pero di ko pinakita sa kanila,mag aalala lang sila eh,nagpaalam ako kay Cass na aalis lang ako saglit,Tumango lang sya saka ako umalis,di ko na inantay ang sasabihin nila dahil baka mangisay pa ako dito
mabilis kong tinutungo ang Clinic nang makaramdam ako na sumusunod sa akin,malakas ang pakiramdam ko kapag may sumusunod sa akin,niligaw ko sya saglit,dumaan ako sa medyo walang taong lugar,psh,ako talaga ang sinusundan nito,huminto ako para tignan sya,pero wala akong nakita,di ako madaling matakot kapag ganito ang eksena,may alam naman akong pang offense ang defence eh.
Napataas ako ng kilay at nagtuloy nalang sa paglalakad,buti di na gaanong umaatake ang nakakaasar na sakit ko,but still i need to take may medicine.
Naramdaman kong may nakasunod na naman sa akin,tinuloy ko ang paglalakad ko at walang ano ano ay tinignan ko sya,saktong nagtama ang mata namin,tss
What is he doing here?
Sinusundan nya ba ako?Gusto ko itanong yan sa kanya pero di ko magawa,baka kasi sabihin nyang ambisosya ako eh,tinaasan ko nalang sya ng kilay at nilagay sa harap ang kamay ko.
Tatalikuran ko na sana sya kaya lang bigla syang nagsalita.
"Are you ok?"
With that,napa tingin ako muli sa kanya.